bakit kaya epal na ung mga guards sa gate 3? nagchcheck ng trunk, id etc. wala namang kwenta. sayang lang sa oras. badtrip tuloy.:P haha. tapos ung guard sa parking lot tapat ng jfh e pinaalis pa ako sa pinagparkingan ko para mas mabigyan ng space ung bus. badtrip talaga e. ang mahal ng bayad sa car sticker tapos ganun ung trato. hay. okay lang sana kung petiks mode ako nun kaso hindi e, late na ako. kaya nakakapang-init talaga ng ulo.
moving on.:P pagpasok ko sa classroom, nandun na si sir perlas. siya ang professor namin sa advertising management. mukang okay ung subject. nabuhay ulit ung interest ko na makapasok sa ad agencies. =) nag-refresher kami sa basic advertising namin. jusko, bokya.:P haha. ung basic advertising namin e 2nd year 2nd sem pa tsaka basic lang talaga un. wala pang IMC na kasama kaya siguro wala din akong halos nasagot sa quiz. haha. pero okay lang. di naman recorded un.:P nag-discuss siya ng konti tungkol sa development ng advertising, ratings, HUT at rising advertising tools. emerging trend na pala ngayon sa marketing and advertising ang IPTV (internet protocol TV). eto ung pwede ka mo na panuorin ung mga favorite TV shows mo sa laptop or pc mo. =) ung katulad sa GMA ngayon. cool. tapos nalaman ko din na sa year 2015, kung analog TV (ung normal na TV) pa din ung ginagamit e hindi na makakatanggap ng signal. dapat mag-shift na sa digital (plasma TV). oooohhh. magkakatotoo kaya to? :P we'll see. =)
okay ung klase niya. mejo humihina lang ung boses niya pag tumagal na pero kaya yan. :P
lunch at BB tapsihan with pol, rai, gene, nebs, wee, mariss.
next class. ethics. buti na lang talaga at si RS ang prof namin dito kundi talagang kukuha ako ng ethics sa iba. wala lang. nung summer kasi nagkaroon ng mga rumors na magtuturo ng ganung subject si apr. e wala lang. ive learned so much from him already. PR and Comres. okay na ako dun. gusto ko naman ng ibang prof. =) haha. ayos si RS! tama nga ung mga kwento ng mga seniors dati na cool siya magturo. kumbaga sa byahe, madami siyang stop over.:P haha. ba naman e pinapaanalyze samin kung anong crime ang kinomit ng isang taong pinatay ang nanay, kapatid, pamangkin at aso.:P homicide, parricide, infanticide or murder ba? edi naghihintay kami ng sagot no? sa sobrang dami niyang kwento di na nasagot ung tanong.:P haha. gusto ko din ung sinabi niya na kapag daw magrarally dapat daw ang dalhin na weapon ng mga rallyists e tae.:P haha. isang tangke ng malabanan.:P tingnan lang daw natin kung hindi uurong ang mga pulis.:P tapos tae din daw ang sagot para matigil na ang gyera sa iraq.:P bombahin daw ng tae.:P haha. laughtrip.:P
pero nung mga last 30 mins na ng klase e tinamad na ako makinig.:P
after ng klase, meeting saglit tungkol sa munting project para kay chrissie. =) tapos table tennis na kami ni pol sa rob. =)
ayos! bigtime na pala ung table tennis center nila ate elena sa rob. from 3 tables sa dati nilang pwesto e naging 8 na! =) cool! sarap tuloy maglaro kaso pasaway talaga ung raketa ko e. di na makapit sa bola kaya ang hirap ipasok ng receive. hay. may mga moments na nababadtrip na talga ako kasi nakakafrustrate talaga! pero nanalo naman ako sa match namin ni pol.:P haha. ganda ng laban. 5 sets. 2-2 parehas. sa last set nagkaalaman.:P haha. naka-2 smash ako pero na-block pa din ni pol! cmon! mahusay.:P haha. pero wala e. i won. eto score:
in favor sakin.:P haha. yeh!
may napansin lang ako habang naglalaro ako. sumasakit likod ko pag ang tagal ko ng naka-bend.:( parang kelangan ko ng brace sa likod.:P haha. or rayuma lang ito?:P haha. basta. ang sakit. kaya naiirita din ako minsan habang naglalaro.:P tsaka kulang ako sa stamina. ambilis kong mapagod. :P pero kaya yan! yeh!
kain sa mang inasal tapos uwi na. =)
teka. eto pa pala. hindi ko alam kung bakit pero nakaka-lss ung womanizer. alam kong walang kwenta ung kanta pero paulit-ulit tumutugtog sa utak ko.:P haha. kaya kanina minemorize ko na ung lyrics para naman clear na ung kinakanta ko.:P haha. nangyari din sakin to sa stars are blind ni paris hilton. cmon! :P haha.
later alligator.
PS: translation of the title: the law might be harsh but that's the law. i learned this from RS. =)

No comments:
Post a Comment