Showing posts with label movie. Show all posts
Showing posts with label movie. Show all posts

22 August 2009

Spirit of Adventure


pinanood namin ni pol ung Up kahapon. at tama nga ung mga reviews na nabasa ko, maganda talaga ung movie. :) nakakaiyak din kaso di ako nakapag-emote nang todo dahil badtrip ung mga batang katabi namin! sobrang likot, sobrang ingay, hindi mapirmi sa upuan at tanong nang tanong kung ano nangyari sa bida blah blah, sarap sabihan ng "panoorin mo kasi!" pinatulan? haha! ^_^ pero dapat talaga sinaway un ng magulang /guardian niya kasi hindi lang naman sila ang nanonood dun. tsk tsk.

anyway, favorite part ko ng movie ung *Warning: Spoiler Alert!* tiningnan ni Carl ung My Adventure Book ni Ellie tapos nakita ni Carl sa 'Stuff I'm Gonna Do' part ung mga pictures nila ni Ellie nung kasal na sila. nakakadurog din ng puso ung note dun na, "Thanks for the adventure! Find a new home now." :( awww. para pala kasi kay Ellie, greatest adventure niya ung pagpapakasal kay Carl. hay.. so sweet.

na-inspire ako sa Up. :) para sakin, ang message ng story ay it's never too late for anything. people should not stop believing in the beauty of their dreams because they can still have the greatest adventure of their lives even at old age. yeh! :)


**


lately, trip namin ni pol manood ng mga asian films. napanood na namin yung Windstruck at My Sassy Girl. tapos kanina naman pinanood namin ung Spirited Away. may tatlong teorya ako (na pabor sakin.:P bwahahahaha!) kung bakit to dinownload ni pol: 1. adik ako sa anime at sa mga pambatang palabas kahit 20 nako. ; 2. nabanggit ko sakanya na magaaral ako ng Nihonggo soon. ; 3. Trip lang. hahahaha!

balik sa movie. :P mala-Alice in Wonderland ang tingin ko sa Spirited Away. hawig sila ng plot pero mas nagustuhan ko ung characters at ending nito kesa Alice in Wonderland. tapos nabasa din namin sa wiki na:

The film received many awards, including the second Oscar ever awarded for Best Animated Feature, the first anime film to win an Academy Award, the first (and so far only) non-English speaking animation to win, and the only winner of that award to be traditionally animated or win among five nominees (in every other year there were three nominees). The film also won the Golden Bear at the 2002 Berlin International Film Festival (tied with Bloody Sunday). Spirited Away overtook Titanic in the Japanese box office to become the highest-grossing film in Japanese history.[1]

o ha. panis ang Titanic sakanila. :P hahaha.

mukang pambata ung movie pero may mga malalalim ding issues na tinatalakay gaya ng sa environment, Japanese culture.

Haku-Chihiro fan na ako! hahaha! :P

24 July 2009

Cinco Dos



nag-Cinemalaya ulit kami ni pol nung wednesday. movie marathon. :P watched Dinig Sana Kita (315) , Walking the Waking Journey (615) and Astig ( 9).


Dinig Sana Kita (Mike Sandejas)


A love story between a deaf boy (Romalito Mallari) who loves to dance and a troubled rocker (Zoe Sandejas) who abuses her hearing.
first impression ko dito, boring. :P ang gusto ko talagang panoorin sana ay Engkwentro kaya lang sabi ni Elmer kay pol okay daw edi gow na. at totoo nga ung 'review' ni Elmer. maganda ung movie. simple lang pero makabuluhan. kung di ako nagkakamali, eto ang first pinoy indie film na nagpaiyak sakin. :) tagos sa buto e! lalo na ung bandang patapos na! solid na solid ang tama.:P hahaha. natalakay din dito ung estado ng SPED sa bansa. madaming mga teachers ang napipilitan umalis ng bansa kasi walang suporta galing sa gobyerno. ayun.

habang pinapanood ko ung movie, naisip ko na sobrang galing umarte ni Kiko (Romalito Mallari) bilang bingi. parang sanay siya mag-sign language. naisip ko na baka matinding workshop/immersion ang pinagdaanan niya para magampanan ung role yun pala totoong deaf siya at totoong abandoned child pala siya. :( at ang Dinig Sana Kita ay ang message in a bottle niya para sa tatay niya na di pa niya nakikita. awww.

with Kiko. :)

bukod sa maganda ang pelikula, maganda din ang OST. :)

Walking the Waking Journey (Documentary)

tungkol sa pagpupursigi ng mga Himalayan kids na makapagaral. isipin mo, mula sa village nila 6-10 hours (for 16 days!) silang naglalakad sa bundok (18,000 ft above sea level!) para lang makarating sa school nila! ang they're only 5, 10 years old. grabe. may isa pa nga dun, baby palang sinasama na sa journey. lahat to tiniis nila kasi may pangarap sila sa buhay. :) good documentary. di lang win ang narration dahil nakakaantok. :P

Astig (GB Sampedro)


The film tells the stories of the tough guys of Manila and their resolve to survive the dirt and film of the "Distinguished and Ever Loyal City"

hmm. quite disappointing. mas okay sana kung nagfocus na lang sila sa 1 social issue. mas magiging malalim kasi ung message pag ganun or siguro hindi lang talaga nila na-execute nang tama kaya parang wala masyadong dating.. ayun. sana tinanggal na lang nila ung istorya nung 2 pang character at nagfocus na lang kina Sid Lucero, Glaiza de Castro at Dennis Trillo (Dennis in a different light. :P barumbado siya dito. :P) oh well. pero maganda ang OST at cinematography. :)

**
sana mapanood ko pa ung mga ibang pelikula sa Cinemalaya kaso hanggang Sunday na lang e.:P

**
nag-clearance kami ni pol kanina. pahirap talaga tong CAD clearance. kung walang ganun, tapos na kami. grrr.



20 July 2009

Tour and Movies

July 19

Old Manila Walks

isa ako sa mga pinalad na makasama sa joint project ng Youth Trip Philippines at One Tama-- free walking tour sa Intramuros. akala ko talaga wala na akong chance na makasali kasi late ko na nakita sa facebook, ayun. buti naman nakahabol pa ako. :P hahaha.

One Tama rep and Ivan ManDy

230pm ang assembly time sa Plaza Roma. wala akong kakilala kahit isa sa mga makakasama ko sa tour, even the organizers di ko pa talaga kilala. kaya stalker mode ako. :P sinusundan ko ung mga mukang turista sabay tanong kung kasama sila sa tour. hahaha. buti ung mga natanong ko, kasama talaga. yeh! nung nakumpleto na kami (40+ tourists), gow na agad sa tour. nga pala, ang tour guide namin ay si Ivan ManDy.

San Agustin Church

na-refresh ang Phil. History ko habang bumibisita kami sa ibat-ibang lugar sa Intramuros. parang bumalik ako sa 1521 nung pinuntahan namin ang San Agustin church museum, Manila Cathedral, WW2 crypt, Casa Manila. pag nakapasok kayo sa San Agustin museum, pansinin niyo ung mga ibang santo nila. Hispanic in nature pero mga singkit ang mata nila. :P (imagine Mama Mary na singkit). kaya pala ganun ung pagkakagawa sakanila kasi mga Chinese sa Binondo pala ang umukit ng mga un. :P haha. dati daw kasi sa mga Chinese nagpapagawa ung mga prayle ng mga santo. e dahil sa Buddhist ang mga Intsik wala silang idea kung ano ba talaga ang itsura nila Mama Mary, Jesus Christ kaya pinattern na lang nila sa mga Buddhist Gods ung itsura. haha. share lang. :P

claire, regina, me and Jochem

nakakaaliw kasi mas maapreciate talaga natin ung isang bagay pag madami na tayong nalaman tungkol sa bagay na yun. bukod sa madami na akong natutunan, madami din akong naging friends. :)

okay na first to para saking mahilig mag-travel. magsimula sa malapit bago lumayo. woooh! sana eto na din ang sign na matutuloy lahat ng travel plans ko this year. ;)

anytime this month, sa Binondo naman ang trip ko. :P

**
pagkatapos sa Intramuros, dumiretso na ako sa CCP for Cinemalaya Cinco.




nakasama ko naman dun sina Ivan, Valerie, Jill, Pol, Mariss, Ghene, Rai at Elyse. napatagal ang kain namin sa Dencio's kaya Shorts na lang ung naabutan namin.

personal favorites ko ang Tatang (social issue) , ung thesis ng UPFI students na nanalo din sa Indie Un-Film (nakalimutan ko na title. shocking ang plot twist! kinilabutan ako! hahaha. ) at Wat Floor Mam (satire). eto ung first time ko na makapanood ng mga shorts.:P haha.

nastarstruck ako kay Nikki Bagaporo. pero mas malupet si Elyse! talagang chinika pa niya. "may kasama ka ba?" FTW! hahaha! aliw lang. gusto ko din sanang chikahin si Robert Sena (isa sa mga direktor ng Wat Floor Mam) kaya lang nahiya ako. :P tsaka sayang kasi di namin naabutan ung gala ng Astig. oh well.

if you have lotsa free time this week please head on over to CCP. Support Filipino Indie films. Watch Cinemalaya. :)

**
medyo late na nakauwi kaya dito na natulog si pol sa bahay. bago siya umuwi kanina, nag-date pa kami sa SM Dasama. <3






27 June 2009

Good and Bad

Bad

'King of Pop' Michael Jackson dies
Updated: 6/26/2009 9:48 AM
By: Associated Press

LOS ANGELES -- Michael Jackson, the record-breaking, sensationally gifted “King of Pop” who emerged from childhood superstardom to become the entertainment world's most influential singer and dancer, and the tabloid world's most disturbing celebrity, died Thursday afternoon. He was 50.

Jackson's brother Jermaine said at a hospital press conference that it's believed that the pop star died of cardiac arrest.

kahit hindi ako ni MJ nalulungkot pa din ako sa nangyari. biglaan kasi. :( pero kahit ganun habambuhay na maalala ng mga tao ang musika niya.

Ilan sa mga paborito kong kanta niya ay Bad, Remember the Time, Black and White, Smooth Criminal, I'll Be There, Beat It at Billie Jean. at siyempre all-time favorite pa din ang kanyang moves na Robot at Moonwalk. wala ng makakatalo dun. :P haha.

RIP King of Pop.

Good

nanood kami ni Pol ng Transformers 2 nung Thursday. mas nagustuhan ko siya kesa 1 kahit sobrang bagal ng pacing. :P na-realize ko din na kamukha ni Megan Fox si Ruffa Gutierrez. :P hahaha.

nag-shoot na din kami ni Pol for Bread Talk Photo Contest nung Friday. simple lang yung concept namin. :) sana talaga manalo kami ng trip to Japan!

tapos kanina, nag-staff meeting ang LINK. na-redirect kami kasi may mga concerns ang aming publisher. cancelled na ang June issue. diretso na kami for July. mas okay kasi di kami naghahabol. wooh. sana mairaos namin ang maiden issue. :)




10 May 2009

Post-its

Saturday

watched Star Trek with Paul.


the best ang opening scene! powerful talaga. sa sobrang powerful naiyak ako. :P haha. seryoso. ang galing! ang ganda ng pagkakagawa. di ako mahilig sa star trek pero na-enjoy ko talaga ung movie. :)

sinimulan ko na din basahin ung Twilight. :)

Sunday

happy mother's day!


tita vangie, baby JP, ate gemma, mom

18 March 2009

on lamberto avellana

hindi na Gawad Tala kundi Lamberto Avellana Student Video Awards na. kaya ba iniba na yung pangalan ng awards night ay dahil iba na din ung tawag sa Media Production subject? hmm. wala lang. :P anyway, kaya kami nandun kasi magppresent na award sina pol at nebs. sila kasi ung nanalong best director last year in their award-winning film, Derby. yeah! :) saglit lang ung program. kasi mga 4 na kami nakarating dun, hintay lang saglit ng turn nila pol. nung inannounce ung best short film, okay na. :P may araw pa nga nung natapos e! samin, diretso party sa dahab! woooh! :P

di ko masyadong trip ung ibang winners. napanood ko kasi ung mga gawa nila at nakita ko naman kung alin dun yung may potensyal na manalo. sa tingin ko, Diday dapat ang best short film. iba kasi ung atake niya. hindi pa-cute, hindi kababawan. sinasalamin niya kung ano talaga yung nangyayari sa society. kung kukumpara mo yung Diday sa Dreaming in Metaphors, wala e.. kaya nagtataka talaga ako kung bakit walang nakuhang award ung Diday.. too much violence? escapist ba masyado yung judge at gusto niya yung mga feel good movies? ewan ko. kaya siguro ganito yung pamantayan ko sa 'kagandahan' kasi nasanay ako dati kay Sir Elvin na puro may social relevance yung pinapapanood niya.. hay. oh well. wala na e. :P

sa mga nanalo, challenge yan sa inyo to do better. wag kayong petiks jan na feeling niyo sobrang galing niyo dahil lang sa nanalo kayo. patunayan niyo na mas may igagaling pa kayo. sa mga hindi naman pinalad, wag kayong malugmok jan at mag-emo na parang katapusan na ng mundo.:P doblehin pa ang pagsisikap sa susunod. yeah! hamunin niyo lagi yung sarili niyo para mas maganda yung output. :)



pol and nebs. smoke effect.


best director, Dianne Faye. :)

best cinematography. aiko.

livewire

banda nila barney

**

Side stories:

* na-late ako sa graduation practice. dulo na yung naumpisahan ko. :P haha.
* sumama ako kina nebs, pol, drew at sunday mamili ng damit nila para sa grad. nalaman ko na maarte pala si drew sa pagpili ng damit. :P
*nanlibre si nebs ng ice cream! wooh!
*nanuod kami ng Sundo! haha! scary! (duwag kasi ako e. :P)
*kahit wala na kaming pera ni pol ay pinilit pa din naming kumain sa Bacolod Chicken House. :p haha.

17 March 2009

tidbits

nanood kami kahapon ng mga short films ng 3rd year. notable ung despedida at diday! ung despedida, gay love. nung pinalabas nga yun, hiyawan nang hiyawan ung mga tao kasi sobra talaga. chorba kung chorba. :P haha. ung bida pa dun hawig ni ely buendia kaya nadi-disturb talaga ako. :P haha. yung diday naman, the best. nagawang i-direk ni liby si Dr. Pil Garcia! at challenging ang role ni sir a. drug pusher.:P o ha! tapos ang galing nung bata na gumanap na Diday! iyak kung iyak. :P kaya lang dapat may psychologist silang kasama nung nagshshoot kasi ung ibang eksena dun parang nakakatrauma sa mga bata. hay. pero congrats libay! hindi man manalo ung short film mo, winner ka sakin. ang ganda. :)

kina pol ako natulog kagabi para tapusin ung mga kulang sa thesis (abstract, acknowledgement etc.)

kanina naman, nagmadali kami ni pol na pumunta sa school kasi may alumni orientation ng 9am. nakarating kami sa school ng 10. kala ko tapos pero nung pagakyat namin, Lupang Hinirang pa lang. :P haha. tapos edi un na no, mga 30mins pa lang e tapos na agad! mas matagal ung byahe namin papunta kesa dun sa seminar! hay. dami nga din di nakaabot dun e. :P

**

sa apat na taon ko sa la salle, kanina ko lang nakausap si ritz. com din siya pero never kaming nagkaroon ng chance na magkausap. kahit hi-hello lang. di ko alam kung bakit. hanggang sa kanina sa waam, bigla na lang kami nakapag-usap. simpleng starter lang na, "magkano ung babayaran niyo sa editing?". kala ko nung umalis kami ni pol sa waam tapos na ung conversation naming 3. di pa pala kasi nakasabay din namin siya sa LLD. nung si ritz na ung kumakausap sa secretary ng lld nagkaroon ng konting sigalot. nagtanong kasi siya sa secretary kung bakit kasama pa sa editing ung transcription e sabi naman sa CAD hindi na, tapos biglang sumingit ung isang prof dun na nagalit sa "kabastusan" ni ritz. labo. edi bumamba kaming 3 sa CAD. dinamayan namin siya magreklamo. kinausap niya si APR. kala ko pagtatanggol na ni APR si ritz kasi pumunta sila ng LLD e kaya lang wala ding nangyari. sabi pa ni APR,"e ikaw naman pala tong may kasalanan e." hay. kinausap din ni ritz ung chair ng lld kaso wala talaga. talo. grabe no. minsan ko lang makausap si ritz sa ganung sitwasyon pa. :P tsk tsk.

**

nanlibre si pol sa shakeys. birthday blowout niya.:P haha. natuloy na din ung bonding namin nila mel at marianne! its been a while. :P wala pa ding nagbago, adik pa din kaming lahat. :P haha. kelan kaya mauulit to? :)





**

nagpa-straight na ng buhok si mon! haha! girl na girl na!

**

spotted. :P


10 January 2009

Loooveee




inlove na inlove ako ngayong araw na to. :P ung tipong paggising ko napupuno ng care bears ang paligid. haha. kahit stressed ako sa thesis atbp, gow lang. :) siguro dahil sa malamig ngayon kaya ako nagkakganito? :P haha.

**

ayun. dapat pupunta kami sa school ngayon para ipa-check kay sir artin ung revised chapters 3-5 namin at ung tarp design kaya lang di na kami natuloy dahil may problema sa pagkakasave nung tarp design. e mga 3pm na din un, baka di na namin maabutan si sir..kaya ang plano, ipapolish na namin ngayong weekend ung chapters 3-5 para sa monday, okay na.

gagawa sana ako ng script namin sa radio drama kaya lang wala akong maisip na concept para sa gay love. :P haha. kaya pinanood ko na lang ung hana yori dango final. :) sa streaming ko siya pinanood dahil either nagkamali ako ng url ng fansubs or di ko lang siya alam kung pano gamitin. :P at himala, ambilis lang magload nung sa streaming! yey. :)

Warning: the following comments may contain spoilers

negative comments muna tungkol sa hana yori. hmm. parang walang script continuity ung mga ibang eksena tsaka di na kapani-paniwala. alam kong dapat mejo magical ang dating niya but not to the extent na beyond human capabilities na ung pinapakita. examples:

a. napatumba ni Makino ung bear na umatake sa kanya sa gubat sa pamamagitan ng pagsuntok. o ha! tapos di pa siya ung suntok na alam mong nandun ung kalaban. ung pagkakasuntok niya ay parang aksidente pa. hmm. sobrang lakas naman ata niya? :P

b. nag-drive lang sina Makino at Tsukasa from Tokyo to Las Vegas. hindi ko alam kung mali ung interpretation ko dito or may nakaligtaan akong dialogue pero ang nabasa ko lang kasi e tinanong ni Makino si Tsukasa kung bakit di sila nagairplane. ang sagot lang ni Tsukasa e dahil daw madedect ng kalaban kung nakaalis na sila sa bansa. hmm.

c. pano naman nakarating sa isla sina Makino at Tsukasa? amazing.

d. nakakapagpalit pa ng damit sina Makino at Tsukasa sa isla. (baka madami silang dala? :P)

e. ang nagkasal kina Makino at Tsukasa ay si Rui. haha.


pero, kinilig ako sa last 16mins (part 8 sa streaming)! haha. nung nagkiss sina Makino at Tsukasa, halos mabaliw nako dito. :P haha. tapos cool ung moral lesson na hindi kailangan ng materyal na bagay or mga kasabihan para magkatuluyan ang isang tao. yeh! lastly, tumbling nako dun sa last part. ung nasa island sila tapos sinabi ni Makino na buntis na siya. :) yeh! haha. sana ganun din mangyari sakin. :P haha. (may ganun? :P)

hana yori dango is too good to be true but i love it. :)

pinanood ko din ung til i met you sa GMA. kaya lang mga pahapyaw lang kasi nagiinternet ako e. :P okay ung strategy ni mark reyes. kala ko hindi na nagkatuluyan sina regine at robin kasi closing credits na pero hindi! may 'one year later' pa pala. :P galing. :)

yeh! tapos bago matulog magbabasa ako saglit ng love in the time of cholera. :P haha. love love love love. :)

09 January 2009

rollercoaster

Thursday

advertising management prelim exam result: 1.5.

pucha. depresyon! pero expected ko na din. alam ko namang puro mali ung sagot ko dun sa last part ng exam. hay. pero kaya yan! may prelim at finals pa. sana makabawi kami sa ad campaign. :) sabi pa naman ni sir BAKA daw samsung LCD TV or 20, 000 pesos ang premyo sa best campaign. o ha!

quick lunch after class. then went to the library to study. Ethics kasi e. :P bingo na ata kami kay RS kaya halos magpaka-abogado na kami sa pag-aaral ng Revised Penal Code at ibat-iba pang republic act, presidential decree at batas pambansa. si van nga daw e christmas pa lang nagaaral na.:P yeh!

nung nasa klase na, nagkaroon ng countdown. 110pm kasi wala pa si sir. e may school policy na wala ng klase pag 45 mins (for 1 1/2hr class) ng late ang prof. so ayun. feeling ko lahat may gusto na sana nga un na ung mangyari at natupad nga! wala si sir. masaya kasi naalis ung kaba pero malungkot din kasi we're behind sched na naman at lalo pang tumagal ung pressure. hmm.

dahil sa wala ng klase, nagmeeting muna kaming mga malulupit na tinig para sa radio drama namin. cool ng story ni drew! haha. gay love! cmon! haha. kay DREW pa nanggaling a. :P tapos tawa ako ng tawa sa theme song ng program namin.:P pag inexcute na namin ung drama, paparining ko sa inyo. :P

tumambay din kami saglit si kubo. daming alam na games ni pao! ung mga "bibili ako sa landmark ng.." logic games pero ung iba joketime lang.:P masaya din. :)

uwi sa bahay para kumuha ng gamit (overnight ako kina pol) tapos punta sa SM para kumain sa wendys. :) maaga din kaming umalis dun dahil ayokong magdrive nang gabi lalo na pag umuulan. kaya lang wala din. dahil traffic sa gen.tri. nakapanood na nga kami ng slumdog millionnaire sa laptop ko dahil sa sobrang traffic! kung di lang siguro nalobat un malamang natapos ung movie sa sobrang traffic! haha.

pagdating kina pol nagpoker muna kami. :P tinuruan niya ako maglaro at dahil dun naubos pera niya. :P haha. nagjojoke din ako ng mga pangalan ng cards. napansin ko kasi na may mga pangalan ung pair, tulad ng 84 - Orwell (author si George Orwell ng 1984), 2K (millennium). ung sakin pag 56 - Bumbay tapos pag 18 -Debut. haha. corny pero may point diba!

at finally thesis mode. wooh! gow!

Friday

di ko alam kung anong oras umalis si pol pero paggising ko wala na siya (drama e.:P). pumunta kasi siya ng dad niya sa LTO para magparenew ng license tapos naiwan ako sakanila kasi gumagawa ng thesis. nag-bonding kami ng mom niya over lunch. ang saya! nag-share siya ng experience niya nung pinagbubuntis niya si pol.:P haha.

230 ata nakabalik na sina pol sa bahay.

3pm umalis na kami papuntang SM dasma para manood ng bedtime stories (hindi ung X rated a! ung Disney! :P). okay naman ung movie. average lang at siyempre pambata talaga. :)

8pm nasa bahay na ako. :)

**

grabe ung prusisyon ng black nazarene no? almost 12 hours! tapos 3 million ang nandun. wow.


03 January 2009

"i will never forgive you!"

first thing in the morning, i watched slumdog millionaire. :P nung isang araw pa ako sinasabihan ni pol na panuorin to pero ambagal ng net connection kaya kanina ko lang napanuod. at grabe! sobrang ganda. :) tama nga si pol nung sinabi niya sakin na nakakadala ung mga eksena. haha. nagustuhan ko ung musical scoring, cinematography at siyempre ung screenplay. natuwa din ako sa closing credits ng movie. parang filipino movie lang. :) haha. here's the trailer of slumdog millionaire.



dahil sa pelikulang yan e hinanap ko ung libro ko ng the three musketeers at may balak na akong tapusin siyang basahin. :P nung nahanap ko nga pala yan e nahanap ko na din ung iba ko pang magagandang libro so babasahin ko na din sila. :P haha. 3 books per month ang target ko. sana matupad. :)

spent the rest of day doing assignments. hay.

**

kumusta na kaya sina enrico and company sa amadeo? i hope they're okay.

02 January 2009

siyete



7 months na kami ni pol ngayon. :)

nag-date kami sa MOA. nanood kami ng Dayo. inasahan ko na madaming manonood kasi holiday pa din e pero nagkamali ako! haha. pagpasok namin sa cinema 1 ay mabibilang mo sa kamay kung ilan lang ung tao sa loob. :P haha. which reminds me of the festival mall cinema horror story pero wala lang un. tinatakot ko lang sarili ko. :P

nagandahan ako sa Dayo. :) hanggang ngayon di pa din ako makaget-over sa eksena nila vicky at nung tatay ni ana. laughtrip talaga! ang cool din ni narsi. :P rakenrol! haha. na-disturb lang ako ng konti kasi madaming ad placements sa movie pero naintindihan ko naman kasi natutunan ko sa film appreciation at media production subjects ko na mahal talaga gumawa ng animation. so kailangan talagang maghanap ng sponsors para matustusan ung pre hanggang post-prod ng pelikula. tsaka mejo naguluhan ako sa moral lesson na pinakita sa movie. may point naman kasi ung kalaban (malalaman niyo din pag pinanood niyo) tapos inatake pa din nung bida. e samantalang may kasalanan naman talaga ung bida. hmmm. pero sa kabuuan, nag-enjoy ako sa Dayo. :)

pagkatapos manood, naghanap kami ng makakainan. tagal din naming nagikot! haha. choosy kasi kami e.:P nakapanood na kami ng fireworks, nakapunta sa books for less pero wala pa din kaming napili. hanggang sa nawalan na kami ng pag-asa at pumasok na lang kami sa world of chicken. mababa lang expectations ko dito. kala ko parang chicken company na puro fried lang but i was wrong! panalo pala ang pagkain nila dun! naging holen sa laki ung mata ko nung matikman ko ung inorder namin! haha. parang ung nangyayari sa anime. :P ganung ganun! :P haha. parang pang-commercial nga ako kumain e, nilalasap bawat kagat. :P haha. basta. isa na siya sa mga favorite kainan ko/namin. :)




tapos bumili ako ng jurassic park at lost world na libro sa book sale. parang mas at home ako sa booksale kesa sa books for less?

10pm na kami nakauwi sa bahay. nagpusoy dos muna kami (adik na din ako e. :P) tapos tinuruan ako ni pol mag-poker bago siya umuwi. :) haha.

happy 7months pol! iloveyou. :)

share ko lang ang makapagbagbag damdaming theme song namin ni pol. seryoso. :P



Note: pictures from Paul Putong

25 December 2008

paskong ka'y saya

Dec. 24

nagkita kami ni pol sa SM. =) advance Christmas meet-up kasi sa 25 family naman ang kasama namin. ayun. nagikot-ikot kami sa mall para maghanap ng regalo kay kuya george. nung nawawalan na kami ng pag-asa maghanap kumain muna kami sa Wendy's. baka sakaling makaisip kami pag busog ang utak (at tiyan) namin. :P at effective nga! (weh. :P) kasi nakahanap na din kami sa wakas ng regalo para sakanya. =) sana magusuthan niya. =)

after nun, ikot ikot pa hanggang sa tumambay na lang kami sa parking lot. 630pm umuwi na din ako.

fast forward to misa de gallo.



sabi 11pm daw ang misa de gallo pero kumusta 12mn na nagsimula! :P haha. kalerkey. tapos nairita ako sa mga taong umattend ng misa. siksikan galore! ung tipong wala na ngang space sa loob ng simbahan e nagpupumilit pa din pumasok. ewan ko kung dahil un sa matinding faith nila or gusto lang nilang maki-usiyoso sa loob. basta. badtrip. parang MRT/LRT lang ang eksena. di na tuloy kami nakapasok. hay. 1am nasa bayan pa din kami. grabe. halos lahat ng tao sa labas e nakatulog na tapos kami ni roselle e nag maagang noche buena na -- chicharon. :P haha.:P ewan ko ba. nawawalan ako ng gana pag sobrang tagal. gusto kong makinig sa salita Niya pero dapat siguro gawing mas lively ng pari ung pagsesemon para naman mabuhayan ung mga tao at para na din maiwasan ung mga simbang tabi. (nasa simbahan nga pero tambay lang). hay.

so nakarating kami sa bahay mga 130am na. konti na lang kinain namin dahil sobrang antok na. gift giving. ang natanggap ko ngayong Pasko ay summer dress, perfume, necklace, The 5 people you meet in heaven book at pair of earrings. salamat sa lahat ng nagregalo. :)

Dec. 25




1pm nako nagising.:P haha. nanood lang saglit tapos diretso na agad kami sa SM Dasma para manuod ng iskul bukol. yeh! haha. excited talaga akong panuorin yan kasi laking iskul bukol ako.:P haha. although wala akong napanood kahit isang episode nun e lagi namang kinukwento sakin ng tita ko nung lumalaki ako na sobrang aliw daw ung kwento tsaka very entertaining talaga. wala. curious lang ako kaya gusto kong panuorin. pero as usual, pila forever sa SM cinema. pila sa tickets, pila sa popcorn na muntik pang magkaubusan at pila din sa pagpasok. hay. pagpasok sa loob, ganun din. walang maupuan. kaya naman naubos ko na ung popcorn ko bago pa kami makaupo. hay.

about the movie, okay naman siya. the usual TVJ humor. pero benta sakin ung mga banat ni Jimmy!

Big J: senores, the afternoon are back!
J. Escalera: what afternoon?
Big J: the afternoon! (panicking)

tapos pinakita dun ung mga Japanese. :P haha. Hapon = Afternoon. :P

pagkatapos ng movie, namili ako ng damit sa Jewels. 100/pc! yeh! tapos dinner sa shakeys. =)


family pic



super favorite



gusto ko lang ilagay. :P haha.

ambagal ng service nila! pero dahil sa Christmas ay naging kalmado lang ako. :P haha. heaven talaga ang buffalo wings at mushroom soup. =)

nanuod din kami ng fireworks display. kahit umuulan ng bonggang bongga madami pa ding lumabas. haha. worth it naman dahil bonggang bongga din ang fireworks!


**

News Flash:


Tinatayang 80, 000 katao ang dumagsa sa Star City ngayong araw ng Pasko.

**

masaya ako ngayon, sana kayo din. =)

Merry Christmas!

26 October 2008

the weekend report


huling enrolment ko na nung friday. haha. 1 sem to go! =) hanggang sa pagpapa-encode lang ako ng reg form dahil wala pa akong pang-enroll.:P na-delay ang padala ni daddy samin. hay. pero okay lang. =) inabot kami ng 2 hours. after nun, bonding with kare and chrissie. hay. may nalaman akong nakakalungkot. :(



File photo, Bugis Junction, Singapura

after nun pumunta kami ni pol sa MOA para manuod ng high school musical 3! haha. grabe! ang tagal ko ng sinasabi sa kanya na DAPAT sa MOA kami manuod para maganda ung quality. hanggat maaari imax kaso mahal un tsaka di pa available sa imax. haha. alam kong mejo corny ako pero gustong gusto ko talaga ung HSM! mahilig kasi ako sa musical kaya kahit mababaw lang ung story, effects etc, kiber lang. =) natuwa din ako kasi kahit alam kong ayaw ni pol ng mga ganitong pelikula e sinamahan pa din niya ako. (no choice siya.:P)

about the movie, awesome! kagaya ng inaasahan ko, itotodo na lahat ng kanta, choreography at set design sa 3. cool! umpisa pa lang astig na! haha. heart pounding. =) more kilig moments sina gabriela and troy! =) haha. napa-wow ako sa choreography nila chad at troy sa the boys are back at napaiyak ako sa speech ni troy sa graduation nila. "once a wildcat, always a wildcat." =)

i enjoyed the movie and surprisingly na-enjoy din ni pol. =) yey! haha. mas adik na siya sakin ngayon sa HSM. =)



pagkatapos ng HSM, stroll saglit, bili ng sapatos niya tapos dinner sa Mongolian quick post. ayos talaga ang mongolian food! panalo. :P di pa ako nakuntento sa mongolian, bumili pa ako ng fish and fries sa Church's chicken. haha. masyado akong naakit ng itsura niya kaya napabili ako. =) okay lang naman ung lasa pero mas okay pa din ung sa Fish and Co. =)

papunta sa parking lot, nakasalubong namin ung mga pinsan at pamangkin ni pol. they were having their field trip. =) cool! mukha silang mabait. =)

traffic pauwi. haba ng byahe namin pero masaya. dun ko lang nagets ung message ng kantang your universe. =)

I don't think that you even realize
The joy you make me feel when I'm inside
Your universe
You hold me like I'm the one who's precious
I hate to break it to you but it's just
The other way around
You can thank your stars all you want but
I'll always be the lucky one
**

nung weekend naman pinanood ko ung Prisonbreak season 3 at Heroes Season 2. sobrang lupit ng prisonbreak! nakaka-tense ang bawat eksena e pano ba naman kasi scary sa Sona! nakakaawa ung role ni sucre dun. :( tapos nakakaawa si Lechero nung bandang huli. hay. makaka-relate na ako sa kwentuhan nila drew, ivan at pol. =) yeh! ung sa Heroes naman, grabe. sobrang bitin na bitin na ako! kung kelan naga-unfold na ung twist biglang end of season 2 na. haha.

**

lately ive been asking myself why do bad things happen to good people. wala lang. religous ung pamilya, desente ung hanapbuhay ng mga magulang, walang sinasagasaan na tao tapos lahat pa ng kamalasan dumadating sakanila. i know that this is the harsh reality of life and we have to deal with it but i still dont understand. justice. give what is due to others.

**

i think i need to undergo another 2D echo. inaatake na ulit ako ng MVP. bago ako matulog parang may push pins sa puso ko. =) haha.

**

that's all! later, alligator. =)


Note: Quickly pic from Pol. =)