15 November 2008

in brief

yo yo yo! im back! haha. isang linggo din akong nagkasakit kaya tinigilan ko muna ang pagbubutingting sa net. =) yeh! ano bang nangyari sakin? haha. magandang tanong yan kaya simulan natin ang kwento sa parte na tumigil tayo.:P

FRIDAY


school-to-school kasama si enrico. tinulungan ko siya magdistrbute ng letters sa mga schools na iimbitahan nila para sa event ng psych nex week. pumunta kami sa AMA, NCST, Rogationist College, PCU at St. Jude College. konti lang naman kaso coast-to-coast e kaya nakakapagod. mga 3pm na kami nakabalik sa school. konting usap lang kasama ung mga taga SC tapos umuwi nako. paguwi sa bahay, nilagnat nako. =)

SATURDAY-SUNDAY

ayan. bed-ridden nako.:P haha. sobrang nanghihina na ung katawan ko nang mga araw na yan kaya di ko muna tinangka mag-internet. sinugod ako sa ER nung sunday kasi natataranta na ung nanay ko sa kalagayan ko. nagpa-CBC ako at urine analysis. sa araw ko lang to napatunayan na madami na talagang mga tangang nurse na naglipana sa mga ospital. mga nurse na walang ibang alam gawin kundi magpa-cute at tumambay. basta. nakakaasar talaga. tapos ung mga laboratory people, may pag-slow din e. akalain mo a, nung kukuhanan ako ng dugo e pinahiga ako sa critical area, dun sa mga kama ng mga mamamatay na! cmon diba? tsaka ambigat ng kamay nung kumuha sakin ng dugo! nagpasa braso ko. badtrip na yan. hay. sana naman sa mga future nurses at lab people natin e hindi na ganito. kalerkey kasi.

ayon sa resulta ng blood test e candidate ako sa pagkakaroon ng dengue.:P cmon! pinapa-admit na nga nila ako sa ospital pero ayoko. naniniwala ako na wala akong dengue kasi wala naman ung mga symptoms. walang spots, walang joint pain.. (nagmamarunong ako pero sa totoo lang, ayoko lang talaga mag-stay sa hospital.:P) kaya anong point ng pagpapaadmit diba?:P haha. dahil sa ganitong katwiran, ni-release ako sa ER. =)

pagdating sa bahay, pahinga lang saglit tapos dumating si pol para gumawa ng thesis at siyempre alagaan ako. =) mock defense kasi namin sa monday. =).

MONDAY

dahil sa nagpuyat kami sa kakagawa ng thesis e hindi ako nakapasok sa klase.:P haha. cancelled din ung mock dahil sobrang taas ng lagnat ko. pero pumasok pa din ako nung hapon kasi may laro ako sa table tennis. o diba? may sakit na lahat-lahat laro pa din ang nasa utak! haha. ayan, kakapilit, talo. :P

TUESDAY

hindi pa din ako pumapasok. :P haha. yeah men! talagang pinagpahinga ko ang sarili ko para tuloy-tuloy na ang aking paggaling.

WEDNESDAY



ayan. pumasok na ako sa school kahit walang pasok.:P haha. opening kasi ng siCLAban! The CLA sportsfest. e last sportsfest ko na to kaya kelangan suportahan at panuorin. =) simple lang ung opening kaya siguradong babawi sa closing! yeh!

nagpa-blood test din ako nung hapon. sinamahan ako ni pol pero di siya supportive.:P nakatayo lang siya dun kahit alam niyang sobrang takot ako sa dugo. haha. ang porma kamo! edi 1pm ako kinunan ng dugo no? 4pm di pa din tumitigil ung pagdudugo! haha. namutla na ako ng bonggang bongga hanggang sa nagpunta na ako sa clinic. :P

nung okay nako, gow na kami sa pagcocomittee sa GreenWave. guest band ang MYMP. =)



THURSDAY

adman class. no ethics dahil wala si sir RS kaya maaga din ang uwian.



nung gabi pinanood namin ung laro ng basketball boys. COM vs. PSYCH. ganda ng 4th quarter! close e! haha. kaso talo ang COM. :( 81-83! konting konti lang ang diprensya! hay. sayang! pero di bale, babawi ang COM at dudurugin namin ang PSYCH! :P yeh!

thesis mode kami ni pol nung gabi.

FRIDAY

mock defense pero hindi kami sobrang nabembang ni sir artin. parang naging consultation un instead of defense talaga. dun ko na-realize na sobrang risky nga pala talaga ng ginawa naming thesis. haha. cmon!

tambay.

SATURDAY

pinabasa ko na sa doctor ung resulta ng 2nd CBC ko at lumabas dun na MUNTIK na pala akong magka-dengue! :P buti na lang daw at hindi bumagsak ang mga platelets ko (salamat talaga mga platelets ko sa katawan!:P i owe you my life!) kundi yari na.:P haha. hay. salamat talaga at hindi natuloy! =)

i painted my toenails red. =) sportsfest kasi, e red ang COM.:P haha. yeh!

un lang. okay nako. =)


No comments: