ang buhay ko ngayon ay parang roller coaster. puro loops, ups, downs. mabilis ang mga pangyayari. parang nandito lang kanina tapos sa susunod na araw nandun na pala. hahaha. nakakabaliw pero enjoy naman. yeh!
so eto ang mga happenings na hindi ko nasulat dito.
Moon cake Festival 16/10
medyo naninibago pa din ako sa bago kong trabaho. ( o yeah! bago ulit! haha!) para kasing high-end corporate chuva ang dating kaya gow gow gow dapat sa pagpapasiklab at pagtitiyaga. bukod sa nature ng trabaho, nakakapanibago din yung sked. mahigpit sa attendance kaya dapat laging on the dot ang dating ko dun kundi wala nakong suswelduhin. hahaha. sa mga kasama naman sa trabaho, okay naman sila. masaya ako sa department namin. :)
nung friday, sumama ako sa first-ever event ko sa company--moon cake festival. :) ang highlight ng event na ito ay ung dice game kung saan may chance kami makakuha ng bagong bagong cellphone atbp prizes kaso burot ako! badtrip. ako lang ata walang nakuha kahit isa. :P hahaha. malas e. buti na lang may mga nagmagandang loob na officemate sakin at binigyan nila ako ng mga nakuha nila. :P hahahahaha! woooh! sana naman makabawi ako sa Christmas party namin! hahaha!
Mom's Birthday 17/10
nag-celebrate si Mom ng birthday niya sa Max's for a change kasi lagi nalang daw kami sa David's Tea House. hahaha. kasama din namin ung family ng kapatid niyang lalake. masaya naman. at dahil sa madami kami, madami ding food. :P fiesta! hahaha. o yeah! tapos, nag-perform kami ni pol. :P duet! hahaha. dun kasi kami sa music bar ng Max's kaya nagkayayaan kumanta. e malakas loob ko nun mag-concert
Happy Birthday Mom! we love you! :)
Archie and Chen 12/10
unang raket namin ni pol (as endorsed by Jonnar) as wedding photographers. :P noong inoffer to sakin, medyo nagdalawang isip ako kung gow ba talaga kasi hindi naman ako sobrang galing sa photography tapos kulang pa ako sa mga equipment (external flash, lens) pero naisip ko na sayang ung opportunity. kung hindi ko kasi tatanggapin ung raket edi hindi ko din malalaman kung ano ba talaga yung kaya kong gawin. :) o yeah!
so ayun. hindi naman ako nagsisi na tumuloy ako kasi sobrang nag-enjoy ako sa trabaho! madami akong nakilalang mga bagong kaibigan, napa-practice ko ulit ung gamit ko tsaka na-experience ko ulit ung hype sa pagcocover ng events! nakakamiss yung ganung feeling. :P
Congratulations Archie and Chen! sana magustuhan niyo ung mga kuha namin. :)
salamt din Jonnar, next time ulit!
Ondoy Benefit Game 5/10
1.5 years na kami ni pol! weeee! :)
nanood kami ng basketball sa araneta. ang inabangan naming game dun ay ung Powerade vs. Smart Gilas. sa totoo lang mataas ang expectations ko sa Powerade kasi 1. galing sila sa PBA, 2. matagal na silang naglalaro, 3. sila ang pambato ng Pinas sa FIBA kaso tinalo sila ng Smart Gilas! buti sana kung maliit lang ung lamang e kaso tambak e! grrr! parang Froshies vs. Seniors tapos Frosh pa nanalo. nakakahiya. kahit na benefit game lang un it's still a game. pride ang nakataya. kaso di man lang nila inalagaan ung pagiging RP team nila. oh well. dahil dun, pinatunayan lang nila na mas disiplinado maglaro ang Smart Gilas kesa sakanila. tsk tsk. sayang naman.
**
sana makapag-update nako lagi!

No comments:
Post a Comment