Showing posts with label acads. Show all posts
Showing posts with label acads. Show all posts

17 March 2009

tidbits

nanood kami kahapon ng mga short films ng 3rd year. notable ung despedida at diday! ung despedida, gay love. nung pinalabas nga yun, hiyawan nang hiyawan ung mga tao kasi sobra talaga. chorba kung chorba. :P haha. ung bida pa dun hawig ni ely buendia kaya nadi-disturb talaga ako. :P haha. yung diday naman, the best. nagawang i-direk ni liby si Dr. Pil Garcia! at challenging ang role ni sir a. drug pusher.:P o ha! tapos ang galing nung bata na gumanap na Diday! iyak kung iyak. :P kaya lang dapat may psychologist silang kasama nung nagshshoot kasi ung ibang eksena dun parang nakakatrauma sa mga bata. hay. pero congrats libay! hindi man manalo ung short film mo, winner ka sakin. ang ganda. :)

kina pol ako natulog kagabi para tapusin ung mga kulang sa thesis (abstract, acknowledgement etc.)

kanina naman, nagmadali kami ni pol na pumunta sa school kasi may alumni orientation ng 9am. nakarating kami sa school ng 10. kala ko tapos pero nung pagakyat namin, Lupang Hinirang pa lang. :P haha. tapos edi un na no, mga 30mins pa lang e tapos na agad! mas matagal ung byahe namin papunta kesa dun sa seminar! hay. dami nga din di nakaabot dun e. :P

**

sa apat na taon ko sa la salle, kanina ko lang nakausap si ritz. com din siya pero never kaming nagkaroon ng chance na magkausap. kahit hi-hello lang. di ko alam kung bakit. hanggang sa kanina sa waam, bigla na lang kami nakapag-usap. simpleng starter lang na, "magkano ung babayaran niyo sa editing?". kala ko nung umalis kami ni pol sa waam tapos na ung conversation naming 3. di pa pala kasi nakasabay din namin siya sa LLD. nung si ritz na ung kumakausap sa secretary ng lld nagkaroon ng konting sigalot. nagtanong kasi siya sa secretary kung bakit kasama pa sa editing ung transcription e sabi naman sa CAD hindi na, tapos biglang sumingit ung isang prof dun na nagalit sa "kabastusan" ni ritz. labo. edi bumamba kaming 3 sa CAD. dinamayan namin siya magreklamo. kinausap niya si APR. kala ko pagtatanggol na ni APR si ritz kasi pumunta sila ng LLD e kaya lang wala ding nangyari. sabi pa ni APR,"e ikaw naman pala tong may kasalanan e." hay. kinausap din ni ritz ung chair ng lld kaso wala talaga. talo. grabe no. minsan ko lang makausap si ritz sa ganung sitwasyon pa. :P tsk tsk.

**

nanlibre si pol sa shakeys. birthday blowout niya.:P haha. natuloy na din ung bonding namin nila mel at marianne! its been a while. :P wala pa ding nagbago, adik pa din kaming lahat. :P haha. kelan kaya mauulit to? :)





**

nagpa-straight na ng buhok si mon! haha! girl na girl na!

**

spotted. :P


15 March 2009

dress

bumili lang ako ng isusuot ko para sa graduation at baccalaureate.

hay. graduation and baccalaureate.

parang kailan lang, ngayon malapit ng matapos.

ayoko na. :P hindi na ako makapagtype. nanlalambot ako pag iniisip ko to.

gnyt!

10 March 2009

pag-asa

emo ako kaninang umaga. tulala ako habang nakasakay sa bus. di ko alam kung bakit ako ganun pero dahil sa sobrang ka-emohan ko, naka-isip ako ng pang-shorts. nakabuo ako ng istorya pero draft pa lang. gusto ko siyang gawan ng experimental film ang kailangan ko lang ay magaling na artista. haha. di ko sure kung kelan ko pwedeng i-shoot to pero dapat within this year para naman hindi nasasayang ung mga ideya ko. :P haha. yeh! totoo nga ung sinabi ni sir Gochi samin na, "the worst situation will bring out the best in you." kaya sana talaga ma-develop ko pa yung idea ko kanina para okay na. yeh!

pero bakit nga ba ako nasa bus kanina? ehem. pinayagan na kasi ako nila mader na bumili ulit ng camera! haha. yeh! wala na talaga kasing pag-asa yung ixus ko kaya nakumbinsi ko sila na kung gagastos lang din naman ng mahal sa pagpaprepair nung ixus e bumili na lang ng bago. ganun din naman. 12k ung repair sa ixus, wag na diba. at siyempre kung gagastos lang din naman edi ung maganda at investment na talaga, kaya dslr.:P haha.

dapat sa mall kami bibili e kaso sinabihan ako nila jill, drew at pol na subukan ko sa hidalgo (camera heaven) para mas mura, at mas mura nga! pinili ko ung nikon d60. 26k ang bili ko dun kasama na ung 4G memory card at bag. o ha! sa lahat ng pinagtanungan ko dun, sa Henry's ung good deal kaya kung nagbabalak kayo bumili ng camera, dun na. :) gow!

habang nasa bus ako pabalik sa dasma, binabasa ko ung manual at nanosebleed ako.:P kahit mga 2 photography subjects nako dati e parang back to basics ulit pero kaya yan! eto ung mga practice shots ko:



michelle. macro, portrait.


majarl and bryan. with flash.

obligatory shot.


nga pala, nagpapasalamat ako sa lahat ng mga hiniraman ko ng cam nung mga panahong kailangang kailangan ko: mel, enrico, dianne, eloisa at joanne. at sa lahat ng mga kinukuhanan ko ng pics para sa blog: cath, melai at pol. yeh! babawi ako sa inyo! :)

bigyan niyo ako ng 1 week (kapal e.:P), mamamaster ko din ung cam ko. :P yeh!

ang pangalan nga pala ng camera ko ay pag-asa. kasi dumating siya sakin nung hopeless ako. :P (whaaaaat?!)

**

naiirita na ako kay apr. parang wala na sa ayos ung mga pinapagawa niya sa thesis. akalain mo ba namang ipabago samin ung recommendation. mali daw ung ginawa namin. e pano magiging mali ang recommendation? recommendation nga e. kung di mo trip, wag mong sundin pero di dapat na sabihing mali. parang suggestion lang yan. may mali bang suggestion? hay. di lang ba niya matanggap na ganun ung resulta ng study namin kaya siya nagkakaganun. tapos pag di daw namin binago di niya tatanggapin. ngek. labo.

**

nanood din ako ng basketball game nila pol. umattend ng meeting ni X. (nominated ung thesis namin sa Gawad Liberal. :P ).


un lang naman. :)


08 March 2009

dugo, eheads at si kiko

inaabangan ko talaga ang araw na to para sa final set kaya lang nataon namang na-sked din sa araw na ito yung final requirement namin sa devcom -- GK. binalak ko na mag-alternative activity na lang pero matagal na proseso yun at madedelay ang grades ko kaya gow na ako dun. pinakiusapan ko na lang si sir na baka pwedeng maaga umalis dun sa site (8-330pm kasi yung sked. eto yung pagkakatext ko kay sir polo:

rea: sir, pwede po ba akong umalis sa GK ng mas maaga kasi po may pupuntahan pa po ako?
sir: eheads? sige. 2pm. but be there early.

awwww! may ESP si sir! he knows everything! shocking talaga yung reply niya! kasi nalaman niya na dun ako pupunta. sa sobrang hiya ko hindi na ako nagreply. :P haha.

edi ayun na. pumunta na kami sa GK Alapan. 2nd time ko na yun. nung una ay ung sa CLA Learns to Give project ng CLASC tapos pangalawa tong housebuild. kilala pa din ako ng mga ibang bata dun. :) amazing!



ang ginawa namin ay pagpapadugo. :) nagbuhat ng mga hollow blocks, nagbuhat ng semento, nagpala ng grabe at buhangin at nagpintura. sobrang init sa site kaya balot na balot ako e. mata na lang kita sakin. :P

natatawa ako nung nagpapasa-pasahan kami ng hollow blocks. foreman kasi namin si Sunday tapos sinasabi niya na, "walang tatamad-tamad, kundi wala kang sopas!" haha. parang muro-ami land version lang e. :P

naging ka-close ko sa GK si Jigo. grade 2 siya tapos anak niya ng isang pamilya dun. nakilala ko na din siya nung una naming punta pero kanina ko lang siya naka-bonding. ambait niya! pinatuloy niya kami sakanila, nilibre ng lollipop, softdrinks. tapos un nga, sinabi niya na paglaki niya gusto niya maging sundalo.. wala lang. parang ang dami kong nakuhang aral sakanya. :)

bandang 230, sumibat na kami ni pol sa site. diretso na kami sa MOA kahit muka kaming construction workers. :P padating dun, nagpalit agad ng damit tapos kumain ng bonggang bongga sa fatboys. pagkatapos nun lumipad na kami papunta sa concert grounds. buti na lang hindi masyadong mahaba yung pila kaya nakapasok agad kami. pagdating sa silver A stand, madami na din tao. siksikan ever. 6 kami dumating dun, 7pm pa lang nakatayo na kami kasi ang daming sumisingit na tao pag nakaupo e.. ayun. naghintay kami dun hanggang sa magsimula. sobrang tagal. nakabisado ko na ung ads ng MTV at Smart sa sobrang paulit-ulit. :P

8pm, kala namin gow na. kasi may nag-VO na e. after nun lumabas ung mga MTV VJs. kala ko hihinahon ung mga tao un pala sobrang nainis sila! haha. talbog ang kagandahan nila kat alano, andi 9 at anne curtis. kala ko pa naman maeexcite ung mga lalake kasi siyempre diba, okay naman itsura nila. pero hindi talaga. sumisigaw yung mga tao ng 'umalis na kayo jan! hindi kayo ung binayaran namin!'. haha. yung isang vj nga dun, si sib, parang pa-iyak na kasi nagaalboroto na yung mga tao dun. :P wala din naman talaga kasi silang kwenta mag-host. binabasa lang nila yung mga ads na paulit-ulit naming pinanood tska wala silang stage presence. nagbabasa lang talaga. wala man lang eye contact sa crowd. hay. kaya ayun.

815. nagcountdown na ng totoo. ang cute ng countdown nila. letters. :) haha. from Z to E. (eraserheads kasi e.) nung E na, ayan na! lumabas na sina Ely! waaaaaaaaaaah!!!!!!! stig ung 4 na screen sa stage. kanya-kanyang close-up sa screen ung mga 4 na members ng eheads. :)

sa first set ng kanta nila, parang low energy sila lalo na si ely. siguro pinapakiramdaman ni ely ung katawan niya. hindi din gaanong kumanta si ely sa first set. naninigurado siguro. si raimund ang kumana! haha. stig! nakakatuwa din si marcus sa kantang 'huwag mo ng itanong'. haha. reggae tapos ang lyrics ay, 'huwag mo ng itanong, di ko sasabihin sayo.' haha. woooh!

second set nila, chill lang. :) house music tapos tuloy tuloy na sa tribute kay Francis M. superproxy. :( hay. at siyempre last song ung huling el bimbo. :) yeh! pagkatapos ng huling el bimbo, naglalabasan na yung mga tao nang biglang sumigaw si buddy ng, 'gusto niyo pa ba?' ayan na. stampede ulit sa pagbalik sa pwesto. :P haha. kumanta pa sila ng 3 kanta, pinakahuli ung toyang! awwwww! si ely talagaaaaaaaaaaaaaa! haha. Trivia: si Toyang ay si Vicky Cayago (first wife ni ely). yeah! astig yung ending nila na, "and we are the eraserheads" tapos nagakbay-akbay sila para mag-bow! sobrang awwwwwwwwww talaga! ramdam talaga na final set na. :)




iba talaga yung karisma ng eheads sa mga tao. biruin mo, ang tagal na ng mga kanta nila pero kabisad0ng-kabisado pa din ng mga tao. cool. siguro kaya click pa din hanggang ngayon ung mga kanta nila kasi parang may kanta sila sa lahat ng sitwasyon na swak sa kahit anong panahon. kanta ng tropa, "Pare ko", "Misan", kanta ng mga batong-bato na sa buhay, "Superproxy", kanta ng mga inlab, "Toyang", "Huling El Bimbo", "Fine Time", kanta ng mga nagka-drivers license, "Overdrive", kanta ng mga sabik sa pagmamahal, "Kailan" , para sa mga lasinggero, "Alkohol" at marami pang iba. tama nga siguro si Ely na, "pare-parehas lang naman ang problema ng tao e. walang nagbago." :)


memorable talaga yung huling el bimbo. :) Eheads + Us + Fireworks = perfect kilig moment! hahaha.




at dahil sa sobrang adik ako sa eheads, gumawa ako ng playlist sa imeem. :)


eraserheads

yeh! eraserheads forever. :)



Pictures courtesy of Paul. :)



04 March 2009

eksklusibo


Dark Side

dapat talaga nung monday pa to kaso one hour before air time biglang nagtext si propesor at sinabing cancelled na. o diba? bongga! sana man lang nagtext nung madaling araw na hindi tuloy kasi may kanya-kanya din kaming lakad. pero sabi EMERGENCY daw so may magagawa pa ba kami?

kinabukasan, 30mins before air time bigla namang nag-brownout sa buong campus. edi siyempre pano kami magpo-prod kung walang kuryente edi may usap-usapan na baka cancelled na naman pero awa Niya at nagkaroon ulit ng kuryente kaso etong si propesor nag-litanya pa ng mga reklamo niya kung bakit daw mukhang hindi kami handa sa gagawin naming prod, bakit daw ganong oras lang magseset-up, bakit daw hindi nakapag-practice sa prod room. e di sabi namin na hindi pwedeng pumasok sa prod room kapag walang prof na kasama. aba sabi ba naman samin, "edi sana ng provide kayo!" ng alin? ng propesor? tsaka hindi kami engineering para gumawa ng mga switcher, ilaw at kung anu-ano. ang pinagaaralan namin sa COM ay kung pano gawan ng art yung mga ilaw na yun. nakukuha kaya niya? tsaka may sinabi pa siya na kesyo pag nasa prod room daw ang masusunod ay yung mga technician at hindi siya. hmm. sa 4 na taong kong gumagamit ng lab, ang alam ko assistant lang talaga ang mga technician. unless hindi marunong ang propesor na magbutingting ng mga gamit sa loob ng prod room. hay. tsaka bakit siya magrereklamo na parang 'wala kaming natutunan' sa klase niya gayung wala naman siyang tinurong matino samin. nasa prod room nga kami pero nandun kami, nakasalampak sa sahig para mag-transcribe, mag-translate at mag-imagine na nasa totoong press conference kami. kung ginamit sana ni propesor ang oras namin sa prod room para mag-explore sa mga gamit dun edi sana okaya agad yung prod. parang mali nga yung final requirement e. sana pinagawa na lang niya kami ng newspaper tutal lagi lang naman kaming nagsusulat.

Good Side

nagawa nang tama ng LS Balita team ang prod! yey! daming mga laughtrip moments tulad ng 'krodo', 'singgoy','marcos highwayway' at marami pang iba. congrats sating lahat! :) 90 tayo! yeh!



Lessons

1. huwag ng pagtiyagaan ang mga walang kwentang propesor. kung makakalipat lang din naman sa ibang klase, lumipat na.
2. respeto sa oras. kapag na-delay ang isa, delayed na lahat.
3. walang tamang pangangatwiran sa tangang propesor.
4. umiwas sa mga manyak.
5. matutong magself-study. huwag umasa sa mga maling tinuturo.
6. kung ayaw ng gawang paa, huwag din turong paa.



bato-bato sa langit, ang tamaan buti nga sayo. nawa'y tamaan ka pa nang bonggang bongga.



PS: picture courtesy of Paul

02 March 2009

balakid

pasado na ako sa Ethics, ICT at Adman. ang hinihintay ko na lang na grade ay yung sa Devcom, Comres at Broadjourn. Speaking of Broadjou, badtrip talaga yung prof namin dun. saksakan ng tanga. sobra. dapat kasi ngayon yung news program na pinapagawa niya kaya lang bigla niyang pina-cancel dahil may meeting daw siya kaya bukas na lang daw. nagtext siya 12 na. 1 hour before the program. sana man lang nagpasabi ng mas maaga para naman di sayang yung effort pumunta sa school. hay. tapos alam kaya niya na ngayon yung submission ng grades? hay. nuknukan ng walang kwenta. grabe. sa dalawang sem na naging prof ko siya, wala akong natutunan. dami palang superlatives sa paragraph na to. :P haha. e kasi naman! sobrang balakid siya sa mga plano namin ngayong linggo! kung natuloy na kanina yung news program edi sana naka-move on na kami sa mga sari-sarili naming lakad. diba. hay. sana talaga sa effort na gagawin namin e hindi lang siya basta basta manghuhula ng grade.

**

9th monthsary namin ngayon ni pol. :) 9 months of energy and happiness. :) cmon! dapat may date kami bukas kaya lang cancelled dahil sa news program. hay. excited pa naman ako mag-Manila Zoo! yey. :) kaya pre-celebration namin ang Shakeys. :P

happy monthsary! iloveyou! :) Baguio na tayo! haha!

**

2 weeks na lang pala kami sa school tapos graduation na. waaah! 2 weeks na lang...saka na ako magdadrama pag nakapasa na talaga ako sa lahat ng subjects. :P haha. kasi diba baka magdrama ako, biglang bagsak pala ako sa 1 subject, sayang naman. :P

**

LS Balita group, let's break a leg! :)


28 February 2009

Like OMG!

OMG! halos isang buwan na palang nabulok ang blog ko! haha. pasensya naman, ganito talaga pag graduating na. sobrang daming ginagawa. sa sobrang dami, kung saan saan na ako nakakatulog at madalas na akong bankrupt.:P kala ko pagkatapos ng thesis defense, happy happy na, mas matindi pa pala ung kasunod. haha. pero okay lang for sure mamimiss ko din to after graduation. awwww! haha.

anyway, MADAMING nangyari. as in. pwede kong i-detalye LAHAT yun dito pero aabutin ako ng mga 20 entries or more pag ginawa ko yun tsaka boring yun basahin kaya wag na. :P haha. rundown na lang. :)

Devcom

para sa devcom, nagshoot kami ng MTV at Documentary tungkol sa MDG No. 8 which is Global Partnership for development. dahil sa shoot na 'to nagkaroon kami ng chance (at nagwaldas) na tumuloy sa University Hotel. Sa UP-Diliman kasi ung location ng docu namin. okay yung shoot kaso naging kawawa kami! imagine, 50php na lang ang pera ko nun. pagkakasiyahin ko sa food at fare (QC back to Dasma!) grabe. sobrang namulubi talaga ako nung araw na yun. vivid pa din yung may dumaan na naglalako ng pandesal tapos wala akong nagawa kundi sundan nalang ng tingin dahil wala akong pambili! haha!



nagkaroon din kami ng exposure trip sa College of Development Communication sa UP-LB, Museum of Natural History at IRRI. ayos! nag-enjoy ako! :) parang ngang gusto kong kumuha ng Devcom e (graduate studies).:P haha. sobrang na-engganyo talaga ako pero pag-iisipan ko pa din. :)


na-exempt ako sa final exam pero di ako masaya sa naging performance ko dito. hay.:( parang di ko nabigay lahat ng laman ng utak ko. basta. yun na yun. :P



Adman

nung Lasallian Festival, ni-require kami ni Sir Perlas na magtayo ng booth at magtinda ng mga sikat na produkto ng Cavite. yung napili naming town ay Indang so ang tinda namin ay kalamay. nagtinda din kami ng banana cue at buko juice. at siyempre dahil sa advertising yun, dapat may creative treatment kaya naging Tatay's Kalamay, Saba ni Anna at Buko-Jill (may inside joke yang mga yan. :P) pumatok naman! kumita kami. :)


sa tingin ko, adman ang pinakamalupet na subject ngayong sem! akala ko talaga hindi ako gagraduate ngayong March dahil sa mga mediocre grades na nakukuha ko sa mga quizzes pero mabait Siya dahil na-exempt pa ako sa final exam.:P haha. hindi ganun ka-taas yung grade pero at least nasa safe zone na ako. :)

Broadjourn




Natapos ang subject na to pero wala akong natutunan. Napaka-galing kasi ng prof namin e. Grabe. sobrang nakakagana makinig sakanya!!!! hay. basta. wala siyang kwenta. kung babagsak ako sa subject na to okay lang basta ba hindi siya yung prof pag ni-retake ko to. hay. at dahil sa wala siyang mapagawa saming matino, pinapagawa niya kami ng news program na walang ding sense. as in. ano ba yung irerecord mo yung TV Patrol tapos ittranscribe at irerevoice?! gawain ng tamad yun e. mas matatanggap ko pa kung pinakuha niya kami ng mga videos nung Lasallian Festival tapos yun yung ibabalita namin sa news program kaso hindi e. tanga talaga siya.

Ethics

im going to miss RS. isa siya sa mga ilang kong matitinong professors sa buong college life ko. i learned so much from him. :) hindi ko talaga makakalimutan na binasa ko ang Book 2 ng Civil Code at RPC para lang sa recitation (na hindi naman ako natawag.:P) at kung paano niya bigkasin ang 'shit'. :P haha. yeh!



Lasallian Star


o ye! attempt ng DLSU-D na makapasok sa Guiness Book of World Records. :)

nag-enjoy talaga ako dito. :) nabuhay yung lasallian spirit sa buong katawan ko nung binubuo namin yung star. :) amazing!

Thesis

ayun. thesis pa din siya. :P haha.

Fashion Expo

Gender Equality and Women Empowerment ang theme ngayong taon kaya so gay ang event. :) kumakabog ang mga contestants habang rumarampa sa stage suot ang kanilang mga bonggang bonggang costume (bading na bading ako sa statement na to a. :P). haha. last prod ko na din to bilang CPC officer at siguro bilang estudyante na din (emo!!!).



salamat kina dha ganda at velai sa paghohost ng fashion expo. at congrats sa mga nanalo. :)

Paul

8 months na kami. :) haha! ambilis! di ko talaga namamalayan ang oras.:P 8th Shakeys-ary na din namin.:P haha.

Nung 14, nag-celebrate kami ng Valentines Day sa Science Discovery sa MOA. first time kong makapunta dun at nag-enjoy ako lalo na sa Grossology! haha. nag-world of chicken din kami at nanood ng fireworks (sa lovapalooza). :) ang saya saya pa din kahit nag-away kami nung araw na yun.

at ang pinaka-winner sa lahat ng ginawa ni pol ngayong buwan ay ang:



weeeeeeeeeee!!!! gusto ko ng magpalamon sa semento sa sobrang hiya at kilig. :P haha. iloveyou!


Rea


200501414. after four years. :) wee! ga-graduate na ako sa March 23. :) bitter pa ako bago ko to kuhanin dahil sa thesis pero nung nakita ko na nag-evaporate ang init ng ulo ko.:P yeh!


talaga ngang no pain, no gain. :)

**

kung naging busy ako sa acads ngayong Feb, magiging busy din ako ngayong March sa mga gimik. :P haha. whereabouts for march:

March 7 Eraserheads Concert
Girl Bonding with Mic, Au and Jhe (di pa sure kung kelan)
Batch Outing (di pa din sure)
JJC Induction March 27
Boracay Trip with the family on March 29-31

looking forward din ako sa Baguio Trip namin ni Paul, JJC Natcon (Dakak). :)

o ye! AND!!!! latest addiction ko ang Viva Italia Pizza 10" Roma or Milano at Propel Gala Apple.

back to normal posting na din ako. :)



** Nga pala sa sobrang tagal kong hindi nakapag-blog nakalimutan ko na ung password ko dito. talagang nag-isip pa ako ng matindi kung ano na ba yung ginagamit ko sa blogger. hahaha.



Photos: from me, Paul, DLSU-D portal





30 January 2009

sinuswerte




magpopost na muna ako ng entry bago ako tuluyang lamunin ng mga academic requirements. bale, sa tuesday na ako makakabalik sa aming munting tahanan. maglalagalag na naman ako sa kalsada sa mga susunod na araw. seryoso. di ko alam kung san ako pupulutin. :P grabe ang pressure pag graduating na! cmon! haha.

monday at tuesday di ko na matandaan ung nangyari pero parang thesis mode kami nun. lumabas na kasi ung resulta at AA ang grade namin at meron na lang kaming dalawang linggo para magrevise ng thesis! woooh! heavygats! parang kasagsagan yun ng mga edting days a. pero kaya yan. makakapagpasa pa din kami ni pol on time!

wednesday, bigla kaming napapunta sa ateneo para i-cover ung event ng yabang pinoy. unfortuantely di namin naabutan ung event kasi mga 6pm na kami nakarating dun. noong mga panahon na nawawalan na kami ng pag-asa ay biglang napadaan ang isang lalakeng naka-Yabang Pinoy shirt at sa di malaman na kadahilanan e hinabol na lang namin siya kahit wala kaming idea kung trip lang ba talaga magsuot ng ganung shirt or kung member ba talaga siya ng yabang pinoy, pero sobrang swerte namin kasi ung lalake palang yun ang ORGANIZER nung event na hindi namin napuntahan. haha! yeh! swerte talaga. :)

thursday, QC again para naman sa medicol winners' true videos awarding sa Tomas Morato. finalist kasi si pol sa medicol video contest. eto ung entry niya: click me.



hindi din namin naabutan ung event pero swerte pa din kasi may food pa! haha. at sobrang sarap ng food! grabe! buti na lang libre un kasi mukang mamahalin dun e. :P haha. naglibot-libot kami dun ng konti para naman di masayang ung pagpunta namin. :)

nga pala, habang papunta sa QC, napanood namin sa bus ung nangyari sa trece. grabe. sobrang naiyak ako dun sa pinakita nilang batang biktima. tagos talaga sakin ung sinabi nung bata na, "kunin niyo na ako wag lang ung mama ko." naluha at nanlambot talaga ako nun e. tapos nagalit ako sa sinabi ng doktor na, "kapag nagsuka pa siya isi-CT scan na namin siya." pucha. bakit kailangang hayaan pang sumuka ulit?? pwede namang i-CT scan agad diba? grabe. ano bang klaseng ospital, doktor at nurse meron tayo dito sa pilipinas! sobrang bulok. naalala ko tuloy ung kwento ni RS sa kapatid niya na namatay din dahil sa kabobohan ng mga doktor. grabe. kung magdodoktor ka siguraduhin mo naman na hindi ka lang magpapataba ng bulsa! gawin mo naman trabaho mo! grabe. basta. naramdaman ko talaga ung sentimyento ni RS dahil sa batang un. haaay.

moving on, may problema pa kami ni pol. kami kasi ung student organizers ng filmmaking seminar ni peque gallaga. bigtime kung sa bigtime kaso feb19 siya gagawin. yun ang last day ng pagiging buhay estudyante namin. seryoso. bilang graduating student, siyempre mas gusto ko naman na maranasan ung last day na un. hindi ko un ipagpapalit. kaso si peque... hay. pero magagawan ng paraan yan. :)

**

hay. requirements. ayoko na masyadong magreklamo sa mga binibigay samin kasi alam ko namang mamimiss ko din to pagka graduate. hay. enjoy enjoy na lang. :)

see ya!




25 January 2009

Gloria

not the president but the Spanish term for glory.

so it's been a week since my last entry. im sorry for the unannounced hiatus (parang daming nagbabasa neto e.:P). naging busy lang talaga. :) without any further introduction and lame excuse, eto na ang nangyari sa buong linggo. :)

Sunday (Jan18)

last Sunday i attended the Christening of my one and only inaanak Eunice Kassandra Lagrimas. it was held at Fernando Airbase, Lipa, Batangas. :)


sobrang natuwa ako noong binyag dahil ang daming mga babies. :) sabay-sabay silang binbinyagan. haha. aliw talaga! baby wonderland. :) haha.

first time din makakain ni roselle ng lechon nun so parang achievement niya un.:P

Wendesday

January 20, 2009. the day he made history. :)



inauguration of Barack Obama, the first African-American president of the United States of America. :) during the campaign pa lang, maganda na ung vibes ko sakanya e. its like he was born to lead. he was born to bring change to the world. parang ganun ung tingin ko sakanya. so everytime i watch his inauguration video on youtube, kinikilabutan pa din ako. as if first time ko palang makita un. haha. :P (landi e.:P) sobarng bilib talaga ako sakanya dahil siya ung naging katuparan sa "dream" ni Martin Luther King. :) and i think its time for the african-americans to reap what they sow since i heard from the news na african slaves pala ung gumawa ng white house at malaking sampal un sakanila na ipamuka na WHITE house un. the name itself is discriminating already. e ngayon na iba na ang panahon, i hope na mawala na ung mga racial discrimination at pangaapi as mga marginalized scetor hindi lang sa states kundi sa ibang bansa na din.

Saturday



the much-awaited thesis defense. :) wednesday night sinabi ko na sa mom ko na, "ma, wag ka muna umasa ng graduation sa march a? baka summer pwede pa." hindi kasi kami tumahak ni pol sa "safe side" ng research.:P basta. un na un.:P haha. at gaya ng inaasahan namin, ginisa kami sa defense. may mga tanong sila na di ko nagustuhan kasi parang gusto nilang i-filter ung ibang parts ng study namin which i think is inappropriate kasi kung yun talaga ung lumabas sa mga methods na ginawa namin, wala na kaming magagawa. we do not want to manipulate the results. pero meron namang ibang comments na constructive talaga like ung mga comments ni sir perlas! wooh! na-appreciate ko talaga ung mga sinabi niya. he seemed so interested in our study. :) constructive man or destructive, salamat pa din at binigyan nila kami ng 3.26 na average. un daw ung highest grade sa mga nagdefend nung araw na un. ang lumlabasa, parang minor revision lang ung mangyayari kasi maguulit lang ng survey at magiisip para sa recommendation. sana lang e un talaga ung i-post sa CAD para di kami mataranta. :P

after ng defense, parang nabunutan na kami ng malaking tinik! haha. nag-celebrate kami sa wendys. :)

salamat nga pala kina Enrico at Alex sa pagtulong noong araw na un.:)

at siyempre masaya ako na naging thesis partner ko si pol. :) first year palang kinontrata nako! haha. luha, away, gastos, pagod, oras ang binigay namin para maging maayos ung thesis. salamat pol. :)


Sunday

after defense parang naubos lahat ng lakas ko kaya tamad na tamad ako mag-ICT outreach! haha. sa laguna kami nagoutreach para naman maexperience namin dun. laging dasma.:P

nung una, so much energy and happiness pa pero pagdating dun, borlogs na.:P haha.


ung project namin sa ICT ay dapat magtuturo kami ng kahit anong computer program sa mga bata na hindi pa marunong gumamit ng program na un. at ang napili naming ituro ay powerpoint.



okay naman. natuto naman sila. :) at antok na antok kami.:P

5pm nasa bahay na ako. :)

**

Glory week to para sakin kasi first time ko mag-ninang, pumasa kami sa thesis, nakatulong kami sa iba at umaasa ako sa mga pagbabago. :) okay? yeh! haha.

susubuka ko na ulit magblog everyday. :)


Phot Credits: Yahoo, Paul-Kristoffer Putong, Karren Pae Evangelista



16 January 2009

highlights

kahit wala akong pasok tuwing wednesday and friday at kahit maaga ang mga uwian ko, wala pa din akong oras magsulat dito dahil nagaasikaso kami ng thesis atbp. hay. magdedefense na kami next saturday at pinipilit namin ni pol na takpan lahat ng butas ng study namin. nakikinikinita ko na maha-high blood samin ang mga panelists lalo na ung isa dun pero kaya yan. :) the truth shall prevail. :) haha.

di ko na matandaan ung mga detalyadong nangyari sa mga nakalipas na araw kaya mga highlights na lang. :)

Monday


sa wakas, nag-klase na din kami sa IT! haha. parang long time no see kami ni maam mitch.:P nanood lang kami ng movie na related sa IT tapos un na. :P sumama na ako sa campaign nila enrico. :) SINAG!


grabe. parang kelan lang ginagawa ko din yang mga room-to-room campaign tapos ngayon sila na ung nagsasalita sa bawat klase. nung ako ung nasa kalagayan nila halos isuka ko na ung ginagawa ko (may reason yan!) pero nung nakita ko sila parang gusto ko ulit subukan. pero di na pwede e. :P hay. enrico, kung mababasa mo tong blog ko, gow lang kayo jan! :) more activities, more fun. :)

Tuesday


-

nobody gets too much heaven no more..

inihahandog ng Malulupit na Tinig ang dramang pang-radyo na inyong pinakaaabangan at dumudurog sa inyong mga puso... ang..

Nagkukubling Kaligayahan: Sinaktan mo ang Nagdurugo kong Puso.


o ha! our first ever radio drama. :) si drew ang nagsulat niyan. haha. grabe. mga trip talaga niya e. :P

okay naman ung radio drama. salamat kay kuya Christian sa pagtuturo samin sa technicals. mas natuto pa ako sakanya kaysa sa prof namin dun. :) haha. ewan ko ba. di sumusunod sa syllabus e. dapat mas malaki ung exposure and training namin sa radio noong prelim tapos biglang un lang ung activity. hay. kaya nga may syllabus para maging systematic ung pagtuturo pero ang lumalabas walang consistency. lagi niyang sinasabi dapat magsulat kami ng magsulat. siguro ang dapat niyang ituro samin e kung pano magisip. (marunong kami magisip pero dapat journalistic thinking). hay. grabe. suko ako sa prof namin dun. siguro nga magaling siyang media practitioner pero bilang teacher? i doubt.

Wednesday

walang pasok. thesis mode.

Thursday

Ethics class. lahat kami kabado kay RS dahil may kasalanan kami sakanya. parang walang huminga sa classroom nung pumasok siya. :P haha. pramis! lahat talaga kabado! pero naging okay naman ung mood niya. :) nakikipagibiruan na siya samin. :P laughtrip talaga nung binigyan niya kami ng 5min break. pagdating niya sa classroom time na pala.:P wala din. :P haha.


pagkatapos ng Ethics, meeting saglit with CPC tapos go na kina ghene! woohoo! 21 na siya! ATE ghene talaga. :)


nag-saya kami ng matindi dun! haha. pansamantalang kinalimutan ang thesis at acads! woohoo! nagulat din ako kay andrew dahil hindi ko talaga akalain na matindi siya sa Magic Sing! siya kasi ung tipo na lalakeng lalake talaga, ung tipong walang interes sa mga ganung bagay pero nagkamali ako! grabe siya kumanta! Magic Sing King! haha! siya na ung laging may naka-reserved na kanta! haha. astig nung kumanta siya ng Jump! haha. bago magsimula ung kanta may mga hosting stints pa siya e. :P basta. laughtrip. :)

umalis kami kina ghene ng 10pm. tapos dito na umuwi si pol para sa thesis. woooh!

Friday

wala ding pasok. thesis mode.


**

hay. sana talaga maging okay ang thesis namin. :( patnubayan nawa kami ni pol sa defense.. sobrang kinakabahan talaga ako..






09 January 2009

rollercoaster

Thursday

advertising management prelim exam result: 1.5.

pucha. depresyon! pero expected ko na din. alam ko namang puro mali ung sagot ko dun sa last part ng exam. hay. pero kaya yan! may prelim at finals pa. sana makabawi kami sa ad campaign. :) sabi pa naman ni sir BAKA daw samsung LCD TV or 20, 000 pesos ang premyo sa best campaign. o ha!

quick lunch after class. then went to the library to study. Ethics kasi e. :P bingo na ata kami kay RS kaya halos magpaka-abogado na kami sa pag-aaral ng Revised Penal Code at ibat-iba pang republic act, presidential decree at batas pambansa. si van nga daw e christmas pa lang nagaaral na.:P yeh!

nung nasa klase na, nagkaroon ng countdown. 110pm kasi wala pa si sir. e may school policy na wala ng klase pag 45 mins (for 1 1/2hr class) ng late ang prof. so ayun. feeling ko lahat may gusto na sana nga un na ung mangyari at natupad nga! wala si sir. masaya kasi naalis ung kaba pero malungkot din kasi we're behind sched na naman at lalo pang tumagal ung pressure. hmm.

dahil sa wala ng klase, nagmeeting muna kaming mga malulupit na tinig para sa radio drama namin. cool ng story ni drew! haha. gay love! cmon! haha. kay DREW pa nanggaling a. :P tapos tawa ako ng tawa sa theme song ng program namin.:P pag inexcute na namin ung drama, paparining ko sa inyo. :P

tumambay din kami saglit si kubo. daming alam na games ni pao! ung mga "bibili ako sa landmark ng.." logic games pero ung iba joketime lang.:P masaya din. :)

uwi sa bahay para kumuha ng gamit (overnight ako kina pol) tapos punta sa SM para kumain sa wendys. :) maaga din kaming umalis dun dahil ayokong magdrive nang gabi lalo na pag umuulan. kaya lang wala din. dahil traffic sa gen.tri. nakapanood na nga kami ng slumdog millionnaire sa laptop ko dahil sa sobrang traffic! kung di lang siguro nalobat un malamang natapos ung movie sa sobrang traffic! haha.

pagdating kina pol nagpoker muna kami. :P tinuruan niya ako maglaro at dahil dun naubos pera niya. :P haha. nagjojoke din ako ng mga pangalan ng cards. napansin ko kasi na may mga pangalan ung pair, tulad ng 84 - Orwell (author si George Orwell ng 1984), 2K (millennium). ung sakin pag 56 - Bumbay tapos pag 18 -Debut. haha. corny pero may point diba!

at finally thesis mode. wooh! gow!

Friday

di ko alam kung anong oras umalis si pol pero paggising ko wala na siya (drama e.:P). pumunta kasi siya ng dad niya sa LTO para magparenew ng license tapos naiwan ako sakanila kasi gumagawa ng thesis. nag-bonding kami ng mom niya over lunch. ang saya! nag-share siya ng experience niya nung pinagbubuntis niya si pol.:P haha.

230 ata nakabalik na sina pol sa bahay.

3pm umalis na kami papuntang SM dasma para manood ng bedtime stories (hindi ung X rated a! ung Disney! :P). okay naman ung movie. average lang at siyempre pambata talaga. :)

8pm nasa bahay na ako. :)

**

grabe ung prusisyon ng black nazarene no? almost 12 hours! tapos 3 million ang nandun. wow.


06 January 2009

on a high

January 5

spent the whole day doing my assignment in broadjourn. nakaka-bobo magtranslate ng balita lalo na pag Filipino news (from Tabloid) to English news. pano ko ba naman kasi isasalin sa English ung "magjowa, kinatay!" cmon! lerkey diba? sana pinagsulat na lang talaga kami ng balita. hay. sobrang sabaw ako sa assignment na yan! hindi pa ako nagprocrastinate sa lagay na yan a? matagal lang talaga ako magisip. hay.

5pm dumating na ang birthday boy na si Paul-Kristoffer Putong sa aming bahay. :) nag-bonding muna kami bago kami magdinner date with his family sa King Bee. nung naramdaman na namin na nagugutom na kami, saktong wala namang pagkain sa bahay e pumunta na kami ng SM para kumain. sa Wendy's. :) feeling ko may rason na ulit kami para magpabalik-balik sa Wendy's. haha. goal kasi ni pol na makuha ung Wendy's planner. kung ang ibang mga tao ay adik sa Starbucks, siya naman ay adik sa burger.:P haha.

habang hinihintay ung parents niya na matapos manuod ng Iskul Bukol ay nagpunta muna kami sa Booksale kung saan bumili na naman ako ng libro. grabe. addiction na ito. haha. pumapangalawa na ang pagbili ko ng libro sa mga listahan ng gastos ko. (no.1 pa din ang food.:P) pero okay lang. kung ang tiyan ay busog, dapat pati utak din. so feed your mind. read. :)

dinner sa king bee. :)


pic from Paul

natawa ako nung shinare ko sa parents ni pol ung favorite joke ko sa iskul bukol ung "the afternoons are coming!". ang tagal din daw bago nila na-realize kung ano ung ibig sabihin nun. haha. benta talaga. :P

kina pol nako nagstay kasi nakakahiya naman kung magpapahatid ulit ako pabalik sa dasma. e anong oras na din un. :) tsaka siyempre bonding na din namin ni pol un kasi birthday niya. :)

4am na kami natulog. ginawa pa kasi namin ung broadjou assignment at ung devcom volunteerism paper. walang nakalagay sa e-group kung hanggang kailan pwede magpasa ng devcom paper pero tinapos na din namin kasi ang dami ng nagpasa e. :P haha. wooh! bangag na bangag kami! :P

January 6 na. :P

feeling ko 1 hour lang tulog ko dahil pagising-gising ako hanggang sa 630am na pala! e ayaw na namin ni pol ma-late sa devcom kasi nakakahiya na kay sir. baka sabihin niya bagong taon, late pa din. :P (mejo lagi kasi akong late nung prelim. :P) hinatid kami ng parents niya sa school.

devcom. pasado ako sa prelim exam pero nanghihinayang pa din ako kasi i know that i can do better. ewan ko ba. sa lahat ng exams kasi ni sir polo e pinangungunahan ako ng taranta (puzzle ba naman lagi!) kaya tuloy bara-bara ung sagot ko. hay. ang goal ko ay makakuha ng freebie (namimigay kasi siya ng reward pag kasama sa mga top scorers. :P) sa subject niya bago ako gumraduate. :P haha. sinabi na din niya kung ano ung midterm project. isa lang masasabi ko malas si mariss! haha. :P ang hirap ba naman nung napunta samin pero kaya yan! gow team! :)

first time ngayong 2009 na nakasama namin si mel mag-lunch. :) haha. usually kasi masaya pa sila pag first day ng klase pero pag mga 2nd day onwards e hindi na namin sila mahahagilap. :P haha.



pagkatapos maglunch, broadjou mode na ulit. tapos nako dun kaya tumulong na lang ako sa iba. natatawa ako sa mga kaadikan namin sa translation. eto ung mga benta talga sakin:

wee: wee, tagalugin mo nga ung 6-day Cock fest.
(nagkatinginan kami ni mariss sabay tawa.)

haha. un un e! :P

mel: ano sa tagalog ang concerned citizens?
jill: matatanda.


ano daw? :P haha. wooh! gow laughtrip!

tapos di ko talaga ma-gets ung laro ni nebs na, "pupunta ako sa buwan, magdadala ako ng.." nako! laging di ako kasama. :P nung nagsawa na sila sa ganung laro, naisip namin na gumawa ng MDGs. Hindi Millenium Development Goals a? kundi Mariss Development Goals.:P nasasaad sa MDGs na un ay dapat magkaroon ng ka-date si mariss (mas maganda kung boyfriend!) bago kami gumraduate. ika nga ni jill, dapat ED sila. (exclusively dating.) o ye! haha. kaya lang naputol ang kasiyahan dahil sa broadjou class.

hay. pucha. malapit na talga maubos pasensya ko sa subject na yan. hanggang ngayon e di pa din kami maka-move on sa newswriting! nakakairita din kasi ung lagi kaming nalilimitahan sa mga career options namin. lagi niyang sinasabi na lahat ng ginagawa niya ay makakatulong para makapasok kami sa network e ung iba nga samin di naman talaga trip un. bakit kailangang maging AB COM = newscasters, journalists? mali e. pano naman ung ibang gustong makapasok sa advertising, media prod, PR, devcom. hay. sa tinagal ko sa lasalle, wala pa akong nadinig na nagcomment ng, "uy ab com ka? siguro gusto mong maging filmmaker no? or account executive sa ad agency? " laging newscaster lagi. haaaaaaay. kitid e.

may radio program nga pala kami sa subject na yan. we have to do it LIVE. as in kita kung paano ginagawa ung sfx and all. pucha. radio program kasi yan diba? hay. ayoko na maging nega ang post na to kaya ishshare ko sa inyo kung ano ang pangalan ng grupo namin: Malulupit na Tinig. :P at ang title ng radio drama namin ay Nagkukubling Kaligayahan: Sinaktan mo ang nagdurugo kong puso. o ha! kabog! :P

pauwi, hinatid ulit ako ng parents ni pol sa bahay. :) maraming maraming salamat talaga sa kanila. :)





03 January 2009

"i will never forgive you!"

first thing in the morning, i watched slumdog millionaire. :P nung isang araw pa ako sinasabihan ni pol na panuorin to pero ambagal ng net connection kaya kanina ko lang napanuod. at grabe! sobrang ganda. :) tama nga si pol nung sinabi niya sakin na nakakadala ung mga eksena. haha. nagustuhan ko ung musical scoring, cinematography at siyempre ung screenplay. natuwa din ako sa closing credits ng movie. parang filipino movie lang. :) haha. here's the trailer of slumdog millionaire.



dahil sa pelikulang yan e hinanap ko ung libro ko ng the three musketeers at may balak na akong tapusin siyang basahin. :P nung nahanap ko nga pala yan e nahanap ko na din ung iba ko pang magagandang libro so babasahin ko na din sila. :P haha. 3 books per month ang target ko. sana matupad. :)

spent the rest of day doing assignments. hay.

**

kumusta na kaya sina enrico and company sa amadeo? i hope they're okay.

19 December 2008

Japa-NICE



last day of classes para sa taong ito. di ko pa maramdaman na tapos na talaga dahil sobrang puyat ako. haha. ung tipong gusto ko ng humiga kung saan-saan.:P hay. tsaka di ko din sure kung makakapagbakasyon ba talaga ako nang walang iniisip na acads.:P yeh! para kaya yan. tamang chill, acads at pahinga ako ngayong break. =)

after magpasa ng devcom project diretso na kami ni pol sa SM para mag-lunch. dapat kasama namin si maris kaso busy ulit siya. haha. kumain kami sa karate kid.


natikman ko ulit sa wakas ang paborito kong kani sushi. =) kahit eto lang kainin ko everyday, keri lang. =) after kumain, stroll lang. bili ng magazine. tambay. nung dumating na parents niya umuwi na din ako kasi antok na antok na talaga ako.:P pagdating sa bahay, bagsak.:P

**

with ielee the jelly

Hindi kita makakalimutan dahil ikaw ang kauna-unahan kong aso. Ikaw ang pinakamalambing at mabait na aso, lagi akong pinapangiti, at laging akong sinasalubong sa aking pag-uwi. Naalala mo kapag binubuhat kita? Kung gaano ka kakulit pag nasa baba ka ay siyang bait mo pag binuhat na - parang batang pinaghehele ng ina. Sana maalala mo yung mga pag-aalala ko sa iyo lalo na noong bata ka pa, at kung paanong lagi kitang hinahabol sa banyo dahil gustong-gustong mong magpakabasa. Naalala mo noong napilay ka? Lagi kitang pinagdadasal sa Diyos na sana makalakad ka na. Naalala mo noong nilagnat ka? Kumuha pa kami ng damo sa labas kasi akala namin gusto mo lang ilabas yung hairball sa tiyan mo, kaso laking gulat namin noong pag-uwi namin maayos ka na. Naalala mo kahapon? Niloloko pa kita...kumakain ka ng tasty bread habang kumakain din ako noong sa akin. Naalala mo kapag kinukutuhan ka namin? Ang dami mo kasing pulgas...pero pagtiyatiyagaan namin kasi mahal ka namin. Naalala mo noong binuhat ka ni Mama at tinitigan ka niya sa mata? Niloloko ko si Mama noon...sinasabi ko na siguro iniisip mo na mukhang ewan si Mama. Joke ko lang naman yun.

Di ko akalain na ang masiglang pamamaalam mo noong umagang umalis ako para mag-exam ay siyang huli nating pagkikita...

Kasi nang umuwi ako...wala na yung mga tahol, wala nang maligalig, wala na yung excited mong mukha.

Wala nang laman yung dating maingay na harapan ng aming bahay.

Noong sinabi sa akin na patay ka na...ayaw kong maniwala.

...

Salamat sa lahat ng alaala.

Mamimiss ko lahat ng tungkol sa iyo.

Iiyak ako ngayon, pangako bukas masaya na ulit ako.

Kita-kits na lang sa patutunguhan mo...ikamusta mo na lang ako kay Lord.

Mahal na mahal na mahal kita. Paalam Krimo.


bago ako pumasok nabasa ko tong entry ni ielee sa multiply niya at naiyak ako. :( naalala ko ung aso namin na si Max. naging aso namin siya nug 6 years old ako. para ko siyang bodyguard.:P lagi niya akong sinusundan pag umaalis ako. kahit nung lumipat na kami ng bahay at nagcocomuute nako hinahatid niya pa din ako sa tric terminal. nawala siya samin nung 2nd year HS ako. katulad ni ielee, in-denial din ako nung umpisa. di ko matanggap na nawala na siya samin. di nga ako sumama nung nilibing siya kasi sobrang malulungkot talaga ako. buti na lang wala pa akong sakit nun sa puso kundi di ko na talaga kakayanin. hay. simula nun, di na ako nagkaroon ng favorite dog. :( para kasing wala ng hihigit pa sa ginawa samin ni Max. loyal talaga siya sa pamilya. :(

kaya ielee, i feel your pain. =) nung nagkita tayo kanina, kahit muka kang masaya alam kong nagluluksa ka. :( hay. masaya na sina Krimo at Max ngayon. =)

RIP Krimo.

18 December 2008

interview


nagpunta kami ni pol sa Makati para gawin ung devcom project. =) pinuntahan namin ung office ng SWAPP sa cityland. nag-taxi kami from baclaran hanggang dun kasi di namin alam kung pano ba talaga pumunta sa office. 250 ang siningil samin! lerkey. tapos nung nakarating na kami sa office, na-realize namin pareho na familiar ung place. :P haha.

pagdating namin sa office ng SWAPP wala pang tao kaya kumain muna kami. pagkabalik namin, may tao na kaso sinabi nung secretary na wala daw appointment ngayon si Sir Deo. e di nataranta kami kasi nagemail si sir kahapon na okay na daw tapos biglang wala pala. ayun. buti tinawagan nung secretary niya sa bahay tapos naging okay din. naghintay nga lang kami ng 2hours ata. :P sabi ng secretary matulog daw muna kami, edi natulog nga kami.:P haha.

11am, dumating na si sir. okay naman. interview na agad.


lunch sa aristocrat, MOA. nasulit ang bayad! :P haha. tapos sinuyod namin ang buong MOA para maghanap ng corporation/business na may envi program. ung Bantay Baterya sana ng ABS-CBN kaso di na kami kinontak ulit. :( ayun. kung saan saan kami nagpalakad-lakad, pinaikot-ikot hanggang sa nawalan na kami ng pag-asa kaya nag-SM bacoor na lang kami.

at nagtagumpay kami sa SMB! haha. yeah! nainterview namin sila tungkol sa Green Bag. =) ayos! pagkatapos na pagkatapos nun parang lumuwag ang pakiramdam namin.:P haha. success e! :P

nakauwi kami samin mga 730pm tapos nagdinner dito si pol. after nun, umuwi na din siya. tapos ako naman sinimulan ko na ung powerpoint presentation sa devcom.

grabe, karir ako sa paggawa ng presentation! haha. kung may trabaho nga na ang ginagawa e puro powerpoint, nako! magaapply ako dun.:P skill ko kasi ang paggawa ng ganun.:P yeah!

timecheck: 230am gising pa din ako. :P haha. waiting for maris and kiray.

17 December 2008

one day

technically last day na to ng class namin for the prelim period pero may ipapasa pa kaming project sa devcom on friday kaya di pa malubos ang pagsasaya namin para sa christmas break. tsaka feeling ko e hindi din naman ako magkakaroon ng break dahil madami pang dapat asikasuhin like thesis revision, defense preparation, assignment in broadjou, adman and ethics. haha. diba? ang goal ko ay tapusin lahat yan before 2008 ends para naman maganda ang pasok ng 2009 ko.:P haha. sabi kasi nila kung ano daw ung ginawa mo sa unang araw ng taon e un din daw ung madalas mong gagawin sa buong taon. haha. so ibig sabihin if i cram on the first day of the year, ill cram the whole year.:P parang ganun.

about the ICT exam,it was pretty easy compared to adman and devcom! haha. di ako na-devastate sa ICT so i hope that ill score high in the exam. =) after ICT, tambay lang. tambay galore like there's no devcom project.:P haha. ang saya namin nila drew,nebs,jill,wee,mariss,uge,pol and rai sa spag house. bigla kaming nagreminisce ng mga 1st year days namin! haha. love triangles, sexuality issue etc. =) grabe. FOUR YEARS. =) sarap ng kwentuhan namin kaya napatagal kami dun.:P nagpaalam na nga kami ni pol na aalis na pero napatambay pa ulit kami sa rotonda.:P ang saya talaga kasi. parang first time ngayong sem na nakatambay ulit kami. =)

around 2pm umalis na kami ni pol. for real na talaga. went to our house to do devcom. tambay lang din kami.

he headed home at around 430 tapos ako naman ay nagresearch for devcom at nanuod ng prisonbreak. =)

nung di ko napapanuod ung season 4 sinasabi nila drew at pol na hindi na daw masyadong maganda so hindi na ako nanuod pero dahil sa naiintriga na ako sa usapan nila e pinanuod ko na din. maganda pa din naman pala! haha. pero di kasing ganda ng season 1.=) however i still get carried away sa mga moments nila sara at scofield and surprisingly sa character ni mahone. i used to hate mahone pero sa 4 parang na-unfold talaga ung personality niya. basta, ang ganda lagi ng mga eksena niya! dalang-dala ako.:P haha. i cant wait to see episode 15! muntik na daw maiyak si pol dun e. haha.

it's not one day anymore. it's today.
-Scofield to Tancredi

gnyt!

16 December 2008

devastating

i had two exams today. adman and devcom.

sobrang nalulugmok ako sa adman. feeling ko babagsak ako sa subject na to. grabe. parang malas ako sa lahat ng advertising classes ko! ganito din sitwasyon ko nung adman1! tsk. nakaka-depress. ayoko na makita paper ko dun!

devcom is... devcom.:P haha. parang inexpect ko na kasi na challenging ung exam kasi si sir polo prof dun e.:P edman days palang sinanay na kami sumagot ng puzzles, crosswords. pero kanina nabobo ako sa wordoku! haha. naglalaro ako ng sudoku pero bihira lang kaya nahirapan ako buti na lang bonus question lang siya dahil kung un ung buong exam nako, wala na talaga akong masasagot. hay.

basta. goodluck sa results.

after ng devastation sa 2 exams, nagfood trip na lang kami ni pol. mangga, burger and fries.:P umuwi din kami ng maaga dahil puyat ako sa kakaaral.:P haha.

**

ganda na ng prisonbreak season4! exciting! =)

15 December 2008

quickie

Rundown of my whereabouts last week.

Thursday

adman and ethics. ma-drama ang ethics namin dahil may nangyaring di inaasahan. nakakagulat lang. naramdaman namin ng pahapyaw ang bangis ni RS. tsk tsk. hay.


after ng klase nag-wendys kami nila rai, ghene, elyse at pol.

Friday

may make-up class sa IT pero di ako umattend dahil inasikaso ko ung adman assignment ko. mga 2pm nasa school pa din kasi so we had to rush to arkeo because we have an interview with mr. popo diaz.

pol accompanied us kahit di namin siya ka-grupo. :P haha.


disaster ang MRT ride namin dahil sobrang daming bastos.:P ba naman e nagmamadali lahat! ika nga ni sunday, what's the rush? tska parang pag nasa MRT or LRT nawawalan ng manners ung mga tao. siksikan, tulakan, hipuan etc. hay.

5pm na kami nakarating sa arkeo. buti naman at nandun pa si sir. mabait siya! ang fun ng interview namin sakanya. =) na-inspire ako sa mga sinabi niya during our interview. impossible is nothing! haha.



surprisingly, mabilis lang ang biyahe pabalik sa dasma kasi walang traffic. haha. parang first time.:P

Saturday

i was supposed to do a volunteer work for magna kultura kaya lang nagkaproblema so it didnt push through. meeting din sana sa jjc kaso masyado ng gabi. kina pol ako natulog dahil mahirap sumakay pauwi sa dasma. tinuruan niya ako maggame cube! haha. first time! parang nahihilig nako sa mga computer games dahil sakanya.

Sunday

dapat uuwi ako ng maaga kaya lang hiniram ng grupo nila pol ung videocam ko para sa interview nila sa it. nabonding kami ni monica.:P


tapos mga 2pm pumunta kami kina pat para imeet si kare for the firewire. dumating din si mariss tapos nag-stay pa kami dun.


inabot kami ng dinner time kaya inalok kami ng family ni pat na kumain dun kaya lang we were too shy kasi inubos na namin ung wafers nila.:P haha. edi umalis na kami no? nung nasa kotse na kami biglang sabi ni pol, "sayang ung dinner! barbecue pa naman!" tapos lahat kami nanghinayang. in short, gusto pala namin talaga lahat makikain kina pat.:P PG! haha.

had to sleep over at paul's place again for video editing. first time kong magedit ng video using imovie.:P haha. actually, parang first time ko talaga magedit ng full length video.:P techno stupid kasi ako e. haha. pero astig a! ambilis ko natuto. feeling ko kelangan lang talaga ng matinding practice at pag-aaral para gumaling ako. =) try ko na talaga ung final cut.:P

**

nanalo nga pala si JC sa survivor phils! haha. i knew it! nabadtrip lang ako sa mga patutsada ni zita. hay. parang wala na sa ayos.

busy talaga ako ngayon kaya rundown na lang lagi ang mga entries ko.:P haha.


PS: photos courtesy of Paul Putong