21 December 2008

Christmas shopping

4 days nalang at Pasko na kaya mega cramming na naman ako sa pagbili ng mga regalo.:P haha. wala pa kasing pera at time noong mga nakaraang linggo kaya last minute ako mamili. =)

nagpunta kami ng kapatid ko sa World Trade Center para sa Christmas bazaar. dapat kasama din namin si mommy papunta dun kaya lang may work siya so nauna na kami. nagdrive ako from dasma to world trade. =) wooh! achievement! first time kong magdrive sa manila without parental supervision! haha. dati kasi di ako pinapayagan nang ako lang mag-isa tsaka choice ko din naman na mag-bus na lang instead na magdrive kasi di ko kabisado ung mga daan tsaka di ko kayang makipagsabayan sa "manila drive." haha. nung una kabado talaga ako kasi siyemrpre dapat mas maging responsible driver ako dahil kasama ko kapatid ko pero na-realize ko din habang binabaybay ko ang imus-bacoor (o ha! cavite pa lang yan a!) na kahit anong ingat kong magdrive kung loko-loko naman ung mga kasabay ko e may chance pa ding maaksidente. tulad na lang nung muntik na akong mahagip ng Jethro Liner bus! kalerkey talaga! di man lang nagsisignal, singit ng singit, preno ng preno. hay. basta. ang gulo niya magdrive! buti na lang naka-overtake ako sakanya at nakarating kami ng matiwasay sa world trade. =)


pagdating dun, wala pa masyadong tao kaya nakapag-scout na kami ni roselle ng mga bibilhin. padami ng padami ang mga mamimili kaya pasikip din ng pasikip sa loob! grabe. para kaming sardinas dun.:P di nga kami nagkaroon ng matinong lunch ni sel kasi bukod sa mahal ung mga pagkain e wala namang mauupuan. buti na lang at mabait Siya dahil nagkaroon kami ng blessing. =) may lumapit kasi samin na babae na nagpapasagot ng survey. e nasa mood ako sumagot kaya gow lang! pagkabalik ko sakanya ng form binigyan niya ako ng isang box ng cookies. =) yeh! swerte!


tapos nanuod din kami ng sel ng cooking demo. kasi napapanuod ko sa TV na lahat ng audience sa demo ay may free taste kaya pinagtiyagaan naming manuod.:P haha. PG! pero di din kami nakapanuod ng maayos dahil may lumapit namang saming nanay tapos pinawan niya samin ung 3month-old baby niya! =) wee! siyempre tuwang-tuwa ako kasi mahilig talaga ako sa mga babies. di ko inisip na baka scam lang yun or whatever basta gow. baby e. :P edi nilaro namin siya ni roselle no? bigla ba namang umiyak! nataranta ako! inisip kong maigi kung anong gusto niyang ipahiwatig. tapos napansin ko na sobrang nakadikit siya sa dibdib ko, dun ko napagtanto na gatas pala gusto niya. e kumusta naman ako diba? :P


buti na lang dumating na ung mommy niya. whew. :P umalis na din kami kasi dumating na din si mommy. ayun. shopping ulit. okay din ung mga damit na napamili ko sa sarili ko. =) cool!

7pm nasa bahay na kami. =)

**
Breaking news to all Twilight Fans:

ABS-CBN has bought the rights to make a tv version of the hit vampire novel "Twilight" by Stephenie Meyer, it is about a girl named Isabella Swan who fell in love with a vampire named Edward Cullen, the taping is set to start next year in Baguio, Bugarin in Tanay Rizal Province, Bukidnon and Tagaytay, This will be one of the biggest production ABS-CBN will make, the budget for this TV Series is about more than a million, Which is big for a tv series. this is said to be directed by the award winning director Cathy Garcia Molina. Twilight Philippine Version Cast: (Pending) as Edward Cullen Shaina Magdayao as Isabella Swan Valeen Montenegro as Alice Cullen Gabby Concepcion as Dr. Carlisle Cullen Luis Manzano as Emmett Cullen Al Tantay as Charlie Swan Yayo Aguila as Renee Dwyer Fred Payawan as Jacob Black Carlos Agassi as James Chin Chin Gutierrez as Esme Cullen Karylle as Rosalie Hale Joross Gamboa as Jasper Hale Jessy Mendiola as Jessica Stanley Empress Schuck as Angela Weber
Brad Murdoch as Laurent Nikki Bacolod as Victoria Aaron Villaflor as Mike Newton ABS-CBN said theyre thinking of Rafael Rosell, Diether Ocampo, or Jake Cuenca to portray the role of Edward Cullen.
Source: X


OMG! bakit pa nila kailangang gumawa ng mga ganitong bagay? bakit di na lang sila magproduce ng original? o kaya gawin din nilang teleserye ung mga ginawa nilang pelikula? bakit Twilight pa? at bakit sa dinami-dami ng artista e si shaina pa? OMG! im not a fan of twilight pero iba na to e.. ibang level na.. gaya nga ng sinabi sakin ni ate may, baka nakikisama lang sa kasikatan ng twilight tong mga to! grrr. hay.

No comments: