28 May 2009

Kuro kuro

On Eclipse

one week kong binasa ang libro na to. di ko talaga kasi kayang basahin nang tuloy tuloy dahil hindi ko maatim ang kalandian ni bella! :O haha! nakakaasar siya! gusto niya makuha ang best of both worlds!! grrr. di ba niya nagegets na natural enemies talaga sina edward at jacob! at sobrang laking adjustments ang ginagawa ni edward para lang di siya mabadtrip sa tuwing gusto niya makipagkita kay jacob! kainis e! pero sa lahat ng nabasa kong kalandian niya eto ang pinakamatindi:

i think it's too late for that Jake. How can we be friends when we love each other like this?


ayyyyyyyyyyyy! ang haba ng buhok mo teh! pumayag ka ng magpakasal kay edward, may sidequest ka pang ganito!!!! di ko talaga napigilan ang sarili ko, ginuhitan ko ung sentence at nag-comment ng "bullshit". o ha! sabay tapon ng libro! haha. seriously. sobrang affected ako. :P ako ung nasaktan para kay edward!! grabe. to the highest level sa kalandian! winner! sa new moon todo deny pa si bella na friends lang sila ni jake pero naghoholding hands na sila! diba? alam naman ni bella sa simula pa lang na higit pa sa friendship ung gusto ni jacob pero gow gow gow pa din siya. may nalalaman pa siyang "personal sun." grrrrr. sana man lang nung bumalik na si edward e kinlaro na niya sa isa pa na shigwak na siya-- na wala ng pagasa pero gow pa din siya. paasa ever. hay. basta. nalerkey talaga ako sa Eclipse. ambigat talaga sa loob. :(

Moral lesson: (kay bella) Never wound those you can't kill. Never be too sweet to those you can't love.


affected talaga ako masyado. :P sorry naman. haha. sana maganda ung breaking dawn!

On sex videos

di naman bago ang issue tungkol sa mga sex videos kaya di ko pa din mawari kung bakit pa to umabot sa senado. isa ba itong threat sa national security kaya talagang pinagtuunan ng pansin ng mga senador? i dont think so. at sa napanood ko kanina sa inquirer.net malinaw na sinabi dun ni hayden na parehas sila ni katrina na naka-ecstasy kaya naging wild sila. edi kung totoo nga, dapat pati si katrina kasuhan din dahil gumagamit siya ng drugs? ang hirap kasi sa karamihan sa atin masyado tayong kumikiling sa mga underdog. pag may nakita na tayong umiiyak yun na kaagad ung papanigan natin. di man lang tayo nagiging kritikal kung totoo ba talaga yun o taktika lang. hay. basta sana naman maibaba na sa lower court ang pagdinig sa kaso na to. okay lang naman na pagusapan kaso pero wag na sanang aabot pa sa punto na naging national issue na. yung tipong healine siya lagi sa TV at sa dyaryo. ika nga ni kuya jecoup, dapat hanggang The Buzz at Startalk lang ang issue na to kasi madami pang mas importanteng balita kesa sa sex scandal. kapag ba natanggalan ng lisensya si hayden ay aasenso na ang ekonomiya ng pilipinas? hindi naman diba?

wala man lang nagaalala sa pagkalat ng AH1N1 dito sa pinas. :P tsk tsk. ibang klase.

On boyfriends

nagkita kami ni pol kanina at wala kaming ginawa kundi kumain nang kumain. actually, pag nagkikita talaga kami kumakain lang kami. ang goal niya ay patabain ako.

pag nagkikita kami ng mga girlfriends ko ganun din ung reklamo nila. pinapataba din sila ng mga boyfriend nila. ganito din ung nangyayari sa mga iba ko pang kaibigan.

bakit ganun??? lahat ba ng lalake ganito? :P gusto nila ng chubby na girlfriend, bili naman nang bili ng FHM! :O weird.

For the record

gusto ko lang i-share dito na ang una kong binili nung sumweldo (from raket) ako ay Tea Tree Oil toner at Tea Tree Oil moisturizer ng Body Shop. :P hahaha. wala lang. :P muka na akong tea tree. :P



2 comments:

joy orio said...

korek ate rea! bat nga ba ganun mga lalaki? pinapataba lang tyo! haha. :p

Wanderful said...

haha! sabi ni pol para daw huggable tayo. :P