11 October 2008

Reloaded

hello. gulat ka no? haha. kahit ako nagulat e. wooh! fresh na fresh ang blog ko. walang bahid na kahit anong emosyon! haha. sa totoo lang, hindi talaga ganito ung plano ko e. dapat talaga gagawa ako ng bagong site pero mareretain pa din ung archives ko, so before deleting my previous account i copied the html codes. edi ayun na no? confident na confident ako na i-click ang "yes" sa tanong na "are you sure you want to delete this account? you will lose all your posts for doing such." gow, click. edi bura na. =) yes! finally may bago na akong blog. so naghanap ako sa blogskins ng template. nung nakahanap na ako ilalatag ko na dapat sa template box sa account. e alam niyo naman hindi ako masyadong magaling sa html kaya nilatag ko muna ung dating codes ko para ma-refresh ako sa html. aba! biglang sabi, "you cannot preview this page because there are no posts yet." ayan na. mejo kabado na ako.. pero sinubukan ko pa din ulit! aba, wala pa din! tapos nagtext na ako kay pol tungkol dito, ang reply niya, "wala na.." boom boom! ang saya saya! =) gumuho ang buong mundo ko!! pero saglit lang un.:P na-compose ko ulit ung sarili ko na okay na din ung nangyari sa 3 kadahilanan:

1. madedefeat ung kagusuthan ko na magkaroon ng fresh start kung nandito pa din ung archives ko. useless lang diba?:P

2. karamihan sa mga posts ko sa luma kong blog ay produkto ng gatekeeping at sugarcoating. siyempre, for ethical reasons na din. i mean, hello.. kelangan ko bang i-broadcast nang detalyado sa world wide web ang nangyayari sa buhay ko? c'mon mamon!

3. gusto ko puro happy memories na ung babalikan ko. =)

pero on the second thought, masarap din mag-reminisce. =) gusto ko pa din maalala ung mga memories ko nung June 2 (ehem.), OJT days, ILYG, Calatagan trip, birthdays etc. hay. pero may mga pictures pa naman! kaya ishshare ko na lang dito. =)

a. Kwentong Pamilya



b. 2 Become 1



c. Australia Trip




d. Calatagan Trip with CLASC and PC's



e. Buhay COM


f. OJT Days



g. Kwentong SINAG



h. Buhay Highschool



hay. 2 taon din nagexist ang luma kong blog. madaming kwento ang nawala. pero okay lang un. mas madami pa din akong na-record na alaala sa puso ko. (naks! :P)

o siya, eto muna. =) more blog posts to come kaya abangan. =)




No comments: