sobrang ngarag kame sa play sa performing arts which turned out so-so performance because of a lot of problems that transpired before, during and after the production. hay. parang anti-climactic tuloy ung end ng klase naman dun kasi pinagalitan kame ni sir mark. may point naman siya sa lahat ng sinabi niya e.. sayang lang na hindi na namen mapapakita ung improvements namen sa kanya kasi hindi na namen siya magiging prof. oh well.
wasted din ang lahat sa edman dahil madaming dapat asikasuhin. kung tutuusin para din siyang thesis. kasi nagsimula sa proposal (nagkaroon pa ng defense to a) at magtatapos sa execution (ung mismong newspaper, magazine, supplement at web). totoo nga ung mga sinasabi ng mga seniors namen dati na pag nagbigay daw ng activity or assignment si sir polo e hindi mo marerealize agad kung gano pala kahirap gawin ung mga un. haha. basta. there's something sa kanya na pag sinabi niya, chill ka lang. pero pag ginawa mo na, boom boom na!:P hay. mejo panget din ung last day ng class namen sa kanya kasi malapit na siya mag-walkout pero buti naman at hindi natuloy.
meron din palang final requirement sa photojournalism-- photo essay. pero before nun, nagkaroon kame ng photoshoot. sina andrew at ma'am saulo mismo ang mga photographers. yey! four-light system activity pa din. =) ang cool. para kameng picture city dun.:P may solo shot, couples shot (ehem.), barkada shot, sports photog. haha. galing! eto ung kuha ni sunday (using my cam) sa photoshoot namen ni paul. =)
sa lahat ng mga subjects na nadaanan ko, isa to sa mga pinagsisisihan kong hindi ko sineryoso. hmm. interested naman ako sa subject kaya lang masyado kasing nakakain ung oras ko para sa ibang subject. wala lang. nasayang ung opportunity ko na makinig kay ma'am saulo kasi lagi akong late, minsan absent or absent minded lang talaga. hay. sabi nga ni ma'am saulo, "sa next life niyo seryosohin niyo ang photography." haha. so anyway, eto ung pinasa kong photoessay kay ma'am saulo. =)
may investigative report din pala kameng pinasa. jusko. lerkey. bara-bara na lang e.:P ung report kasi ng grupo namen ay ung tugkol sa mga dugyot na kainan sa labas ng school. ayos ung paguundercover namen! haha. parang naglalaro lang kame. =) ang title ng docu namen ay "Lasayano, sigurado ka ba sa kinakain mo?" o ha!:P
at siyempre, ang pahirap sa lahat ng pahirap, walang iba kundi ang THESIS. siguro nakapag-perform kame nang maayos sa iba nameng subject kung walang ganito in between. hay. sobrang stress, pimples at luha ang dinulot ng thesis sameng lahat. as in. na-experience ko na 2 days straight natutulog si pol samen vice versa, matulog ng 4am at gumising ng 8am (same day)., mag-thesis sa kotse using our handy dandy laptop at masabaw nang bonggang bongga. basta. grabe. eto talaga ang nagpadugo sameng lahat! pano ba naman kasi, sa buong batch namen, COM 41 at COM 43 lang ang may deadline na Oct. 9. final manuscript ng thesis! ung iba next week pa. hay. tapos comedy nung mismong araw ng pasahan. pano ba naman kasi lahat naghahabol ng pa-print sa Waam (ang maasahan na computer shop!) tapos biglang nag-brownout. sigaw na! talagang ramdam ung tensyon sa loob ng shop e buti na lang at saglit lang ung brownout kundi deds kameng lahat kay sir.
after magpasa ng thesis, biglang luwag ng sked! woooh! party mode na ung iba! hay.
i'm glad we all made it to the finish line. =) kahit puyat-puyat at bangag na, kinaya pa din nating lahat! apir com41 at com43! gooluck din sa COM42 at JOU next week. it's your turn naman. =)
happy sembreak! =)
**
the hell is over. SUPPOSEDLY.

No comments:
Post a Comment