ilang linggo ko na din inaabangan ang Fushigi Yuugi sa TV5. ewan ko ba pero parang sa tuwing magsisimula na ung anime e naghehesitate ako panoorin pero deep inside naman gustong gusto ko siya abangan. para kasing ang sakit niya sa loob panoorin(Miaka-Tamahome love team vs. Yuri and Seiryuu)nadudurog ang puso ko (naks!)kapag may mga hadlang sa love team nila! masakit panoorin pero addicting talaga. :P na-feel niyo na ba un? yung tipong ayaw niyo maattach pero pag nandyan na wala ka ng magawa kundi ma-fall in love all over again? ganun!! ganung level ang nararamadaman ko sa FY! hahahaha!
so anyway, last sunday pinalabas yung pinaka-heartbreaking episode (in my opinion) ng Fushigi Yuugi.
Nuriko's death.
noong napanood ko to dati, i think first year HS ata ako nun or grade 6, sobrang naiyak talaga ako. tinawagan ko pa nga nun si ielee tapos nagiyakan kami over the phone. haha. grabe.tagos sa buto yung pagkamatay ni nuriko. kahit anime lang sila, sobrang galing nila umarte!! hahaha! dramatic ung part na in denial si Tasuki sa nangyari tapos iyak siya ng iyak habang sinisigawan niya si Nuriko. awww. :( after 5 years akala ko hindi nako iiyak kapag napanood ko to pero ganun pa din. sobrang naiyak pa din ako. parang first time ko lang napanood. hay.. nakakalungkot..
yaman din lamang na nasa Fushigi Yuugi topic na ako, sasagarin ko na ang pagshshare. :P hahaha.

Tamahome. siya na ata ang pinakagwapong anime character na napanood ko! hanggang ngayon kinikilig pa din ako sa kanya! hahaha! ^_____^ nag-ipon ako ng napakaraming poster tapos pinagdidikit ko sa kwarto ko para lagi akong inspired. :P hahaha. kung naging tao lang talaga siya, nako! extinct na ang kanyang lahi. :P too good to be true kasi siya. bagay sakanya ung kasabihan na "o pag-ibig kapag pumasok sa puso nino man, hahamakin ang lahat masunod ka lamang." waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh! haba ng buhok ni miaka! ^___^
tapos ngayon ko lang nalaman na may prequel pala ung Fushigi Yuugi.:P haha. grabe. after 5 years na kaadikan ko sa anime, ngayon lang nag-effort na magresearch pang maigi tungkol sa FY. :P
Fushigi Yuugi Genbu Kaiden.
tungkol to sa Priestess ng Genbu. sakanya ung shinzaho (spelling?) na kukunin nila Miaka kaso natagalan dahil sa Ashtare-Nuriko incident. ang coooooool! sana mapanood ko din ung anime o kaya mabasa ko man lang ung manga.. woooh!
**
ilan din sa mga all-time anime crushes ko ay sina:
Eugene. bago magkaroon ng Tamahome, meron munang Eugene. classic tong Ghost Fighter. andami kong memories dito! hahaha! 2 eksena na di ko talaga makakalimutan ay:
1. Nilagnat ako nung hindi ako nakapanood ng 1 episode. haha. seriously. ganun ako kaadik dati.
2. Nagbrown-out samin nung 2nd to the last episode ng Ghost Fighter. nagwala pa ako sa bahay dahil ayaw akong payagang pumunta kina Paul Vincent o kaya kina Ielee para manood. :P eto ung point na gusto kong magrebelde dahil hindi ako pinayan. :P haha.
naging crush ko din ung bida sa Gundam Wing. :P
Heero Yuy. di ko talaga siya super crush. natuwa lang ako sa personality niya kasi kakaiba siya sa mga ibang Gundam pilots. :) ang totoo ko talagang crush ay si Qatre kaso wala akong makuhang teks niya kaya si Heero na lang. :P
**
21 na ako ngayon pero malapit pa rin sa puso ko ang mga anime. siguro eto ung addiction na kahit kelan ay hindi ko kakatandaan. :)

2 comments:
aw. nagselos ako. :( haha!
haha! wag. ikaw tao, silang kathang-isip kaya sobrang lamang ka! durog mo na sila! o ha!!!!!!!!!! ^___^ iloveyou! :)
Post a Comment