Showing posts with label outreach. Show all posts
Showing posts with label outreach. Show all posts

03 October 2009

On Volunteerism


October 1, 2009
edited and posted: October 3, 2009



dahil lubos akong nagpapasalamat at naging okay kami nila ielee at joyce sa Ondoy experience namin, sumama ako kina marvin na magvolunteer sa Megatent Relief Center. sabay-sabay kaming pumunta nila paul at jr kasi di namin kinaya ung 7am na call time. pagdating dun, andaming tao. karamihan puro mga kabataan. nakakatuwa kasi madaming gustong tumulong pero may mga ilan din akong naobserbahan na sa tingin ko e hindi kagandahan:

1. okay na madaming tao, madaming gustong magvolunteer pero hindi okay na madaming nagvovolunteer just to show off. napansin ko kasi na may ibang nagsign-up pero more picture picture as if may pictorial at pagpapacute lang ang ginawa. well, i understand na "nature" na nila
yon pero i think inappropriate sa situation. wala. nakaka-disappoint lang kasi. akala mo talagang tutulong yun pala porma lang.

2. nagtataka lang ako sa magiging distribution ng goods. ang laman kasi ng 1 relief bag ay 1 pack of noodles, 2 bottles of water, 4 Nissin biscuits, 1 plastic of rice. applying the rules of equality, 1bag:1 family representative. kung ang makakatanggap ng bag na ito ay ikukunsumo lang ng 1 tao, okay lang. sapat na un. pero pano kung ang 1 bag ay paghahatian ng 1 pamilya na may 4 na miyembro. sapat na ba un? hmm. walang equity. (bigla ko lang naalala ung sinabi ni Sir Polo sa DevCom class namin)

3. (from LSGH) nakwento ng classmate ko sa Instituto na may nagdonate daw sa LSGH ng 2 boxes ng Hershey's Kisses. haha. ang sweet sana kaso may mali e. :P akala siguro nung nagdonate ay loot bag ang ipamimigay, nakalimutan niyang relief goods ang kelangan. sana imbes na chocolates ang bilhin niya e canned goods na lang or mineral water. haha. weird.

pinauwi na kami nung wala ng goods na ipapack. tapos diretso na kina donna. birthday kasi niya. :)

favorite ko ung barbecue at potato salad nila donna! di nakakasawang kainin. nakailang balik ata ako para kumuha ng food. hahaha! :P tapos card games kami. talunan ako sa in between! hanep. di ako nakabawi kaya tumigil na lang ako. haha. natutunan ko na din sa wakas ang lucky nine (sugal version) at baccarat! haha! paborito ko na baccarat basta si ian ang dealer. in character talaga kasi siya e. :P nakakatense kapag nagbibigay ng cards. hahaha.

**

on-going pa ang relief operations para sa mga biktima ni Ondoy kaya kung gusto niyong mag-volunteer, gow na. :) masaya makatulong sa iba.


12 July 2009

Happy weekend

una kong nalaman ung tungkol sa Manikako kay kuya Jake Ofrasio. mukang okay kasi ung org kaya pumunta ako sa event nila nung Saturday sa Greenbelt. akala ko nga tapos na kasi di ko mahanap ung booth nila e. :P buti na lang umakyat pa ako sa G5, nandun sila.

free doll kit. :) register ka lang tapos pwede ka na makagawa ng sariling manika. haha. nakakaaliw! parang bumalik ako sa EPP days namin na nagtatahi kami ng rug dolls, doormat, pot holder at doily. hahaha. eto na ang manika ko:


chaka doll. hahaha! UAAP inspired yan! di kasi ako nakapanood ng opening ceremonies ng Season 72 kaya sa manika ko na lang dinaan ang frustration. hahaha.

pagkatapos sa greenbelt, diretso ako ng tanza para bisitahin si pol. matagal kasi kami di nagkita dahil may shoot sila. ayun. tsaka kaya din ako pumunta dun para makita si karyl. :P

me and karyl (from Karyl's multiply site)

stig. dati sa blog at pictures ko lang siya nakikita kanina in person na! hahaha! nandun din ung ibang obzite.

obzite plus me. :P (from Tina's multiply site)

kinabukasan, nagbonding lang kami ni pol.

2. (from Pol)

tapos hinatid na niya ako sa bahay.

ang saya ng weekend ko. :) hahaha. sana okay din weekend niyo!



08 March 2009

dugo, eheads at si kiko

inaabangan ko talaga ang araw na to para sa final set kaya lang nataon namang na-sked din sa araw na ito yung final requirement namin sa devcom -- GK. binalak ko na mag-alternative activity na lang pero matagal na proseso yun at madedelay ang grades ko kaya gow na ako dun. pinakiusapan ko na lang si sir na baka pwedeng maaga umalis dun sa site (8-330pm kasi yung sked. eto yung pagkakatext ko kay sir polo:

rea: sir, pwede po ba akong umalis sa GK ng mas maaga kasi po may pupuntahan pa po ako?
sir: eheads? sige. 2pm. but be there early.

awwww! may ESP si sir! he knows everything! shocking talaga yung reply niya! kasi nalaman niya na dun ako pupunta. sa sobrang hiya ko hindi na ako nagreply. :P haha.

edi ayun na. pumunta na kami sa GK Alapan. 2nd time ko na yun. nung una ay ung sa CLA Learns to Give project ng CLASC tapos pangalawa tong housebuild. kilala pa din ako ng mga ibang bata dun. :) amazing!



ang ginawa namin ay pagpapadugo. :) nagbuhat ng mga hollow blocks, nagbuhat ng semento, nagpala ng grabe at buhangin at nagpintura. sobrang init sa site kaya balot na balot ako e. mata na lang kita sakin. :P

natatawa ako nung nagpapasa-pasahan kami ng hollow blocks. foreman kasi namin si Sunday tapos sinasabi niya na, "walang tatamad-tamad, kundi wala kang sopas!" haha. parang muro-ami land version lang e. :P

naging ka-close ko sa GK si Jigo. grade 2 siya tapos anak niya ng isang pamilya dun. nakilala ko na din siya nung una naming punta pero kanina ko lang siya naka-bonding. ambait niya! pinatuloy niya kami sakanila, nilibre ng lollipop, softdrinks. tapos un nga, sinabi niya na paglaki niya gusto niya maging sundalo.. wala lang. parang ang dami kong nakuhang aral sakanya. :)

bandang 230, sumibat na kami ni pol sa site. diretso na kami sa MOA kahit muka kaming construction workers. :P padating dun, nagpalit agad ng damit tapos kumain ng bonggang bongga sa fatboys. pagkatapos nun lumipad na kami papunta sa concert grounds. buti na lang hindi masyadong mahaba yung pila kaya nakapasok agad kami. pagdating sa silver A stand, madami na din tao. siksikan ever. 6 kami dumating dun, 7pm pa lang nakatayo na kami kasi ang daming sumisingit na tao pag nakaupo e.. ayun. naghintay kami dun hanggang sa magsimula. sobrang tagal. nakabisado ko na ung ads ng MTV at Smart sa sobrang paulit-ulit. :P

8pm, kala namin gow na. kasi may nag-VO na e. after nun lumabas ung mga MTV VJs. kala ko hihinahon ung mga tao un pala sobrang nainis sila! haha. talbog ang kagandahan nila kat alano, andi 9 at anne curtis. kala ko pa naman maeexcite ung mga lalake kasi siyempre diba, okay naman itsura nila. pero hindi talaga. sumisigaw yung mga tao ng 'umalis na kayo jan! hindi kayo ung binayaran namin!'. haha. yung isang vj nga dun, si sib, parang pa-iyak na kasi nagaalboroto na yung mga tao dun. :P wala din naman talaga kasi silang kwenta mag-host. binabasa lang nila yung mga ads na paulit-ulit naming pinanood tska wala silang stage presence. nagbabasa lang talaga. wala man lang eye contact sa crowd. hay. kaya ayun.

815. nagcountdown na ng totoo. ang cute ng countdown nila. letters. :) haha. from Z to E. (eraserheads kasi e.) nung E na, ayan na! lumabas na sina Ely! waaaaaaaaaaah!!!!!!! stig ung 4 na screen sa stage. kanya-kanyang close-up sa screen ung mga 4 na members ng eheads. :)

sa first set ng kanta nila, parang low energy sila lalo na si ely. siguro pinapakiramdaman ni ely ung katawan niya. hindi din gaanong kumanta si ely sa first set. naninigurado siguro. si raimund ang kumana! haha. stig! nakakatuwa din si marcus sa kantang 'huwag mo ng itanong'. haha. reggae tapos ang lyrics ay, 'huwag mo ng itanong, di ko sasabihin sayo.' haha. woooh!

second set nila, chill lang. :) house music tapos tuloy tuloy na sa tribute kay Francis M. superproxy. :( hay. at siyempre last song ung huling el bimbo. :) yeh! pagkatapos ng huling el bimbo, naglalabasan na yung mga tao nang biglang sumigaw si buddy ng, 'gusto niyo pa ba?' ayan na. stampede ulit sa pagbalik sa pwesto. :P haha. kumanta pa sila ng 3 kanta, pinakahuli ung toyang! awwwww! si ely talagaaaaaaaaaaaaaa! haha. Trivia: si Toyang ay si Vicky Cayago (first wife ni ely). yeah! astig yung ending nila na, "and we are the eraserheads" tapos nagakbay-akbay sila para mag-bow! sobrang awwwwwwwwww talaga! ramdam talaga na final set na. :)




iba talaga yung karisma ng eheads sa mga tao. biruin mo, ang tagal na ng mga kanta nila pero kabisad0ng-kabisado pa din ng mga tao. cool. siguro kaya click pa din hanggang ngayon ung mga kanta nila kasi parang may kanta sila sa lahat ng sitwasyon na swak sa kahit anong panahon. kanta ng tropa, "Pare ko", "Misan", kanta ng mga batong-bato na sa buhay, "Superproxy", kanta ng mga inlab, "Toyang", "Huling El Bimbo", "Fine Time", kanta ng mga nagka-drivers license, "Overdrive", kanta ng mga sabik sa pagmamahal, "Kailan" , para sa mga lasinggero, "Alkohol" at marami pang iba. tama nga siguro si Ely na, "pare-parehas lang naman ang problema ng tao e. walang nagbago." :)


memorable talaga yung huling el bimbo. :) Eheads + Us + Fireworks = perfect kilig moment! hahaha.




at dahil sa sobrang adik ako sa eheads, gumawa ako ng playlist sa imeem. :)


eraserheads

yeh! eraserheads forever. :)



Pictures courtesy of Paul. :)



25 January 2009

Gloria

not the president but the Spanish term for glory.

so it's been a week since my last entry. im sorry for the unannounced hiatus (parang daming nagbabasa neto e.:P). naging busy lang talaga. :) without any further introduction and lame excuse, eto na ang nangyari sa buong linggo. :)

Sunday (Jan18)

last Sunday i attended the Christening of my one and only inaanak Eunice Kassandra Lagrimas. it was held at Fernando Airbase, Lipa, Batangas. :)


sobrang natuwa ako noong binyag dahil ang daming mga babies. :) sabay-sabay silang binbinyagan. haha. aliw talaga! baby wonderland. :) haha.

first time din makakain ni roselle ng lechon nun so parang achievement niya un.:P

Wendesday

January 20, 2009. the day he made history. :)



inauguration of Barack Obama, the first African-American president of the United States of America. :) during the campaign pa lang, maganda na ung vibes ko sakanya e. its like he was born to lead. he was born to bring change to the world. parang ganun ung tingin ko sakanya. so everytime i watch his inauguration video on youtube, kinikilabutan pa din ako. as if first time ko palang makita un. haha. :P (landi e.:P) sobarng bilib talaga ako sakanya dahil siya ung naging katuparan sa "dream" ni Martin Luther King. :) and i think its time for the african-americans to reap what they sow since i heard from the news na african slaves pala ung gumawa ng white house at malaking sampal un sakanila na ipamuka na WHITE house un. the name itself is discriminating already. e ngayon na iba na ang panahon, i hope na mawala na ung mga racial discrimination at pangaapi as mga marginalized scetor hindi lang sa states kundi sa ibang bansa na din.

Saturday



the much-awaited thesis defense. :) wednesday night sinabi ko na sa mom ko na, "ma, wag ka muna umasa ng graduation sa march a? baka summer pwede pa." hindi kasi kami tumahak ni pol sa "safe side" ng research.:P basta. un na un.:P haha. at gaya ng inaasahan namin, ginisa kami sa defense. may mga tanong sila na di ko nagustuhan kasi parang gusto nilang i-filter ung ibang parts ng study namin which i think is inappropriate kasi kung yun talaga ung lumabas sa mga methods na ginawa namin, wala na kaming magagawa. we do not want to manipulate the results. pero meron namang ibang comments na constructive talaga like ung mga comments ni sir perlas! wooh! na-appreciate ko talaga ung mga sinabi niya. he seemed so interested in our study. :) constructive man or destructive, salamat pa din at binigyan nila kami ng 3.26 na average. un daw ung highest grade sa mga nagdefend nung araw na un. ang lumlabasa, parang minor revision lang ung mangyayari kasi maguulit lang ng survey at magiisip para sa recommendation. sana lang e un talaga ung i-post sa CAD para di kami mataranta. :P

after ng defense, parang nabunutan na kami ng malaking tinik! haha. nag-celebrate kami sa wendys. :)

salamat nga pala kina Enrico at Alex sa pagtulong noong araw na un.:)

at siyempre masaya ako na naging thesis partner ko si pol. :) first year palang kinontrata nako! haha. luha, away, gastos, pagod, oras ang binigay namin para maging maayos ung thesis. salamat pol. :)


Sunday

after defense parang naubos lahat ng lakas ko kaya tamad na tamad ako mag-ICT outreach! haha. sa laguna kami nagoutreach para naman maexperience namin dun. laging dasma.:P

nung una, so much energy and happiness pa pero pagdating dun, borlogs na.:P haha.


ung project namin sa ICT ay dapat magtuturo kami ng kahit anong computer program sa mga bata na hindi pa marunong gumamit ng program na un. at ang napili naming ituro ay powerpoint.



okay naman. natuto naman sila. :) at antok na antok kami.:P

5pm nasa bahay na ako. :)

**

Glory week to para sakin kasi first time ko mag-ninang, pumasa kami sa thesis, nakatulong kami sa iba at umaasa ako sa mga pagbabago. :) okay? yeh! haha.

susubuka ko na ulit magblog everyday. :)


Phot Credits: Yahoo, Paul-Kristoffer Putong, Karren Pae Evangelista



20 December 2008

Today is..

December 20, 2008. Today is a happy day.

- Kennedy

**

sumama kami nila pol, mariss, ghene, rai, andrew at nebs sa Pamaskong Handog ng BJPC. outreach activity nila sa Virlanie Foundation. =)


nung una, di ko alam kung paano ko sila ihahandle pero nung tumagal, friends na. =) haha. naging close sakin si tintin (the camwhore :P) at si katrina (kambal ni ghene.:P) tapos si kennedy sobrang talino! may calendar siya sa utak! kinabog kami! haha.

masaya ung naging outreach pero nalungkot ako nung tinanong nila sakin kung kailan kami babalik ulit kasi wala daw bumibisita sakanila. wala lang.

basta masaya. =) nakakabusog ng puso. =)

**


dinner at pizza hut. tapos nanuod kami ng fireworks ni pol. =) sweet grabe! natupad na ung is sa mga wishes ko. =) iloveyou paul!

**

un lang naman. =)



11 December 2008

busy bee

dahil sa prelim exams na next week, nagsisimula na akong maging tensyonado. haha. tanggap ko na na hindi ako magkakaroon ng latin awards (cum laude etc) pero hindi ibig sabihin nun e magpapabaya na ako sa pag-aaral ko. gusto ko pa din namang makakuha ng distinction.:P kaya eto, mejo nagsisimula na akong mangarir sa pag-aaral. except sa broadjou dahil sobrang nasasabaw na ako sa subject na yan. interesting naman ung SUBJECT kaso may problema sa paraan ng pagtuturo.. hay.

basta sana ngayong prelim e top scorer ako sa lahat ng exams! (including ethics. :P haha!) haha. libre lang naman mangarap diba? kaya gow lang. mag-aaral ako ng mabuti para naman may chance pa ako sa academic dream ko! yeh!

**

napapansin ko na lumalakas ako kumain pag kasama ko si pol!! bakit ganun!!

**

gusto kong i-devote lahat ng saturdays ko ngayong december sa pagtulong sa kapwa. sinimulan ko na last saturday sa GK, this saturday sa Magna Kultura: Larong Pinoy naman, sa susunod baka sumama kami ni pol sa BJPC sa Virlanie Foundation tapos ung huli baka Magna Kultura ulit. wala lang. do a good turn daily. =)

**

patuloy pa din ang pagkahumaling ko sa devcom, sa katunayan nagdagdag nako ng mga badges, widgets sa right side ng page na to para ipakita ang suporta ko sa iba't-ibang organizations. check niyo din ung world hunger relief week site.

**

eto muna. =)

06 December 2008

sibol

sumama kami ni pol sa CLA Learns to Give --outreach activity ng CLA sa GK Alapan. =) bumawi na kami ngayon kasi dapat kasama din kami nung huling GK sa Naic e dahil nga sa nabadtrip ako sa coordinator napagod kami sa mga lakad namin e hindi na kami tumuloy.

7am ang calltime sa gate 3. na-late kami.:P haha. pero okay lang wala pa din ung iba naming kasama nung dumating kami. habang naghihintay umakyat kami ni pol sa grotto sa gate 3. sa 4 years kong stay sa lasalle e first time kong umakyat dun kanina.:P haha. maganda kaso malamok.:P

nakasama din namin saglit si gino sa gate 3. kinana siya ni ashley kasi sa ibang GK sasama si gino.:P haha. laugtrip. pinagtripan din namin ung malaking tigyawat ni rakim sa ilong.:P

8am na kami nakaalis sa La Salle. dinaanan namin si ma'am jopen sa ncst. nabulok na siya dun.:P 650am pa lang daw e nandun na siya!:P

akala ko malapit lang ung Alapan. Imus lang kasi e. pero mejo malayo din pala.:P naligaw pa nga kami e.:P haha. puro palayan pala kasi dun! cool. di ko inexpect na may ganun pa pala sa imus. :P

pagdating namin sa site, nag-setup agad kami ng gamit tapos ung coordinator e tinawag agad ung mga sibol. :P nung una di namin ma-gets kung ano ba ung sibol. un pala e un ung mg kinder.=) haha. nung ready na sila, nag-start na kami.

games. hephep hooray kung saan naloka kami kasi "koorey" ung sinasabi nila imbes na hooray. pinaglaro din namin sila ng the boat is sinking, group yourselves. nako! never ko ng tong ipapalaro sa mga bata. masyado palang selfish at mapanganib ang larong to! pano ba naman kasi talagang "pinagtatabuyan" ung mga hindi na kasama sa bilang tsaka nagtutulakan, sakmalan etc. basta. nagkakasakitan sila sa larong to kaya magi.:P haha. naglaro din ng samson delilah (bago to sakin a!) at ang walang kamatayang bring me.:P after ng games, kainan na. =) dumagsa ang mga bata at magulang.:P haha. nakaka-stress!


chanchan


pagkatapos kumain, gift giving tapos picture taking na. =)


GK Alapan

ang saya ng experience na to kasi nakapagpasaya kami ng kapwa kahit saglit lang. =) gustuhin ko mang kabisaduhin ung mga pangalan nila e hindi ko kinaya (80+ ba naman sila!). pero para sa mga natandaan ko na sina juvy (active!), marinel, chanchan (baby!), olan, klyde, kloyd, rick rian, bembem at sa lahat ng nandun, mag-aral kayong mabuti at magpakabait kayo lagi. =) yeh!

tulog ako sa van pabalik sa La Salle. napagod ako! grabe. tapos sarap pang matulog sa van kahit pangit ung pwesto ko kasi malamig. =)

nung nasa school na, nakipag-bonding muna kami ni pol kay rakim tapos pumunta kami sa Obra 4. =)


wheel of fate

cool. karnabal ang theme nila. =) wala kaming natanggap na libreng bookmark ngayong taon pero may libre naman kaming handpaint. =)


beybey and heyhey. (courtest of Paul Putong)

ayos ba? =) idea ni pol yan! =)

pagkatapos ng obra tumambay muna kami ni pol sa parking lot sa ULS. nakasama din namin dun sina coco, akim, jep at ung mga management friends nila. nag-SM din kami ni pol para kumain. =) tumambay din siya saglit dito sa bahay at kumain ulit kami ng pasta na luto ni mommy. =) yeh!

ang saya ng araw na to. nakatulong nako sa iba nakasama ko pa ung mga mahal ko sa buhay. =)