excited ako pumasok sa trabaho kanina dahil 1. nadownload ko na yung mga favorite MJ songs ko at ang boom boom pow sa aking ipod. nakaka-high kasi sila pakinggan kaya pakiramdam ko dumodoble ang bilang ng endorphins sa aking katawan. :) 2. Monday ngayon! masisimulan ko na ulit ang aking mga bagong assignments. so ayun. habang naglalakad ako mula UN Ave. hanggang Mabini St. high na high pa din ako kaya lang sablay e. :P pano ba naman kasi nasira ung wedge sandals ko! hahaha! mga ilang kanto na lang nasa office nako e bumigay pa! hassle. siyempre hindi naman ako pwedeng pumasok ng ganun kaya naglakad ako pabalik sa Times Plaza para bumili ng sapatos. nilakad ko yun nang naka-paa. :P bagong foot spa at pedicure lang ako tapos naglakad ako sa mainit at maduming kalsada! hasssssssssle! nakakahiya pa kasi tinitingnan ako ng mga taong nakakasalubong ko pero kiber lang. kunwari deadma na lang ako. :P hahaha. pagdating ko sa Times sarado pa ung bilihan ng mga sapatos kaya naghintay pa ako dun! buti na lang napaaga ang dating ko sa Manila kundi late ako.
moral lesson? magbaon lagi ng tsinelas o kaya mag-flats na lang. :P haha.
**
nalungkot ako dito:
**
have a happy week everyone!
moral lesson? magbaon lagi ng tsinelas o kaya mag-flats na lang. :P haha.
**
nalungkot ako dito:
In trying to save him, i almost lost myself.
**
have a happy week everyone!

2 comments:
Nangyari naman sa akin yan sa SM Dasma buti malapit lang ako sa Surplus noon kaya nakabili ako tsinelas hehe pero di naman ako naglakad ng nakapaa bale ginawa ko 'naglakad" nang hindi inaangat ang paa haha
hahaha. ayos! buti pa po kayo ganun lang. :P
Post a Comment