11 October 2008

stress strikes again!

sa huli kong blog entry, sinabi ko dun na tapos na ang paghahari ng impyerno sa buhay namin at sa kasalukuyan ay maluwalhati na naming tinatamasa ang kalayaan at liwanag na matagal naming pinakahihintay. subalit kaninang umaga lamang, sa gitna ng aking pagkakahimbing ay bigla akong nagising sa mensheng natanggap ko mula sa aking celfone. ang mensahe ay galing kay mariss at sinabi niya dun na, " COM 41 and COM43, im ready to return your thesis. you can get ur thesis until 3pm today.-from sir." haha. boom boom! ano ba naman yan! thesis ulit! sows! hindi man lang kame pinagpahinga nang mas matagal. tsk tsk. pero ano ba pang magagawa namin diba kundi kunin un kasi kapag hindi madedelay naman kame at baka ire-enroll pa namin ang comres next sem. hay.

2pm nagkita kame ni pol sa SM bacoor para sabay kame pumunta kay sir. nung nasa tricycle terminal kame sa BF, nakita namen ung grupo nila omar. mga 3pm na un kaya mejo kabado na ako kung ieentertain pa kame kina sir. haha. mala-amazing race ang drama! nauna ung tric nila omar tapos sumusunod kame. paglampas sa Seton, nag-iba ng direksyon ung tric nila kaya nauna kame.:P haha. (na-imagine lang namen na nasa amazing race kame.:P) sa bahay nila sir, nandun si dan! sinamahan niya si mae. tapos nakasunod na din sina omar pati tropa nila angel.

nung pinakita samen ung thesis namen, nag-comment siya tungkol sa chapter 4 namen. hmm. hindi ko masyadong nagustuhan ung comment niya. =) parang unethical kasi tsaka masyadong personal ung comment. alam ko na mejo magiging controversial ung thesis namen but we just wrote there what we saw, heard, thought and researched about our study. we treated our thesis as scientific as we can so they should also see our thesis in that light because it's unfair for us researchers to be accused of writing biased academic paper wherein we only did our job, and that is to research and write. e un ung lumabas sa survey at fgd, may magagawa ba kame? if they want us to change our analysis and manipulate the data we've gathered mawawalan naman kame ng credibility diba? hay.

but here's the thing: if we choose to stick to our stand, malamang magiging issue to at hindi ko alam kung san pa un pupunta. but if we do what they want us to do, simple lang ang buhay. we'll be able to graduate on time and we might get a remarkable grade for that subject. hay.

eto na pala ung sinasabi ni Mark na "pagbebenta ng prinsipyo." ang hirap pala. basta eto pa lang ang sigurado, magrerevise muna kame ng paper and we'll see from there kung ano na ang say nila.


Note: Talagang naglaan ako ng isang blog post para mas mahaba ung discussion sa nangyari. continuation to ng previous blog post ko.

No comments: