makalipas ang apat na araw ng paglilinis ng kwarto ko ay natapos na din ako ngayong araw (or gabi? kasi 10pm ako officially natapos e.:P) nato. :) bakit 4 days? kasi may 4 phases ako ng paglilinis e. (samahan pa ng pahinga, matagal na pagiisip kung itatapon na ba ang nakita at pagmumuni-muni sa mga nahanap na test papers, handouts etc. ):P haha. sa totoo lang mabilis na yang 4 days! dati 1 week ang cleaning process ko.:P haha. salamat sa bago naming portable vacuum cleaner.:P yeh!
okay. balik sa 4 phases ng paglilinis. :) gawa-gawa ko lang tong phases nato para mas organized.:P haha. ang phase 1 ko ay sorting.
inaalam ko kung alin sa mga gamit ko ang dapat na mamaalam at manatili.:P haha. income-generating phase din to kasi nakakapag-ipon ako ng mga recyclables at pang ukay-ukay. :P yeh! ika nga ni dr. mustafa tolba, "waste is a resource that is in the wrong place at the wrong time. once it finds its rightful place then it is just as valuable as any other natural resource." o diba? kaya wag basta tapon nang tapon. :)
phase 2 naman ay ang cleaning. hardcore ito! dahil inaalis ko sa loob ng kwarto ung mg furnitures ko like side table, study table, shoe rack para makapaglinis ako nang bonggang-bongga. floor wax, tanggal ng agiw, vacuum, linis ng salamin.
Phase 3: Grouping. sa phase na to pinagsasama ko na ung mga dapat magkakasama. academic-related stuff, gadgets etc.
at finally ang phase 4 ay arranging. :) nilalagay ko na sa tamang lalagyan lahat ng mga gamit ko. last year bumili ako ng 4 clothing case at 1 shoe rack. this year 1 accessories organizer , 1 shoe rack at hamper. tipid mode.:P haha.
o ha! yan ang bunga ng 4 days kong paglilinis.:P haha. masarap na matulog sa kwarto ko ngayon dahil malinis at lumuwag. :P pagkatapos na pagkatapos ko nga maglinis e kumain agad ako ng chocolate cake at humiga sa kama ko.:P haha. yeh! sabi nga ni mommy pwede na daw ako maging katulong.:P haha.
**
dapat may lakad ako nung monday (party namin nila ate pat, kare at mon) at kanina (makeup hunting with lizette) kaso di ako tumuloy dahil: nung monday ay aksidenteng nalaslas ang aking pulso. :P hindi to suicide attempt.:P haha. aksidente talaga.:P at siyempre dahil sa duwag ako sa dugo e nanghina na naman ako pagkakita ng dugo PERO (eto bago) hindi ako hinimatay! haha. yeh! talagang nilabanan ko ang himatay mode dahil pa-vertical ung hiwa sa ugat. e may nagsabi sakin dati na mas deadly pag vertical. hay. tagal tumigil ng dugo! 1 oras!
kanina naman hindi kami natuloy ni lizette sa make-up hunting namin kasi wala akong budget. hay. nakakahiya na nga sakanya kasi ilang beses na kaming di natutuloy. sana naman wag siya mawalan ng gana na samahan ako. :) yeh!
kanina naman hindi kami natuloy ni lizette sa make-up hunting namin kasi wala akong budget. hay. nakakahiya na nga sakanya kasi ilang beses na kaming di natutuloy. sana naman wag siya mawalan ng gana na samahan ako. :) yeh!
**
nung madaling araw ng monday, parang may nagtangkang magnakaw samin. patulog nako nun around 2am nang biglang may nadinig akong motor na nagpark sa likod bahay. nagtahulan ung mga aso tapos bigla silang tumigil sa pagtahol pero ung sound ng pagtigil nila e ung parang binato sila. easy pa din ako pero gumagana na ung killer instinct ko. tapos nadinig ko na parang may umaakyat sa bakod, un na. tumayo nako sa kama at binuksan ko ung ilaw sa labas. nawala ung kaluskos pero nadinig kong nagtahulan din ung mga aso sa kapitbahay. hmm. kaya ilang gabi na kaming nakaalerto kung sakaling may mangyari.
**
may pera sa basura. :P haha.

No comments:
Post a Comment