02 December 2008

eventful


for the first time, maaga ako nagising kanina! haha. 630am palang gising na ako. hindi ako makapaniwala na 630am pa lang kasi parang kumpleto na ung tulog ko e.:P ung energy ko pang 10am na gising ko na.:P haha. talagang chineck ko ung phone ko kung gumagana ba talaga ung orasan, gumagana nga. maaga lang ako nagising. yeh! ayos! dahil jan, hindi ako late sa devcom. =)

nakaka-inspire ung subject na development communication. =) nung nag-college kasi ako e na-tripan ko ung mag-volunteer sa mga outreach programs, at ngayon yang 4th year ako, mas lalo akong naging active sa mga ganun. with the help of this subject, na-realize ko ung full potential ko as a person--na kaya ko pa palang higitan ung mga nagawa ko pa dati at pwede din pala akong magventure ng career sa field na to. =) un nga lang, dahil under kami kay sa Sir Polo, mejo mahaba-habang basahan ito bago makapasa pero sigurado namang matututo. =) favorite subject ko na ngayong sem. haha.

after devcom, nagpunta kami ni pol sa SM to celebrate our monthsary. =) mejo nagtampo lang ako sakanya kasi parang every monthsary namin e sa SM lang kami lagi. :( para kasing di na nagiging special kasi we can go to SM anytime we want so what's new diba? http://emo.huhiho.com hay. basta. ang bottom line ng pagdadrama ko ay i want to make our monthsary special. any form of celebration wag lang malling kasi nakakasawa na din. (unless may special event sa mall na pupuntahan namin. :p) http://emo.huhiho.com

pero naintindihan ko siya. siguro di lang siya sanay sa mga ganun. next time babawi na yan sakin. diba mahal? =) happy monthsary! =) iloveyou. =)

nag-lunch kami sa shakeys. madami kaming kinain! haha. bunch of lunch, buffalo wings at mojos. mas masarap ung buffalo wings ng shakeys kesa pizza hut. haha. sweet and tangy ung wings sa shakeys. =) yum yum. =) tapos nilibre niya ako ng sour strips sa candy corner. =) yey!

bumalik din kami agad sa school for our Broadjourn class. tinatamad talaga ako sa klase na to (to the point na gusto ko ng i-drop.:P) PERO naiba ang ihip ng hangin kanina! nagkaroon na kami ng gagawin!!! haha. palakpak talaga! nabuhayan ako ng loob nung sinabi niya na magre-radio report kami (field). nakakaexcite kasi! gusto ko malaman kung okay ba boses ko sa radio at kung paano gamitin ung 2-way radio.:P haha. yeh! okay ung activity. mejo kinabahan nga lang ako, nabubulol at too wordy (:P) ako sa report ko pero okay lang. at least diba? =) sana tuloy-tuloy na ang aseso sa Broadjorun class namin dahil nabalitaan ko na ung ibang sections e tapos na sa audio mixing. :P haha. first time (parang puro first time ngayon a?:P) ko ding nakita si rai na nagcocompact powder. girl ka na!:P


ayos sa pose gene a! :P


tambay saglit sa CLASC office with rakim, anzenee and ma'am jopen. tapos tumambay kami sagit ni pol sa parking lot. =) (bonding!:P) haha. nakatulog nga kaming dalawa e! buti na lang bukas lahat ng bintana ng kotse ko.:P yeh! pagkagising, usap ulit tapos uwi na. =)

**

tumitindi na ang mga kaganapan sa survivor philippines at sa my husband's woman (lately ko lang napanood pero naintriga agad ako.:P) natanggal na si zita. di ko lang gusto ung mga sinabi niya nung interview. sobra kasi.. laro pa din naman ung survivor at kaya sumali ung karamihan sa mga castaways ay para sa prize money. hindi lang naman siya ung sobrang nangangailangan dun.. hay. sana manalo talaga si JC! =)

**




1153pm. text message.




overwhelming. =)




1st reaction: http://emo.huhiho.com

2nd reaction: http://emo.huhiho.com

3rd reaction: http://emo.huhiho.com

4th reaction: http://emo.huhiho.com

5th reaction: http://emo.huhiho.com



speechless ako. =)

No comments: