19 October 2008

Singapura

supposedly sa 27-31 pa talaga ung 2nd ICCS Educational Tour sa Singapore e kaso nagkaroon ata ng conflict sa sked kaya napaaga ng 2 weeks. hay. medyo wrong timing ung pag-alis namin kasi ang dami pang dapat asikasuhin gaya ng edman at thesis. madami ng gustong magback-out na seniors pero wala ng magagawa kasi bayad na e. sayang naman kung ganun diba? kaya enjoy nalang.

ang assembly time ng mga ICCS participants ay 1pm sa CAD. maaga palang nandun na ako kasi madami pang inaasikaso. at mantakin mo nga naman, aalis na nga lang ako at lahat, nakuha pa namin mag-interview para sa thesis namin! haha. lupet! talaga namang na-haggard kami ni pol nun pero buti na lang at saglit lang ung interview. nakaabot pa naman ako sa 1pm assembly. whew.

pagdating sa NAIA nalaman namin na 745pm pa naman ang flight namin! cmon diba? 3pm palang nandun na kame! haha. nabulok kame. buti na lang at maayos na ang wifi sa naia at nakapagnet pa kami saglit.

745pm. flight PR505. masama ang panahon kaya hindi smooth ung pagtake-off. nagwawala si sam sa eroplano! cmon! haha. nakakaaliw e. :P pero nakakahilo talaga ung byahe a? first time kong makaranas ng turbulence.

around 1030pm nakarating na kami sa Changi Airport Singapore. =) ang cool! ang linis! tapos naaliw kami sa travellator. :P haha.


paglabas namin ng airport, naghihintay na sa amin ang aming tour bus at ang aming tour na si Ray. (Rea pa nga pagkakadinig ko e.:P). hinatid nila kami sa Costa Sands Resort, Downtown East kung saan kami tutuloy for the entire educational tour.

Media in Singapore

nagpunta kami sa Dow Jones, BBC Asia (anchor si Rico Hizon. Pinoy siya at super friend ni ma'am ani), MediaCorp at Singapore Press Holdings.





sa mga seminars na napuntahan ko sa ibat-ibang broadcast networks sa Singapore, lahat sila ay nag-agree na iba talaga ang kalakaran ng media sa kanila. unlike sa Pinas na may watchdog duty ang media, sakanila bawal kasi government ang humahawak sa media. =) may mga nagsusulat din ng against sa government pero majority ng media practitioners sa Singapore ay hindi na ginagawa un kasi tinanggap na nila na ganun ung sistema. kung may mababalita man na corrupt ung isang governement official, maglalabas agad ng PR ung government na "everything is under control. you need not worry." tapos mada-divert na ung issue sa ibang news. ganun.

ang napansin kong kagandahan ng centralized media ay ung nawawala ung network wars. siyempre nasa isang company nalang so useless na din ung magbangayan di ba? tapos nakausap namin ung news editor ng Newsroom nila, sinabi niya na imbes na mag-away e nagshshare na lang sila ng kung anong meron silang materials. tulungan kumbaga.

napansin ko din na ung mga Singaporeans, mahilig sila sa good news at citizen journalism. click me.

Dine Here!

kung may tour, di mawawala ang pagkain. =) haha. laking pasasalamat na lang namin dahil eat-all-you can ung kasama sa package na binayaran namin. solve na solve kami lagi. :P haha.

halos lahat at ng luto sa Asia ay natikman na namin: Mongolian, Malaysian, Korean, Filipino, Chinese, Thai, Japanese. pero siyempre may mga favorites din ako. yeh!

kung mongolian ang trip niyo, i highly recommend Kublai Khan resto malapit sa Fort Canning Park.


ang cool sa resto na to ay ikaw bahala pumili ng gusto mong ibabarbecue nila tapos lulutuin nila right in front of you! may konting choreo pa yan ng mga chef kaya sobrang nakakaaliw talaga. famous sa resto na to ung mongolian barbecue. =) pero bukod dun meron pa silang ibang pagkain na hinahanda gaya ng Bee Hoon (pansit bihon), dumplings etc.


kung seafood naman, dito na kayo sa Jumbo seafood resto. mala-seaside Pinas ung style niya. okay ung food, ambience kaya lang mejo hindi namin nagustuhan ung service kasi mabilis uminit ang mga ulo ng crew.:P haha. or ganun lang talaga sila?:P haha. pero kung sa food lang din naman, okay to. =)


Korean food shabu-shabu style? Seoul Garden ang sagot. =) dito kami sobrang nabusog (gluttony na nga ata e.) at eto din siguro ung dahilan kung bakit kami nag-gain ng weight. haha. sobrang sarap ng food dito pati na ung ice cream nila! grabe! panalo. dito ako unang nakakita ng aloe vera ice cream at dragon fruit. =)


you might also want to try Malaysian coffee at ang nakakaaliw na pagseserve nila, meron sa Downtown East. eto palang ung nakita namin na nagseserve ng Malaysian coffee, di ko alam kung meron pa sa iba. ni-recommend samin to ni Tatay Benjie. hmm. okay naman, parang natural na kape lang. :P haha. pero cool kung pano siya sine-serve. =)



Tip: pag nagtatravel kayo, either local or international, try to refrain yourself from eating fast food. wala. for a change lang. kasi kung panay kayo Mcdo, BK etc. kahit nasa ibang lugar na kayo hindi niyo maeenjoy ung place. try something different para naman masaya. =)

To Do's

madaming magagandang tourist attractions sa Singapore. ung Changi Airport nga isa na talaga siyang tourist attraction kasi maganda ung architecture niya e. modern pero nandun pa din ung Singaporean feeling. =) yeh! tsaka un nga, malinis. =)

isang famous landmark sa Sinagpore ang merlion. =) yeh! parang kulang ang punta mo dun pag di mo nakita ang merlion. =) merong 3 merlion sa city. sabi ng tour guide namin, sina baby merlion, mama merlion at papa merlion daw ang pinangalan dun sa tatlo. sina mama merlion at babay merlion ay nasa harbor, sa One Fullerton. si papa merlion naman ay nasa Sentosa. kulay blue violet si papa merlion pag gabi. =)



speaking of Sentosa, isa ding famous tourist attraction ang isla ng Sentosa. madaming mga activities na magagawa sa Sentosa like cable car.:P haha. grabe ung kaba namin nung nagtake-off ung cable car! sobra talaga! ang ingay-ingay namin nila irene sa loob! haha. pero safe naman siya sakyan. :P ang cool ng view pag nakasakay ka dun kasi parang kita mo na lahat. =)

okay din ung Skyride. para siyang cross-breed ng flying fiesta (minus the ikot) at ng space shuttle (minus the bilis). ang cool. uupo ka lang dun sa steel bench at un na, maeenjoy mo na ung view ng sentosa. =)


masaya din ung Luge! haha. parang go kart lang. =)


kung mahilig naman kayo sa mga animals, magandang subukan ung Ocean adventure. sobrang nakakaaliw ung mga marine animals dun. =) pero astig ung sa white shark! hologram! :P haha. scary. :P


mayroon din night safari. kaso di na kinaya ng budget namin. :P haha. pero maganda daw dun.

landmark na din sa city ung Singapore flyer. giant ferris wheel. =) tinalo niya ung London Eye at eto na ata ung pinakamataas na ferris wheel sa buong mundo. =) sa isang capsule, kasya ang 28 na tao. cool! in 30mins, makikita mo na ang kabuuan ng Singapore. mas maganda yan pag gabi sumakay. =) kung interesado kayo sumakay, maghanda ng S$30. =)


sa lahat ng napuntahan namin, sa Songs of the Sea ako napa-wow ng sobra! akala mo talaga sa umpisa wala lang ung show kasi sobrang bare ng set: kubo sa dagat at mga bato sa shore. pero nung nagstart na ung show, grabe! sobrang astig! galing ng combination ng lights, sounds at water! sayang nga lang wala akong pictures nun kasi nalobat ako. :( hay. pero sobrang ganda talaga! =) 4d experience. =)

Where to Shop?

if you are traveling on a tight budget at wholesale kayo mamili, okay ung Chinatown and Little India. makakabili kayo dun ng bulto-bultong porcelain, perfume, keychain etc. pero hindi okay ung quality kasi mga ilang gamitan lang, sira na agad. like nung sa nangyari sa kasama naming reporter, bumili siya ng CK na pabango. nung sinubukan niya, okay naman pero nung na-purchase na niya at ginamit, nako! parang tubig lang daw ung laman. hay. meron din sa Bugis. parang divisoria naman ang style niya.

pero kung mejo okay lang mapagsatos at siguado ang quality, sa Bugis Junction na lang. para siyang ATC. =) madami ding good finds dito. =)



**

all in all, masaya naman ung tour ko sa Singapore. madami akong natutunan tungkol sa kultura, pamumuhay at kasaysayan nila. =) masaya mag-tour pag may natututnan ka din sa pinupuntahan mo, hindi lang basta pasyal at gastos. =)

pero siyempre, home is where the heart is.


im finally home. =)











No comments: