14 March 2009

one moment

one nescafe.

nung sabado, tinulungan ko si pol sa video entry niya sa nescafe. ang plano kasi dapat ilan sa mga obzite ang aarte kaya lang sabi ni pol hindi naman nagrereply ung iba o kaya busy so naghanap ako ng pwede niyang maging artista. ayun. nadampot ko si libay. :P haha. dapat si libay, ako at ung bestfriend ko kaya lang busy din si bestfriend kaya pinilit ko si libay na magsama pa ng iba niyang friends para masaya. edi mga 4pm, nagkita-kita kami sa school para maghanap pa din ng makakasama hanggang sa napadaan si maica. hindi talaga pumasok sa isip ko na kunin siya kasi baka hindi naman niya trip. pero habang papunta kami sa SM nagpaparinig ang lola mo na wala naman daw siyang gagawin at ayaw pa niyang umuwi edi sinama na din namin. :P haha. sa SM, napilit namin sina argie at si queenie (na kanina lang din namin nakilala. :P).

nung kumpleto na, diretso na sa dati naming bahay (canteen na ngayon) para magshoot. okay naman. laugtrip si libay dahil sobrang takaw at ingay niya! haha. di mapigilan sa pagtawa. :P masaya silang ka-prod. :P


busy si madame sa kakapanuod. :P



moment ni queenie.



direk majarl. :X


mga 8pm kami natapos sa pagshshoot. pumunta ulit kaming lahat sa SM dahil sale. :) haha. at dahil sobrang saya namin ni pol nagdate pa kami. :) yeh!

eto na ung video.




salamat sa lahat ng tumulong para magawa to. sana manalo si pol ng mac! :) yeh!

**

hindi ako kampante nung mga nakaraang araw. kinukupal na naman kami ng aming mahal na Departamento. bakit kaya sila ganun? mabibilang na lang sa kamay kung sino ang matitinong kausap dun e. ung iba, bulok na! hay. goodluck na lang sa mga maiiwan. ga-graduate na kami.

No comments: