17 April 2009

Job Hunting: Phase 2




invading job fairs.

pumunta ako sa Jobfair sa Megamall. solo flight ako kasi may sakit si pol tapos sina rai at ghene naman e may ibang lakad pa ata. habang nasa bus nga ako gusto ko ng bumalik kasi wala naman akong kasama pero fight fight fight pa din kasi sayang naman. ayoko ng i-delay ung mga opportunities kasi baka hindi na bumalik ulit. :P

pagdating ko sa megamall, saktong kabubukas lang ng mall kaya nag-breakfast pa ako tapos gow na agad sa netopia para magprint ng resume. nakita ko pa dun sina melai, cha at ira. :P haha. so sabay-sabay na kami pumunta sa jobfair. naligaw pa kami nun kasi ang laki ba naman ng megamall. :P haha. pagdating namin dun, mahaba na ung pila. tapos may binigay si manong guard na application form. napansin ko lang dun sa application form e parang hindi priority kung saang school ka nagtapos. :P or kung college graduate ka ba or vocational course lang. ang hinahanap nila ay mga tao na may technical skills talaga. advantage pa nga kung may TESDA certificate. :P haha. kaya parang blank din ung form ko. :P personal data lang. haha.

pagpasok sa mismong lugar ng jobfair, may konting tanong tanong pa kung anong trabaho/posisyon ung inaaplyan.

Information: (sa babaeng nasa unahan ko) what position are you applying for?
Babae: call center agent.
Information: hmm. you can go to..blah blah
Information: (to me) what position are you applying for?
Ako: hmm. Managerial or anything related to PR, Advertising, Print Media
Infromation: okay. goodluck. (grins)


haha. un lang ung sagot sakin no? :P haha. pero foreshadowing yan kasi wala akong nahanap na trabaho na related sa mga sinabi ko. haha. 90% ng mga exhibitors dun ay call center agencies, 5% Middle East, 5% recruitment. nabuhayan ako ng loob nung nakita ko ung booths ng 96.3 at Philippine Star kaso walang tao.:( hay. e ayoko namang masayang ung pagpunta ko dun kaya nagpasa na din ako ng resume sa Phoenix Publishing. naghahanap kasi sila ng sales manager. o ha.:P e sabi naman kasi dun tumatanggap sila ng fresh grad kaya gow. :P try lang. sana tawagan ako. haha.

nung naglalakad na ako magisa papuntang Ortigas station biglang nagplay sa utak ko ung Esem. ng Yano :P haha. "patingin tingin, wala namang pera."

mahirap talaga maghanap ng trabaho pero kaya yan. :) day 2 ko pa lang to.:P

**
bumamba ako ng SM bacoor kasi magkikita kami ni pol. nandun din si drew kasi sinundo niya si jessa. nagdate kami ni pol. :) bonding, kwentuhan. nawawala problema ko pag kasama ko siya. :)

**
next week, magwawalk-in nako sa idealminds, roadrunner, o80, Full Circle and many more. haha. try lang ng try until i die este succeed pala. :P




No comments: