02 November 2008

sunday

dapat uuwi kami sa pampanga ngayon kaya lang sa di malaman na kadahilanan e hindi kami natuloy.:P kaya never pa ako nakapag-stay sa sementeryo nang matagal para bumisita sa mga yumao naming kaanak. hay.

naglinis lang ako ng kwarto. tulog. nuod. simba. grocery.

monthsary din namin ngayon ni pol pero di kami nagkita dahil sunday at madaming mga family activities. =) pero nagka-chat namin kami (may webcam!) kaya parang nakasama na din namin isa't-isa. grabe. ang sweet niya. edi magkachat kami no? may pinakita siya sa webcam na I (heart) YOU na nakasulat sa papel. =) yieee! totally unexpected.=) iloveyou mahal! tsaka nga pala simula ngayon, di na kami magbibilang ng monthsary.=) magse-celebrate kami pag 2 pero di namin bibilangain kung ganu na kami katagal kasi nakwento sakin ni pol na nung tinanong daw niya si mark kung gano na sila katagal ni kate e sumagot daw si marvin ng, "ano ka ba paul? ang binibilang lang e ung natatapos." e hindi naman kami matatapos kaya bakit pa magbibilang diba? :P o ye! haha. tsaka nasabi na din sakin ni pol dati na, "mahal kelangan pa bang magbilang ng monthsary, di naman tayo magbbreak e." yiiiiiiiiiiie! =) kaya pag sasapit ang 2, 'happy monthsary' lang ang batian namin. =)

napanood ko nga din pala ung pinoy meets world. nagpunta si kara sa mauritius.=) wow. paradise talaga. pag ako nakaipon na, pupuntahan ko un. =) haha. yeah!

eto muna. later alligator. =)


No comments: