06 December 2008

sibol

sumama kami ni pol sa CLA Learns to Give --outreach activity ng CLA sa GK Alapan. =) bumawi na kami ngayon kasi dapat kasama din kami nung huling GK sa Naic e dahil nga sa nabadtrip ako sa coordinator napagod kami sa mga lakad namin e hindi na kami tumuloy.

7am ang calltime sa gate 3. na-late kami.:P haha. pero okay lang wala pa din ung iba naming kasama nung dumating kami. habang naghihintay umakyat kami ni pol sa grotto sa gate 3. sa 4 years kong stay sa lasalle e first time kong umakyat dun kanina.:P haha. maganda kaso malamok.:P

nakasama din namin saglit si gino sa gate 3. kinana siya ni ashley kasi sa ibang GK sasama si gino.:P haha. laugtrip. pinagtripan din namin ung malaking tigyawat ni rakim sa ilong.:P

8am na kami nakaalis sa La Salle. dinaanan namin si ma'am jopen sa ncst. nabulok na siya dun.:P 650am pa lang daw e nandun na siya!:P

akala ko malapit lang ung Alapan. Imus lang kasi e. pero mejo malayo din pala.:P naligaw pa nga kami e.:P haha. puro palayan pala kasi dun! cool. di ko inexpect na may ganun pa pala sa imus. :P

pagdating namin sa site, nag-setup agad kami ng gamit tapos ung coordinator e tinawag agad ung mga sibol. :P nung una di namin ma-gets kung ano ba ung sibol. un pala e un ung mg kinder.=) haha. nung ready na sila, nag-start na kami.

games. hephep hooray kung saan naloka kami kasi "koorey" ung sinasabi nila imbes na hooray. pinaglaro din namin sila ng the boat is sinking, group yourselves. nako! never ko ng tong ipapalaro sa mga bata. masyado palang selfish at mapanganib ang larong to! pano ba naman kasi talagang "pinagtatabuyan" ung mga hindi na kasama sa bilang tsaka nagtutulakan, sakmalan etc. basta. nagkakasakitan sila sa larong to kaya magi.:P haha. naglaro din ng samson delilah (bago to sakin a!) at ang walang kamatayang bring me.:P after ng games, kainan na. =) dumagsa ang mga bata at magulang.:P haha. nakaka-stress!


chanchan


pagkatapos kumain, gift giving tapos picture taking na. =)


GK Alapan

ang saya ng experience na to kasi nakapagpasaya kami ng kapwa kahit saglit lang. =) gustuhin ko mang kabisaduhin ung mga pangalan nila e hindi ko kinaya (80+ ba naman sila!). pero para sa mga natandaan ko na sina juvy (active!), marinel, chanchan (baby!), olan, klyde, kloyd, rick rian, bembem at sa lahat ng nandun, mag-aral kayong mabuti at magpakabait kayo lagi. =) yeh!

tulog ako sa van pabalik sa La Salle. napagod ako! grabe. tapos sarap pang matulog sa van kahit pangit ung pwesto ko kasi malamig. =)

nung nasa school na, nakipag-bonding muna kami ni pol kay rakim tapos pumunta kami sa Obra 4. =)


wheel of fate

cool. karnabal ang theme nila. =) wala kaming natanggap na libreng bookmark ngayong taon pero may libre naman kaming handpaint. =)


beybey and heyhey. (courtest of Paul Putong)

ayos ba? =) idea ni pol yan! =)

pagkatapos ng obra tumambay muna kami ni pol sa parking lot sa ULS. nakasama din namin dun sina coco, akim, jep at ung mga management friends nila. nag-SM din kami ni pol para kumain. =) tumambay din siya saglit dito sa bahay at kumain ulit kami ng pasta na luto ni mommy. =) yeh!

ang saya ng araw na to. nakatulong nako sa iba nakasama ko pa ung mga mahal ko sa buhay. =)


No comments: