12 May 2009

Kwentong Parlor

dahil sa batong bato nako sa bahay, minabuti kong pumunta sa parlor para magpa-hot oil. sa suking parlor ako pumunta kaya pagdating ko dun hinanap ko kagad ung laging gumagawa sa buhok ko. kaya lang wala siya dun kaya sabi ko sa ate kahit sino na lang. sumulpot si kuya parlorista at hinugasan na niya ang aking buhok. okay naman siya kaso awkward kasi lalaki siya (di ako nagduda na bading siya kasi brusko talaga e.). parang sinasabunutan na niya ako habang shinashampoo ang buhok ko. haha. kaloka talaga pero mas may nakakaloka pa dun! sa huling banlaw niya sa buhok ko he tilted my head to the right (biglang nag-english. haha.) at nag-hello sakin ang chorba niya! kumusta naman! at hindi pa siya nakuntento dahil pilit niyang dinidikit ung muka ko sa chorba niya. tsk tsk. :P pagkatapos ang eksenang ito may sumunod pa! habang nilalagay niya ung hot oil formula (di ko alam yung tawag dun sa parang shampoo e) may masahe pang kasama! naisip ko nung una na okay kasi masakit talaga ang likod ko pero nung umaabot na ang kamay niya sa kung saan-saan, naloka na ulit ako. :P tapos kumakanta pa siya ng "Akin ka na lang"! kumusta naman si kuya diba?

pero sa lahat ng yun di ako nagmataray. :P siyempre umiwas ako pero di ko sinigawan at sinungitan. behave lang ako. haha. wala lang. sobrang nanghihina pa din talaga kasi ako. hay kuya. sumisimple ka. tsk tsk.

natatawa na lang ako pag naalala ko to.:P siguro talagang gipit na si kuya kaya niya naisipan yun. nagkataon lang talaga na ako ung napagbalingan niya. haha.

sa susunod kong pagpunta dun, sana nandun na ung talagang gumagawa sakin. :P lerkey kasi. haha.

3 comments:

Karina said...

ay kainis ung manong na un ah! teka.

ano ung ibg sbhin ng chorba jan sa post mo? haha. nde ko nagets ko un o bka mali ang aking interpretation haha.

Wanderful said...
This comment has been removed by the author.
Wanderful said...

nainis ako sa kanya pero di todo. haha. natatawa na lang ako sa nangyari. :P ung chorba dito sa post ko? hmm. im referring to his member. :P bwahahahahahahaha!