11 December 2008

busy bee

dahil sa prelim exams na next week, nagsisimula na akong maging tensyonado. haha. tanggap ko na na hindi ako magkakaroon ng latin awards (cum laude etc) pero hindi ibig sabihin nun e magpapabaya na ako sa pag-aaral ko. gusto ko pa din namang makakuha ng distinction.:P kaya eto, mejo nagsisimula na akong mangarir sa pag-aaral. except sa broadjou dahil sobrang nasasabaw na ako sa subject na yan. interesting naman ung SUBJECT kaso may problema sa paraan ng pagtuturo.. hay.

basta sana ngayong prelim e top scorer ako sa lahat ng exams! (including ethics. :P haha!) haha. libre lang naman mangarap diba? kaya gow lang. mag-aaral ako ng mabuti para naman may chance pa ako sa academic dream ko! yeh!

**

napapansin ko na lumalakas ako kumain pag kasama ko si pol!! bakit ganun!!

**

gusto kong i-devote lahat ng saturdays ko ngayong december sa pagtulong sa kapwa. sinimulan ko na last saturday sa GK, this saturday sa Magna Kultura: Larong Pinoy naman, sa susunod baka sumama kami ni pol sa BJPC sa Virlanie Foundation tapos ung huli baka Magna Kultura ulit. wala lang. do a good turn daily. =)

**

patuloy pa din ang pagkahumaling ko sa devcom, sa katunayan nagdagdag nako ng mga badges, widgets sa right side ng page na to para ipakita ang suporta ko sa iba't-ibang organizations. check niyo din ung world hunger relief week site.

**

eto muna. =)

No comments: