08 December 2008

friendship overload

Timeline

Grade 5: jhe and rea (kagalit namin si milcah dahil maarte siya. haha.)

Grade 6: jhe, rea and milcah (bati na kami ni milcah dahil matalino pala siya)

1st year: jhe, rea and milcah again. naiirita kami kay au dahil englishera di naman tisay.:P

2nd year: jhe, rea, milcah and au and king (un o! haha. birth of alphagammabetatriga.:P)

mid 2nd year: jhe, rea, milcah and au (humiwalay si king dahil sa Alliance)

3rd year: jhe, rea, milcah, au, eloisa, ailene and ielee (pero solid pa din kaming apat.)

mid 3rd year: jhe, rea, milcah, au, ielee (humiwalay samin si ailene dahil nairita kami sa bf niya. si eloi naman humiwalay din pero nakalimutan ko na ung dahilan)

4th year: jhe, rea, milcah, au and ielee (pero iba na trip ni ielee nun. anime na.:P)

graduation-present: jhe, rea, milcah and au.

friendly akong tao pero konti lang ung pinagkakatiwalaan ko ng sobra-sobra. hindi kasi ako masyadong nagoopen sa ibang tao. =) haha. ilan sa mga pasok sa pinagkakatiwalaan ko ay sina jhe, milcah at au. (siyempre si pol din pero HS kadramahan entry ko to. loveyou!) sila ung tipo ng friends na kabisado ung liko ng bituka ko, takbo ng utak ko at nakakaintindi sa lahat ng toyo ko. sila ung tipo ng friends na kahit hindi mo laging nakikita e sigurado kang nanjan lagi sila pag may problema. through thick and thin talaga. wala pang naging bf ang tropa na hindi dumaan sa hotseat. at pag sinaktan, tepok kang lalake ka.:P haha.

madami na kaming napagdaanang unos at problema (classic ung kay au!) pero nanatili kaming matatag sa paglipas ng panahon. eto ung tropang hindi ko ipagpapalit sa kahit ano. kahit saang bansa pa ako makapunta, kahit sino pa makilala ko babalik at babalik ako sakanila. kahit may asawa na kaming lahat, kahit may anak na, kahit lola na siguradong gigimik pa din kami. ganun namin kamahal ang isat-isa. =)

nagplano si jhe dati na sumulat ng novel tungkol samin. ang title ng novel ay The Four of Us. kaso hindi na niya nagawa kasi busy siya sa nursing career niya kaya ako nalang siguro ang susulat. =) haha. cmon! :P



EK 2008 (First EK naming magkakasama)


BOOOO! haha.



May 2007. paglabas ni Au sa school niya


April 2007. First time ko sa Popoys.




nilanggam ang mga paa namin sa kuha na yan!





waiting for Jhe

19th bday ni Jhe sa KFC

sinugod si Jhe sa ER. may MVP din siya.


pyesta 2007


ngek. :P


basta. kung asan mang lupalop kayo ngayon, tangina magpakita kayo! haha.:P di. basta. alam nating mahal ang isat-isa. sapat na un para magtagal tayo. =)


PS: nahirapan akong magtype sa entry na to dahil inatake ako ng matinding palpitations. nangyayari to sakin pag sobrang emo ko na.:P haha. siguro mahina talaga ang puso ko sa mga ganitong bagay. :P

No comments: