nagkita kami ni pol sa SM. =) advance Christmas meet-up kasi sa 25 family naman ang kasama namin. ayun. nagikot-ikot kami sa mall para maghanap ng regalo kay kuya george. nung nawawalan na kami ng pag-asa maghanap kumain muna kami sa Wendy's. baka sakaling makaisip kami pag busog ang utak (at tiyan) namin. :P at effective nga! (weh. :P) kasi nakahanap na din kami sa wakas ng regalo para sakanya. =) sana magusuthan niya. =)
after nun, ikot ikot pa hanggang sa tumambay na lang kami sa parking lot. 630pm umuwi na din ako.
fast forward to misa de gallo.
sabi 11pm daw ang misa de gallo pero kumusta 12mn na nagsimula! :P haha. kalerkey. tapos nairita ako sa mga taong umattend ng misa. siksikan galore! ung tipong wala na ngang space sa loob ng simbahan e nagpupumilit pa din pumasok. ewan ko kung dahil un sa matinding faith nila or gusto lang nilang maki-usiyoso sa loob. basta. badtrip. parang MRT/LRT lang ang eksena. di na tuloy kami nakapasok. hay. 1am nasa bayan pa din kami. grabe. halos lahat ng tao sa labas e nakatulog na tapos kami ni roselle e nag maagang noche buena na -- chicharon. :P haha.:P ewan ko ba. nawawalan ako ng gana pag sobrang tagal. gusto kong makinig sa salita Niya pero dapat siguro gawing mas lively ng pari ung pagsesemon para naman mabuhayan ung mga tao at para na din maiwasan ung mga simbang tabi. (nasa simbahan nga pero tambay lang). hay.
so nakarating kami sa bahay mga 130am na. konti na lang kinain namin dahil sobrang antok na. gift giving. ang natanggap ko ngayong Pasko ay summer dress, perfume, necklace, The 5 people you meet in heaven book at pair of earrings. salamat sa lahat ng nagregalo. :)
Dec. 25
1pm nako nagising.:P haha. nanood lang saglit tapos diretso na agad kami sa SM Dasma para manuod ng iskul bukol. yeh! haha. excited talaga akong panuorin yan kasi laking iskul bukol ako.:P haha. although wala akong napanood kahit isang episode nun e lagi namang kinukwento sakin ng tita ko nung lumalaki ako na sobrang aliw daw ung kwento tsaka very entertaining talaga. wala. curious lang ako kaya gusto kong panuorin. pero as usual, pila forever sa SM cinema. pila sa tickets, pila sa popcorn na muntik pang magkaubusan at pila din sa pagpasok. hay. pagpasok sa loob, ganun din. walang maupuan. kaya naman naubos ko na ung popcorn ko bago pa kami makaupo. hay.
about the movie, okay naman siya. the usual TVJ humor. pero benta sakin ung mga banat ni Jimmy!
Big J: senores, the afternoon are back!
J. Escalera: what afternoon?
Big J: the afternoon! (panicking)
tapos pinakita dun ung mga Japanese. :P haha. Hapon = Afternoon. :P
pagkatapos ng movie, namili ako ng damit sa Jewels. 100/pc! yeh! tapos dinner sa shakeys. =)
ambagal ng service nila! pero dahil sa Christmas ay naging kalmado lang ako. :P haha. heaven talaga ang buffalo wings at mushroom soup. =)
nanuod din kami ng fireworks display. kahit umuulan ng bonggang bongga madami pa ding lumabas. haha. worth it naman dahil bonggang bongga din ang fireworks!
**
News Flash:
Tinatayang 80, 000 katao ang dumagsa sa Star City ngayong araw ng Pasko.
Tinatayang 80, 000 katao ang dumagsa sa Star City ngayong araw ng Pasko.
**
masaya ako ngayon, sana kayo din. =)
Merry Christmas!
Merry Christmas!

No comments:
Post a Comment