09 July 2009

First Day of School

estudyante na ulit ako at unang araw ko kanina sa bago kong eskwelahan. :) kumukuha ako ng Spanish as a second language course sa Instituto de Cervantes. dito ko binuhos ung kalahati ng sweldo ko. :P hahahahaha! bakit ako nag-enrol? hmm. wala naman akong masyadong malalim na dahilan kung bakit ako nag-enrol, gusto ko lang matuto. actually dapat college pa lang mag-eenrol nako dito e kaso busy naman sa acads kaya hindi natuloy. pero okay na din na hindi ako natuloy dati kasi baka natigil lang ako. :P e gustong-gusto ko pa naman maging fluent sa Espanyol. :P hahaha.

pagkatapos ng trabaho, diretso agad ako sa school (walking distance lang from our office). nagulat ako kasi andami palang estudyante dun at malaki din pala ung campus! haha! nung nag-enrol kasi ako walang tao tsaka diretso agad ako ng admin kaya naisip ko baka konti lang kami pero hindi! parang university ang dating niya! at halatang-halata na freshman ako dahil loner ako. :P tropa tropa na kasi ung mga upperclassmen dun tsaka fluent na sila mag-Espanyol. amazing!

struggle din kasi kanya-kanya palang hanap ng classroom. :P grabe. frosh na frosh ang drama ko dun. :P hahaha. nung nahanap ko na ung classroom ko, dumating na ung prof namin. aba, nagdiscuss na siya in Spanish! nosebleed! di pala joke ung nakalagay sa brochure ng Instituto na sa unang araw palang ng klase, Spanish na agad. :P hahaha. come on. tapos ung mga classmates ko recite nang recite in Spanish din. nawindang ako kaya tinanong ko ung katabi ko kung yung napasukan ko bang klase ay Nivel Uno. Oo daw. so ibig sabihin ako lang pala yung walang formal Spanish background dun! boooooooo. zero talaga. itlog. ang alam ko lang hola, si at muy bien. :P dito ko naisip na sana pala sinubaybayan ko ang Dora the Explorer para naman may alam ako kahit papaano. hahaha.

ayun. discuss nang discuss si Sir Redden tapos tulala lang ako. pinipilit kong humanap ng mga keywords para maintindihan ko ung sinasabi niya. :P struggle. pero buti naman at may naintindihan ako kahti papaano. nagrecitation kami kanina:

?Como te llamas? Me llamo Rea.
?Cuantos anos tienes? Tengo veinte anos.
?De donde eres? Soy de Cavite.
?Donde vives? Vivo en Cavite tambien.
?Que lenguas hablas? Hablo ingles, filipino y um poco de Kapampangan.


woooh! after 48 years bago ko ma-master yan (pronunciation, diction, conjugation). hahaha! although 17% ng salita sa Tagalog ay hiram sa Espanyol, naninibago pa din ako sa pronunciation. lalo na |c|. pwede daw pala kasing bigkasin ang |c| bilang |s| o kaya |bulol na s|. tapos ang |l| bilang |ll| o kaya |y|. depende ata to sa pronoun at verb na susundan. basta. complicated.:P at mas complicated daw ang verbs! kung sa english may 3 conjugations (present, past, past participle) sa Spanish daw 6!!! :O

so far so good. :) nag-eenjoy ako sa klase kahit wala pa akong friends. :P hahahaha. 21 levels to go bago ako maging fluent sa Espanyol. :P goodluck talaga. :P


4 comments:

forg/jecoup said...

someday matututo din ako ng spanish haha

good luck with the class ;)

Wanderful said...

haha! gow kuya! ;) it's a good investment. :)

Meryl said...

Wow, fun! Yung European Majors sa school may mga ganyan-ganyan din eh. Someday, someday.. pag may pera na rin ako! :))

Wanderful said...

true! mas nakaka-motivate mag-aral pag ikaw na ung gumagastos sa tuition fee. :) hahaha! ewan ko, ganun ung nararamdaman ko ngaun e. :P