04 April 2009

Asian fever

di na ako nakakapag-update dahil busy busy-han ako. :P haha. eto ung ilan sa mga pinagkakaabalahan ko:

1. Fated to Love You




hindi ko nasimulang subaybayan to sa 7 kaya pinapanood ko na lang sa dvd. nakakaaliw! *spoiler alert* sobrang naiyak ako nung nakunan si Chen Xin Yi! grabe. iyak ako nang iyak sa kwarto. hagulgol talaga. muka akong ewan. :P nakakadala kasi! habang umiiyak hinahawakan ko ung tyan ko. :P feel na feel ko talaga ung episode na un. hay. konti na lang matatapos ko na. :P tinigil ko lang ung panonood kasi hindi na ako nakakapaginternet! haha. inaabot ako ng 4am sa kakapanood. :P

2. Patapon



di talaga ako mahilig sa mga video games pero nung naging kami ni pol sobrang naadik na din ako. pati nga mga online games nilalaro ko na e. :P haha. eto ung impluwensiya niya sakin (next to food). lakas! pero di katulad niya, mas mahilig ako sa mga cute na laro. :P kaya nga nung nagka-psp siya naglaan talaga siya ng memory para sa laro na gusto ko.:P panigurado kasi di ko masyadong malalaro ung mga gusto niya kasi iba ung trip ko. haha. yey! ambait. :) at un nga, nagpalagay ako ng patapon. :) sobrang cute at nakaka-lss! nung una ayaw pa ni pol dito tapos ngayon adik na din siya. :P hahahaha.

malakas ung kutob ko na may mga filipino din na kasama sa paggawa ng patapon kasi title palang e.. pinoy na pinoy na. tapos merong mga salita dun na "papaya", "ubo" etc. wala lang. :P ma-research nga yan. :P

at hindi na ako makapaghintay dito:




waaah! sobrang cute talaga!! napapanaginipan ko na nga ung chant nila e. :P haha!

3. Photoshop and HTML

gusto kong i-refresh ung natutunan ko sa COMP102 kaya inedit ko ung blog template ko. :P haha. marunong pa naman pala ako at natututo pa din kasi may mga codes na hindi ko talaga alam. :P ayun. gusto ko sanang alisin na ung tagboard at palitan na ng comments kaso hindi ko naman magawa ng maayos! tsk. sinubukan ko ung sa haloscan kaso natanga naman ako. ung sa blogger hindi gumagana sakin, bakit ganun? inayos ko naman na ung settings ko. hay. basta. papalitan ko na ung tagboard. comments na. :P

pinapagaral ko na din ulit nang matindi ung photoshop para maenhance ko na ung mga pamportfolio ko. yeh! kaso masyadong mabigat sa mac ko ung CS3.. puro pictures na kasi ung laman ng laptop e pag ininstall ko pa ung cs3, lagot na. :P kaya pinagttyagaan ko ung sa desktop namin na version 7 pa! haha. hindi din kasi ako makapagdownload ng cs3 sa desktop dahil virus infested pa siya. :P kailangan ko pang ipa-reformat. haha. basta! hanggat di pa ako natatanggap sa trabaho, magppractice ako ng magppractice para mahasa ung skills ko. yeh!


**

10th. :)

nagbowling kami ni pol nung 2 sa rob imus. :) first time kong makalaro ng bowling kaya sobrang kabado talaga. kung ano-ano lang ung pag-roll ko ng bola dun e. :P buti na lang tinuruan ako ni pol ng tamang paghawak at dahil dun naka-strike ako! haha!







nagpunta pa kami sa SM dasma for dinner kasi walang shakeys sa rob imus. tradisyon na kasi namin ni pol na shakeysary din ung monthsary namin. :)

10 months. ambilis. :)

iloveyou pol!


Photo and video credits: wikipedia and youtube

No comments: