Showing posts with label random. Show all posts
Showing posts with label random. Show all posts

30 November 2009

stop light

wow. ang tagal ko na ding hindi nakapag-blog! hahaha. feeling ko nabulok na ang site na ito kaya panahon na para buhayin ulit. :P well, bakit ba kasi hindi ako nakakapag-update lagi? simple lang -- work. nagaadjust pa talaga ung katawan ko sa oras ng trabaho at sa travel time. second home ko na nga ang MRT at bus dahil sa sobrang haba ng byahe. tae. eto ha, aalis ako sa bahay ng five in the morning tapos makakarating ako ng 1030-11pm na! grabe. pagdating sa bahay deads na ako. bagsak sa kama. kung gagawa nga ako ng pie chart kung paano ko ginagamit ang oras ko sa 1 araw, malamang 60 percent dun ay travel time. hay. feeling ko tuloy wala na akong nagagawang makabuluhan sa buhay ko. i like my job but i want to do more. i want to write, go to places, learn new things, explore, enjoy life. ayokong maging corporate slave. minsan lang ako maging bata, gusto ko sulitin yun. hay.

andami ko sanang plano for this year pero naisip ko na kailangan ko muna maging stable sa buhay. kumbaga sa paggawa ng bahay, dapat solid muna yung pundasyon bago maglagay ng 2nd floor. hay. at dahil diyan unti-unti ko ng natatanggap na hindi para sa akin ang 2009. madami akong mga 'wrong moves' this year atbp shit na dumating. pero di bale, ngayong medyo solid na ang foundation, ready to fight nako sa 2010. pupwersa ako. babawiin ko lahat ng mga oras na nasayang! bwahahahahahahahahahahaha!!!

anyway, konting updates pa bukod sa unang dahilan kung bakit nabulok ang blog na ito.

1. level 4 na ako ngayon sa Spanish class ko. kamuka ni Pau Gasol ung prof namin. hahaha. seryoso. Polish din siya katulad nung prof namin sa nivel 3. cool guy. kahit nosebleed na kami sa kanya pinipilit pa din niyang maging masaya ang mga discussions. kaya lang nahihirapan pa din akong mag-catch up. sobrang hirap kasi ng mga lessons! potek. naghahalo halo na ung mga verbs at tenses sa utak ko. dagdag pasakit pa ang mga bagong salita at idioms! grrrrr. bukas nga may exam kami e. di ko alam kung paano ako makaksurvive dun. :( hay.

2. nagkakaroon pa din kami ng quality time ni pol kahit hectic ang sked ko. masaya ako sa mga nangyayari sa relasyon namin. he's my best friend -- best friend with benefits. :P haha. iloveyou!

3. raket - may pinaplano kami ni Jessa na bumuo ng isang malaking project. looking forward ako dun. i think malaki ang potential nung idea na un sa market. we'll see. im excited na!

and that's it. sana talaga hindi ako tamarin at makapag-update na lagi dito. hahahaha!



PS: Stop media killings!

24 October 2009

Tagaytay



naki-fiesta kami sa tagaytay. first time ulit (in 7 months) namin nakita si mel! parang first year ulit ung itsura niya. haha. ang kulit. nabuhay ulit ang piolo-juday loveteam. hahaha.

kaming 2 lang ni pol ang college friends na nagpunta dun (dumaan din pala saglit si karen kasama ang ibang chorale). wala naman kaming masayadong ginawa. bonding at kain lang.

bale sa foureal, si marianne na lang ang hindi ko nakikita. haha. :P career woman to the highest level. :P

mga 830pm umalis na kami ni pol. tumambay at kumain ulit kami sa yellowcab tapos uwi na. :)



**
noong papunta kami sa tagaytay, doon ko napatunayan yung nabasa ko sa Cosmopolitan na hindi madalas humingi ng tulong ang mga kalalakihan. :P pano ba naman kasi, nagoverheat ung sasakyan ni pol tapos wala siyang tools at tubig na dala. pinagsasabihan ko na siya na bumili ng tubig sa 711 tutal malapit lang naman sa pinaghintuan ng sasakyan. ayaw talaga niya makinig. sinasabi niya na okay lang daw, mgiging okay din ung sasakyan, maghintay lang daw saglit etc. e naiirita na ako kasi tumatagal lang kami. pero cool lang ako nun kasi ayoko ng away. basta. ganun ng ganun. sa tuwing magsasuggest ako ayaw niya makinig. :P hahahaha! tapos nung okay na talaga ung sasakyan, sinabi ko sakanya ung nabasa ko tungkol sa Cosmo at nag-agree siya na karamihan daw sa mga lalake e ayaw ayaw humingi ng tulong lalo na't kapag meron pa silang nakikitang paraan. hahaha. okay. :P

**



World Pyro Olympics 2009 happening on November 21-December 19 at the Bonifacio Global City, Taguig. weeeee! exciting!!! taralets! :)

23 September 2009

office and bus rides



mga kuwentong nadidinig ko lang sa opisina at sa bus. nakakatawa kasi kaya gusto ko lang i-share. :)

Kwento 1: Scary Trend sa Ofis

kahapon nakipagkwentuhan si boss samin. tinanong niya kami isa-isa kung ilang taon na kami tsaka kung ano ba ang civil status namin. 90% ng empleyada dun ay single. as in olats ang lovelife. nagtaka si boss. sabi niya:

"masyado ko na ba kayong pinapahirapan kaya wala na kayong oras magka-lovelife?! okay naman ang pinapasweldo ko sa inyo, hindi ko naman kayo pinipilit mag-OT, sagana naman kayo sa leave pero bakit wala pa ding nag-aasawa sa inyo? aba, hindi naman ata ako papayag na wala akong mapuntahang kasal ng mga empleyado ko no! hala, sige, mag-leave na kayong lahat, humanap kayo ng boyfriend!"

hahaha. ang cool ni boss e. talagang nagaalala siya na baka maging old maid lahat ng employees niya. FTW! :p

Kwento 2: Facebook Effect

kanina sa bus pauwi kasagsagan ng traffic sa Baclaran, nadinig ko ung usapan ng 2 babae sa likod ko. tantsa ko, nasa mid 30s na sila. pinauusapan nila ung isang game sa Facebook.

Babae 1: ang tagal naman. kainis.
Babae 2: onga e. ihaharvest ko pa ung crops ko sa farmville.

o ha! yan ang totoong adik na sa FV.:P

Kwento 3: Caretaker

isa sa mga win na linya ni velay sa Project Chase.

Velay: hello! pwede kay **?
Operator: who's this?
Velay: caretaker niya.

^______^ whaaaaaat? :P

Kwento 4: Music and Lyrics

kanina ko lang nadinig ung segment ng I FM tungkol sa mga mali-maling lyrics. ang example nila kanina ay ung kantang Nothing's Gonna Stop Us Now. ang totoong lyrics nun ay: and we can build this thing together/standing strong forever/nothing's gonna stop us now. tapos may ibang kumanta. eto na ung lyrics niya: and we can build this thing together/steady strong and never/nothing's gonna stop us now. hahaha!

nung nadinig namin un, nag-share din si velay na meron naman siyang nadinig dati na kumanta ng I'm a Bitch ni Alanis M. ang totoong lyrics nun ay: im a bitch/ im a lover/ im a child/ im a mother. ang version na nadinig ni velay ay: im a bitch/im a ladder/ im a child/im a mother. hahahaahhahahahaha.

laughtrip lang. :P kaya minsan nakakahiya kumanta lalo na pag di kabisado o alam lyrics. mahirap na baka ma-example sa I FM.:P hahaha.

Kwento 5: Pet names

hindi talaga ako masyadong mahilig magbigay at magpatawag sa pet name. (sa friends. ibang usapan pag boyfriend) okay lang sakin na bigyan ako pero kapag tinawag ako sa ganung pangalan malaki ang chance na di ko pansinin ung tumawag sakin. hindi dahil sa snob ako kundi dahil may memory gap ako. :P hahahaha. ewan ko. hindi ako sanay matawag sa kung anu-anong cute/mushy names. okay na sakin Rea or Reamel. yeh!

minsan kasi ang masaklap na mangyayari kapag nabigyan ka ng pet name ay baka may kaparehas ka na tapos.. basta. nakakairita. ayaw lumagay sa lugar. hindi ko alam kung sadya ba yun, gusto lang niyang i-conceal ang kanyang true identity (bummer. no use. i will know everything anyway.) nagpapacute (PAKYUT!) o kung anuman. grrrrrrr. ayaw ba niya ung pangalan niya kaya di niya nilagay. shit. edi siya na ung hayup animal na un. iba na lang ako. beh. tapos eto namang isa, gow pa din ng gow. parang wala lang ako e. dragging issue na pero sige pa din ng sige. wala man lang delicadeza/sensitivity tsk. hay. buhay.







26 July 2009

Calling



okay lang na mahirapan ako. pangarap ko naman ang pinaglalaban ko dito. ayoko na magkaroon ng sidequest, gusto ko diretso na sa patutunguhan ko. alam kong mahirap pero dadating din ang balang araw ko. AMEN.

**
sobrang cheesy ng bago kong template. haha.

**
congrats nga pala sa mga kaibigan kong pumasa sa June 2009 NLE. wooh! manlibre na kayo! at siyempre, super congrats din kay Ingrid San Juan for making it to the top 10. taba talaga ng utak mo ever since. :) haha! licensed to care na kayo. goodluck! :)

**
have a good week ahead, folks!


11 June 2009

letters, music and moving pictures

Letters


sa wakas nakabili na din ako kahapon ng Breaking Dawn at Kapitan Sino! hahaha! sa SM Bacoor lang pala meron! exaggerated lang ung nakausap kong staff ng National Bookstore SM Dasma na wala na daw stock ng mga librong ito sa kahit saang branch ng NBS. booo! umaapaw pa kaya sa SMB! tsk tsk.

excited na akong basahin ang Breaking Dawn. :P hahaha. sana matapos ko na siya agad dahil madami nang nakapila na dapat pang basahin. :) woooh!

kahapon din pala, nagkita kami ni pol. :) food trip ulit! :)

kanina naman pumunta ako sa main office ng Magsaysay at OWWA para ayusin ung interview sched sa bago kong interviewee. bigla kasing napurnada yung sked ko sa isa kaya ayun. lerkeyness mode. nga pala, hanep ung Savory sa tapat ng OWWA! mas mataas pa kesa sa mga ibang buildings dun!! lupet e.

Music

bitter ako dahil hindi ako nakapanood ng concert ng Pussycat Dolls. ang tagal na naming pinagplanuhan ni roselle yun kaya lang paranoid si mother sa swine flu kaya di na kami pinayagan. :( sayang talaga..

Moving Pictures

sa halip na sex videos ang panuorin niyo, eto na lang!



woooh! sheeeeeet! laughtrip talaga! madaming technical glitches pero nadala siya ng mga actresses. woooh! aabangan ko talaga to! :P cmon!

03 June 2009

Final Break

3pm nako nahatid ni pol pabalik sa dasma. maulan pa kasi kaya natagalan din kami sakanila. di na siya nakapunta sa dentist at hindi na din ako nakapasok sa trabaho kaya nag-SM na lang kami. :P hahaha. food trip ulit tapos tambay. :) binilhan ko din pala siya ng cd ng Pupil. :P haha. anniversary gift ko sakanya. :P

**
napanood ko na ung series finale ng Prison Break. very depressing.. :( hanggang sa huli inintindi pa din niya ung kalagayan ng iba.. hay. buti naman maayos ung ending kahit na nagkaroon ng Writer's Strike. naisalba kahit papaano ung series.. hay.

eto lang naman. :P

31 May 2009

Girl Bonding


because of the unpredictable weather, our manila ocean park tour did not push through. badtrip na ulan yan. excited pa naman ako. :P haha. aun. so sel and me just stayed at home. we did not go somewhere else kasi walang maiiwan sa bahay. nagbonding na lang kaming dalawa. :P

lunch. tapos nag-foot spa kami. naalala ko kasi na may binili akong foot spa set kaya nagshare kami dun. aliw na aliw na siya. :P first time e. haha. naaliw din ako kasi nakabonding ko siya. busy busyhan kasi ako lagi.:P

**
nalungkot ako kasi akala ko pa naman Kobe vs. LeBron na sa NBA Finals! tsk! sayang. kahit di ako fan ng NBA, magiging fan ako nang di oras pag nangyari un kaso hindi e. :( sayang talaga.. maganda sana ung laban na yun para malaman na kung sino talaga ang mas magaling.. hay. di bale, next time. :)

**
gusto ko ng ganitong baby! :)



**
sana hindi na umulan bukas at sa tuesday. :(


25 May 2009

Period

di ako nakapag-field work kanina dahil may dysmenorrhea ako. badtrip. half day akong nakahilita sa kama dahil nanlalambot talaga ako.

binista ako ni pol sa bahay (dapat surprise pa kaso tinext nako kaagad au.:P) kasi nasabi ko sakanya na kailangan ko ng hug para maging okay ako. di ko naman akalain na seseryosohin niya.:P wala lang. thanks! :) nagdinner kami sa SM tapos nakita namin dun sina au, jhe at jm.

yun lang naman. bukas makakapagfield work na ako. :) yey!

07 May 2009

Livingsocial on Blogger

my favorite quiz (is this a quiz?) in facebook is livingsocial. share ko lang dito yung mga nasagutan ko na. yeh!

A. Cellphones i had since my first one:

B. Favorite TV Shows

i havent seen the latest season of chuck and heroes yet. :( and big bang theory is for geeks like me. haha.

C. Favorite Food


im a fan of Filipino cuisine.
D. Favorite Street food


i miss cholera lane. :(

E. Everyday!

i think the most important ingredient in tokwa't baboy is the sauce. not the tokwa and baboy.

F. Things I want to learn

i love music and extreme sports. im planning to try wakeboarding this august. haha. sana matuloy.

G. Makeup!

i want orgasm! Nars orgasm. :)

H. Bedroom

with all the clothes and shoes i have i think i need a bigger room.

I. Places

someday.
J. Cereals

im lazy to eat breakfast though. :P hahaha.
K. Dogs

according to paul, i look like a pug when im mad. :P

im loving facebook now more than friendster. haha.



08 April 2009

nagbabalik

nagbalik na ako mula sa kung saan-saan! haha. :) ineedit ko pa ung mga pictures ng mga gala ko kaya next time na lang din ako magkukwento tungkol dun. gusto ko kasi may mga pictures lagi sa entry ko para di boring. yeh!

sa ngayon, natapos ko ng panuorin ung fated to love you. :) haha. pinaiyak at pinatawa ako ng series na yan! ganda. :) nagpapakwento si roselle kung anong mangyayari pero ayoko sabihin. :P bahala siya. :P

gagawa ako ng travel blog bukas. :) muka kasing malabo ung fashion blog dahil hindi naman ako makapaginvest sa mga damit at make-up, lahat napupunta sa travel kaya feeling ko mas madaling magblog tungkol dun. :P


wala lang. wala na akong maisip. di bale, babawi ako ng mga entries bukas. :P haha.


30 November 2008

my 5 pet peeves

chill lang ako dito maghapon sa bahay. =) kaya ishshare ko na lang sa inyo ang mga pet peeves ko:

1. email ads, multiply ids, usernames that contain flirty words like hot, delicious, gurly, sweetie etc.

nakakadiri kasi pakinggan. haha. tsaka minsan ung mga gumagamit ng ganito e ung mga feelingero/a. ung tipong hindi naman sila mukang delicious (for example) pero ginagamit nila un para idescribe sila. eewwness talaga. at kung totoo ngang hot (for example), the whole world doesnt have to know. =)


2. flirt

in my opinion, when someone flirts it's like he/she is forcing someone to love/like him/her back. it's not real love or like, actually. panandalian lang un. haha. it also destroys people. tsk tsk. im against flirting because i love being in long relationships. =) and if you are REALLY attractive, you don't have to flirt,you just have to sit back, relax and wait. =)

3. late/waiting

okay lang sakin ung mga 20-30 mins. but beyond that, iba na.:P haha. i hate late because i hate waiting. =) pero minsan worth it din naman ang paghihintay. =) wag lang lagi.:P


4. magnanakaw ng pictures.

guilty ako dito dati pero nung tumagal na ako sa COM na-realize ko na mali pala ung basta manguha lang ng pictures or any document nang hindi nirerecognize ung source. =)

pero kanina, when i posted my LFC pics on multiply and i saw one delegate who reposted my pictures without recognizing where she got those pictures from, i really felt bad. sobra. tapos kuya keane commented on my photo and she replied, "firing squad". haler, that was my caption for that photo! kaloka! pero hindi ko ginyera ung gumawa nun, instead i just PM-ed her and asked her to please recognize my site.:P haha. ayun. nag-sorry naman siya at okay na kami.:P haha. wala lang. masakit makita na ung mga gawa mo e ginagamit lang ng iba. buti sana kung may bayad no.:P haha.

5. unfaithful/walang dedication

if you cannot commit yourself to the person you are with or to the job you are in just leave. =) they deserve someone better. =)

later alligator. =)






02 November 2008

sunday

dapat uuwi kami sa pampanga ngayon kaya lang sa di malaman na kadahilanan e hindi kami natuloy.:P kaya never pa ako nakapag-stay sa sementeryo nang matagal para bumisita sa mga yumao naming kaanak. hay.

naglinis lang ako ng kwarto. tulog. nuod. simba. grocery.

monthsary din namin ngayon ni pol pero di kami nagkita dahil sunday at madaming mga family activities. =) pero nagka-chat namin kami (may webcam!) kaya parang nakasama na din namin isa't-isa. grabe. ang sweet niya. edi magkachat kami no? may pinakita siya sa webcam na I (heart) YOU na nakasulat sa papel. =) yieee! totally unexpected.=) iloveyou mahal! tsaka nga pala simula ngayon, di na kami magbibilang ng monthsary.=) magse-celebrate kami pag 2 pero di namin bibilangain kung ganu na kami katagal kasi nakwento sakin ni pol na nung tinanong daw niya si mark kung gano na sila katagal ni kate e sumagot daw si marvin ng, "ano ka ba paul? ang binibilang lang e ung natatapos." e hindi naman kami matatapos kaya bakit pa magbibilang diba? :P o ye! haha. tsaka nasabi na din sakin ni pol dati na, "mahal kelangan pa bang magbilang ng monthsary, di naman tayo magbbreak e." yiiiiiiiiiiie! =) kaya pag sasapit ang 2, 'happy monthsary' lang ang batian namin. =)

napanood ko nga din pala ung pinoy meets world. nagpunta si kara sa mauritius.=) wow. paradise talaga. pag ako nakaipon na, pupuntahan ko un. =) haha. yeah!

eto muna. later alligator. =)