Showing posts with label travel. Show all posts
Showing posts with label travel. Show all posts

02 January 2010

Hot n Cold

It's our 19th monthsary today!  We went nature tripping and hot spring-ing (bwahaha! :P) to Calamba, Laguna. There are lots of hot spring resorts in the area. As in magkakatabi lang talaga.  But we chose Dona Jovita Garden Resort because:
  • It's quite far from town proper which means less noise pollution. 
  • Almost near the foothills of  Mt. Makiling!


When we arrived there, napa-wow kami. Ang laki ng place tapos striking talaga ung signature jar nila na naka-display sa labas at ang mga kabayo na pagala-gala. haha.

The entrance fee is only 110php (peak season rate)  plus 420php if you want to rent a picnic hut/cottage. Grillers are available upon request. 100php rental fee for one whole day, 150 for overnight. They give 1 free bag of charcoal if you get a griller! Ayos! :)  



Kaso kahit may griller at charcoal kami, we came unprepared. Wala kaming gas, posporo at paper para mag-ihaw. We tried our best though to make a fire kaso wala e. Di namin kinaya. :P  So we ended up ordering food in the reception. :P

more after the jump.

20 July 2009

Tour and Movies

July 19

Old Manila Walks

isa ako sa mga pinalad na makasama sa joint project ng Youth Trip Philippines at One Tama-- free walking tour sa Intramuros. akala ko talaga wala na akong chance na makasali kasi late ko na nakita sa facebook, ayun. buti naman nakahabol pa ako. :P hahaha.

One Tama rep and Ivan ManDy

230pm ang assembly time sa Plaza Roma. wala akong kakilala kahit isa sa mga makakasama ko sa tour, even the organizers di ko pa talaga kilala. kaya stalker mode ako. :P sinusundan ko ung mga mukang turista sabay tanong kung kasama sila sa tour. hahaha. buti ung mga natanong ko, kasama talaga. yeh! nung nakumpleto na kami (40+ tourists), gow na agad sa tour. nga pala, ang tour guide namin ay si Ivan ManDy.

San Agustin Church

na-refresh ang Phil. History ko habang bumibisita kami sa ibat-ibang lugar sa Intramuros. parang bumalik ako sa 1521 nung pinuntahan namin ang San Agustin church museum, Manila Cathedral, WW2 crypt, Casa Manila. pag nakapasok kayo sa San Agustin museum, pansinin niyo ung mga ibang santo nila. Hispanic in nature pero mga singkit ang mata nila. :P (imagine Mama Mary na singkit). kaya pala ganun ung pagkakagawa sakanila kasi mga Chinese sa Binondo pala ang umukit ng mga un. :P haha. dati daw kasi sa mga Chinese nagpapagawa ung mga prayle ng mga santo. e dahil sa Buddhist ang mga Intsik wala silang idea kung ano ba talaga ang itsura nila Mama Mary, Jesus Christ kaya pinattern na lang nila sa mga Buddhist Gods ung itsura. haha. share lang. :P

claire, regina, me and Jochem

nakakaaliw kasi mas maapreciate talaga natin ung isang bagay pag madami na tayong nalaman tungkol sa bagay na yun. bukod sa madami na akong natutunan, madami din akong naging friends. :)

okay na first to para saking mahilig mag-travel. magsimula sa malapit bago lumayo. woooh! sana eto na din ang sign na matutuloy lahat ng travel plans ko this year. ;)

anytime this month, sa Binondo naman ang trip ko. :P

**
pagkatapos sa Intramuros, dumiretso na ako sa CCP for Cinemalaya Cinco.




nakasama ko naman dun sina Ivan, Valerie, Jill, Pol, Mariss, Ghene, Rai at Elyse. napatagal ang kain namin sa Dencio's kaya Shorts na lang ung naabutan namin.

personal favorites ko ang Tatang (social issue) , ung thesis ng UPFI students na nanalo din sa Indie Un-Film (nakalimutan ko na title. shocking ang plot twist! kinilabutan ako! hahaha. ) at Wat Floor Mam (satire). eto ung first time ko na makapanood ng mga shorts.:P haha.

nastarstruck ako kay Nikki Bagaporo. pero mas malupet si Elyse! talagang chinika pa niya. "may kasama ka ba?" FTW! hahaha! aliw lang. gusto ko din sanang chikahin si Robert Sena (isa sa mga direktor ng Wat Floor Mam) kaya lang nahiya ako. :P tsaka sayang kasi di namin naabutan ung gala ng Astig. oh well.

if you have lotsa free time this week please head on over to CCP. Support Filipino Indie films. Watch Cinemalaya. :)

**
medyo late na nakauwi kaya dito na natulog si pol sa bahay. bago siya umuwi kanina, nag-date pa kami sa SM Dasama. <3






15 July 2009

Celebration of firsts





first out-of-the-country trip
first bar hopping
first winter
first LDR
first anniversary.

Happy Anniversary ILYG mates. :) bilis no? 1 year na agad, parang kailan lang. :P (insert Nora Aunor song) haha! wala lang. see you soon! Viva Espana in 2011!

01 June 2009

MOP

nag-fieldwork ako ngayon para sa article na isusulat ko. dapat 2 ung pupuntahan ko, La Mesa Ecopark at Mania Ocean Park kaso naging isa na lang (MOP) kasi sobrang traffic sa imus! biruin mo a, umalis ako sa bahay ng 8am. ang tantsa ko kasi 11am nasa manila ako pero wag ka, 1045am nasa IMUS pa lang ako!!! sheeeeeeetttttt! nakatulog nako, nakapagbreakfast nako sa bus, mauubos na ung kanta sa ipod ko, hindi pa din kami nakausad! sobrang traffic!!! alam kong may buhos system sa imus at bacoor pero parang hindi buhos un kasi hindi talaga gumagalaw ung mga sasakyan sa lane namin. tsk tsk.. ano kayang meron nun.. kaya nakarating ako sa Manila Ocean Park 1pm na.

pagpasok ko dun, nakalma ako bigla kasi maganda pala ung MOP. :) naaliw ako kasi madaming isda! (malamang! oceanarium un e. :P) haha. favorite ko ung Agos, Karagatan at Kalaliman. :) wala masyadong tao kaya sinulit ko un para makapagbasa ng mga info tungkol sa mga nandun tsaka kumuha ng picutres kaya lang di ako satsfied sa mga kuha ko. :( wala kasi akong flash na may diffuser (un ba ung tawag dun?) e bawal naman dun ung ordinary flash kaya mejo panget ung lighting. oh well.

habang ineenjoy ko ung Kalaliman nakita ko to:


unang reaksyon ko: "ay kamukha ni pol.." :) haha. talagang nilapitan ko siya ng bongga kasi naaliw talaga ako. hawig ni pol!


o diba? :) muka ng giant grouper boyfriend ko! hahahaha!

gusto ko din sanang subukan ung Fish Spa kaya lang natakot ako kasi baka kainin talaga ng isda ung paa ko. :P haha. next time siguro pag may kasama.

nabitin ako sa tour! madami pang pwedeng idagdag sa MOP para lalong gumanda. sana may travellator na din sila kagaya nung sa Singapore. :P haha. siguro mga 3-5 years from now talagang bongga na ang Manila Ocean Park. :)




20 May 2009

Habulin mo happiness mo

summer is the perfect time to chill, to hit the beach, to go on a vacation and to travel. but unfortunately i didn't get much time for all these because i undoubtedly put my chances in the hands of some people whom i thought will bring more happiness if i go with them. then i realized that i waited long enough that summer is almost over.

so i learned my lesson. the next time i want to travel, ill travel alone. yes. alone. :) i will not harass people to come with me. i did so much begging this summer so i think that's enough. :)

this year, im planning to have 5 major trips. medyo malakas loob ko dahil malapit nako magka-sweldo. :P haha.

August - Zambales. i will try wakeboarding or windsurfing.
September - Bicol
October - Hongkong/Siquijor. sana kayanin ko ang HK. :P
November - Cebu
December - Baguio

im sure this will motivate me to work harder. :P haha. wooh! gow 5 major trips!!

29 March 2009

Travel advisory




Boracay Vacation with my family

March 29-31

will blog soon. :)

19 October 2008

Singapura

supposedly sa 27-31 pa talaga ung 2nd ICCS Educational Tour sa Singapore e kaso nagkaroon ata ng conflict sa sked kaya napaaga ng 2 weeks. hay. medyo wrong timing ung pag-alis namin kasi ang dami pang dapat asikasuhin gaya ng edman at thesis. madami ng gustong magback-out na seniors pero wala ng magagawa kasi bayad na e. sayang naman kung ganun diba? kaya enjoy nalang.

ang assembly time ng mga ICCS participants ay 1pm sa CAD. maaga palang nandun na ako kasi madami pang inaasikaso. at mantakin mo nga naman, aalis na nga lang ako at lahat, nakuha pa namin mag-interview para sa thesis namin! haha. lupet! talaga namang na-haggard kami ni pol nun pero buti na lang at saglit lang ung interview. nakaabot pa naman ako sa 1pm assembly. whew.

pagdating sa NAIA nalaman namin na 745pm pa naman ang flight namin! cmon diba? 3pm palang nandun na kame! haha. nabulok kame. buti na lang at maayos na ang wifi sa naia at nakapagnet pa kami saglit.

745pm. flight PR505. masama ang panahon kaya hindi smooth ung pagtake-off. nagwawala si sam sa eroplano! cmon! haha. nakakaaliw e. :P pero nakakahilo talaga ung byahe a? first time kong makaranas ng turbulence.

around 1030pm nakarating na kami sa Changi Airport Singapore. =) ang cool! ang linis! tapos naaliw kami sa travellator. :P haha.


paglabas namin ng airport, naghihintay na sa amin ang aming tour bus at ang aming tour na si Ray. (Rea pa nga pagkakadinig ko e.:P). hinatid nila kami sa Costa Sands Resort, Downtown East kung saan kami tutuloy for the entire educational tour.

Media in Singapore

nagpunta kami sa Dow Jones, BBC Asia (anchor si Rico Hizon. Pinoy siya at super friend ni ma'am ani), MediaCorp at Singapore Press Holdings.





sa mga seminars na napuntahan ko sa ibat-ibang broadcast networks sa Singapore, lahat sila ay nag-agree na iba talaga ang kalakaran ng media sa kanila. unlike sa Pinas na may watchdog duty ang media, sakanila bawal kasi government ang humahawak sa media. =) may mga nagsusulat din ng against sa government pero majority ng media practitioners sa Singapore ay hindi na ginagawa un kasi tinanggap na nila na ganun ung sistema. kung may mababalita man na corrupt ung isang governement official, maglalabas agad ng PR ung government na "everything is under control. you need not worry." tapos mada-divert na ung issue sa ibang news. ganun.

ang napansin kong kagandahan ng centralized media ay ung nawawala ung network wars. siyempre nasa isang company nalang so useless na din ung magbangayan di ba? tapos nakausap namin ung news editor ng Newsroom nila, sinabi niya na imbes na mag-away e nagshshare na lang sila ng kung anong meron silang materials. tulungan kumbaga.

napansin ko din na ung mga Singaporeans, mahilig sila sa good news at citizen journalism. click me.

Dine Here!

kung may tour, di mawawala ang pagkain. =) haha. laking pasasalamat na lang namin dahil eat-all-you can ung kasama sa package na binayaran namin. solve na solve kami lagi. :P haha.

halos lahat at ng luto sa Asia ay natikman na namin: Mongolian, Malaysian, Korean, Filipino, Chinese, Thai, Japanese. pero siyempre may mga favorites din ako. yeh!

kung mongolian ang trip niyo, i highly recommend Kublai Khan resto malapit sa Fort Canning Park.


ang cool sa resto na to ay ikaw bahala pumili ng gusto mong ibabarbecue nila tapos lulutuin nila right in front of you! may konting choreo pa yan ng mga chef kaya sobrang nakakaaliw talaga. famous sa resto na to ung mongolian barbecue. =) pero bukod dun meron pa silang ibang pagkain na hinahanda gaya ng Bee Hoon (pansit bihon), dumplings etc.


kung seafood naman, dito na kayo sa Jumbo seafood resto. mala-seaside Pinas ung style niya. okay ung food, ambience kaya lang mejo hindi namin nagustuhan ung service kasi mabilis uminit ang mga ulo ng crew.:P haha. or ganun lang talaga sila?:P haha. pero kung sa food lang din naman, okay to. =)


Korean food shabu-shabu style? Seoul Garden ang sagot. =) dito kami sobrang nabusog (gluttony na nga ata e.) at eto din siguro ung dahilan kung bakit kami nag-gain ng weight. haha. sobrang sarap ng food dito pati na ung ice cream nila! grabe! panalo. dito ako unang nakakita ng aloe vera ice cream at dragon fruit. =)


you might also want to try Malaysian coffee at ang nakakaaliw na pagseserve nila, meron sa Downtown East. eto palang ung nakita namin na nagseserve ng Malaysian coffee, di ko alam kung meron pa sa iba. ni-recommend samin to ni Tatay Benjie. hmm. okay naman, parang natural na kape lang. :P haha. pero cool kung pano siya sine-serve. =)



Tip: pag nagtatravel kayo, either local or international, try to refrain yourself from eating fast food. wala. for a change lang. kasi kung panay kayo Mcdo, BK etc. kahit nasa ibang lugar na kayo hindi niyo maeenjoy ung place. try something different para naman masaya. =)

To Do's

madaming magagandang tourist attractions sa Singapore. ung Changi Airport nga isa na talaga siyang tourist attraction kasi maganda ung architecture niya e. modern pero nandun pa din ung Singaporean feeling. =) yeh! tsaka un nga, malinis. =)

isang famous landmark sa Sinagpore ang merlion. =) yeh! parang kulang ang punta mo dun pag di mo nakita ang merlion. =) merong 3 merlion sa city. sabi ng tour guide namin, sina baby merlion, mama merlion at papa merlion daw ang pinangalan dun sa tatlo. sina mama merlion at babay merlion ay nasa harbor, sa One Fullerton. si papa merlion naman ay nasa Sentosa. kulay blue violet si papa merlion pag gabi. =)



speaking of Sentosa, isa ding famous tourist attraction ang isla ng Sentosa. madaming mga activities na magagawa sa Sentosa like cable car.:P haha. grabe ung kaba namin nung nagtake-off ung cable car! sobra talaga! ang ingay-ingay namin nila irene sa loob! haha. pero safe naman siya sakyan. :P ang cool ng view pag nakasakay ka dun kasi parang kita mo na lahat. =)

okay din ung Skyride. para siyang cross-breed ng flying fiesta (minus the ikot) at ng space shuttle (minus the bilis). ang cool. uupo ka lang dun sa steel bench at un na, maeenjoy mo na ung view ng sentosa. =)


masaya din ung Luge! haha. parang go kart lang. =)


kung mahilig naman kayo sa mga animals, magandang subukan ung Ocean adventure. sobrang nakakaaliw ung mga marine animals dun. =) pero astig ung sa white shark! hologram! :P haha. scary. :P


mayroon din night safari. kaso di na kinaya ng budget namin. :P haha. pero maganda daw dun.

landmark na din sa city ung Singapore flyer. giant ferris wheel. =) tinalo niya ung London Eye at eto na ata ung pinakamataas na ferris wheel sa buong mundo. =) sa isang capsule, kasya ang 28 na tao. cool! in 30mins, makikita mo na ang kabuuan ng Singapore. mas maganda yan pag gabi sumakay. =) kung interesado kayo sumakay, maghanda ng S$30. =)


sa lahat ng napuntahan namin, sa Songs of the Sea ako napa-wow ng sobra! akala mo talaga sa umpisa wala lang ung show kasi sobrang bare ng set: kubo sa dagat at mga bato sa shore. pero nung nagstart na ung show, grabe! sobrang astig! galing ng combination ng lights, sounds at water! sayang nga lang wala akong pictures nun kasi nalobat ako. :( hay. pero sobrang ganda talaga! =) 4d experience. =)

Where to Shop?

if you are traveling on a tight budget at wholesale kayo mamili, okay ung Chinatown and Little India. makakabili kayo dun ng bulto-bultong porcelain, perfume, keychain etc. pero hindi okay ung quality kasi mga ilang gamitan lang, sira na agad. like nung sa nangyari sa kasama naming reporter, bumili siya ng CK na pabango. nung sinubukan niya, okay naman pero nung na-purchase na niya at ginamit, nako! parang tubig lang daw ung laman. hay. meron din sa Bugis. parang divisoria naman ang style niya.

pero kung mejo okay lang mapagsatos at siguado ang quality, sa Bugis Junction na lang. para siyang ATC. =) madami ding good finds dito. =)



**

all in all, masaya naman ung tour ko sa Singapore. madami akong natutunan tungkol sa kultura, pamumuhay at kasaysayan nila. =) masaya mag-tour pag may natututnan ka din sa pinupuntahan mo, hindi lang basta pasyal at gastos. =)

pero siyempre, home is where the heart is.


im finally home. =)











12 October 2008

im so excited

and i just can't hide. haha.:P

whatta day. sobrang nakakapagod talaga. im not a morning person pero napilitan akong gumising nang maaga para magsimba,mamili ng gamit, mamalengke etc. dahil nga nagsabi si pol saken kagabi na pupunta siya sa bahay ng hapon para gawin ung thesis. hay. grabe. thesis pa din hanggang ngayon! so aun. kelangan i-advance lahat ung gagawin para tapos na agad.

pagdating namen sa bahay ng mga bandang 2pm, natulog muna ako saglit. sobrang saglit lang talaga dahil binabagabag pa din ako ng thesis at edman. parang pagpikit ko, un na ung makikita ko! haha. (sobra ung epekto saken.:P) so humarap nako sa laptop at ginawa na ang mga dapat gawin. pagdating ni pol dito ng mga 4pm, thesis mode saglit. discussion tungkol sa "ethical dilemma" namin. naramdaman ko na parehas kameng wasted sa thesis kaya nag-palistuhan na lang kame. ayos! motivated si pol dahil sa psp. =) habang naglalaro siya ako naman ay nagiimpake ng bagahe. teka? bakit ako nagiimpake? haha. eto na:



kaya ako nagiimpake ay dahil pupunta ako sa singapore at malaysia (magkalapit lang naman sila) bukas. hanggang saturday na ako dun. =) cool! sumama kasi ako sa 2nd ICCS international tour na inooffer ng CAD. meron ding ganito last year kaso hindi ako nakasama dahil wala pa akong kahit anong travel documents pero ngayon talagang gow na ako kasi last year na e. =)

ang schedule talaga ng tour na to ay 27-31 kaso hindi natuloy ung isang tour sa HK kaya eto ung pinalit. hay. mejo wrong timing nga kasi kasagsagan ng madaming gagawin like thesis and edman. buti na nga lang mejo naka-ungos na kame sa thesis kumpara sa iba na next week pa lang magpapasa. hay. kaya kanina, inayos ko na lahat ng mga dapat ayusin bago ako umalis. ayoko naman iwanan lang ung mga groupmates ko ng basta-basta diba? siyempre may responsibility din ako na dapat tuparin. hay. mejo okay na ung edman. nabilin ko na lahat kay sunday. ung sa thesis na lang. =) baka mag-RRL pa ako sa airport at sa airplane.:P haha. kamon! lerkey na!

okay, balik sa impake issue. kung nung nag-australia ako e super puputok na ung luggage ko, ngayon naman e parang wala siyang laman.:P haha. natuto na kasi ako dati na muntik pa akong mapabayad ng excess baggage worth $150AU dahil sa sobrang damin kong dala.:P haha. kaya ngayon, naging practical nako. wash and wear na lang lahat ng dala ko. tsaka naging realistic na din ako. dati kasi ang dami kong dinalang libro pero ni isa dun e wala akong nabasa.:P haha.

so aun. ang flight namen ay 7pm pa. siguro ang dating namen sa singapore ay 10pm. hay. borlogs kame neto nila elyse at sam sa paggawa ng thesis. goodluck talaga. pero mageenjoy din kame dun. =) sabi nga ni pol saken, take a lot of pictures para madaming memories. =)

un lang naman. pagod nako. =)

gnyt!