kahit wala akong pasok tuwing wednesday and friday at kahit maaga ang mga uwian ko, wala pa din akong oras magsulat dito dahil nagaasikaso kami ng thesis atbp. hay. magdedefense na kami next saturday at pinipilit namin ni pol na takpan lahat ng butas ng study namin. nakikinikinita ko na maha-high blood samin ang mga panelists lalo na ung isa dun pero kaya yan. :) the truth shall prevail. :) haha.
di ko na matandaan ung mga detalyadong nangyari sa mga nakalipas na araw kaya mga highlights na lang. :)
Monday
sa wakas, nag-klase na din kami sa IT! haha. parang long time no see kami ni maam mitch.:P nanood lang kami ng movie na related sa IT tapos un na. :P sumama na ako sa campaign nila enrico. :) SINAG!
grabe. parang kelan lang ginagawa ko din yang mga room-to-room campaign tapos ngayon sila na ung nagsasalita sa bawat klase. nung ako ung nasa kalagayan nila halos isuka ko na ung ginagawa ko (may reason yan!) pero nung nakita ko sila parang gusto ko ulit subukan. pero di na pwede e. :P hay. enrico, kung mababasa mo tong blog ko, gow lang kayo jan! :) more activities, more fun. :)
Tuesday
-
nobody gets too much heaven no more..
inihahandog ng Malulupit na Tinig ang dramang pang-radyo na inyong pinakaaabangan at dumudurog sa inyong mga puso... ang..
Nagkukubling Kaligayahan: Sinaktan mo ang Nagdurugo kong Puso.
o ha! our first ever radio drama. :) si drew ang nagsulat niyan. haha. grabe. mga trip talaga niya e. :P
okay naman ung radio drama. salamat kay kuya Christian sa pagtuturo samin sa technicals. mas natuto pa ako sakanya kaysa sa prof namin dun. :) haha. ewan ko ba. di sumusunod sa syllabus e. dapat mas malaki ung exposure and training namin sa radio noong prelim tapos biglang un lang ung activity. hay. kaya nga may syllabus para maging systematic ung pagtuturo pero ang lumalabas walang consistency. lagi niyang sinasabi dapat magsulat kami ng magsulat. siguro ang dapat niyang ituro samin e kung pano magisip. (marunong kami magisip pero dapat journalistic thinking). hay. grabe. suko ako sa prof namin dun. siguro nga magaling siyang media practitioner pero bilang teacher? i doubt.
Wednesday
walang pasok. thesis mode.
Thursday
Ethics class. lahat kami kabado kay RS dahil may kasalanan kami sakanya. parang walang huminga sa classroom nung pumasok siya. :P haha. pramis! lahat talaga kabado! pero naging okay naman ung mood niya. :) nakikipagibiruan na siya samin. :P laughtrip talaga nung binigyan niya kami ng 5min break. pagdating niya sa classroom time na pala.:P wala din. :P haha.
pagkatapos ng Ethics, meeting saglit with CPC tapos go na kina ghene! woohoo! 21 na siya! ATE ghene talaga. :)
nag-saya kami ng matindi dun! haha. pansamantalang kinalimutan ang thesis at acads! woohoo! nagulat din ako kay andrew dahil hindi ko talaga akalain na matindi siya sa Magic Sing! siya kasi ung tipo na lalakeng lalake talaga, ung tipong walang interes sa mga ganung bagay pero nagkamali ako! grabe siya kumanta! Magic Sing King! haha! siya na ung laging may naka-reserved na kanta! haha. astig nung kumanta siya ng Jump! haha. bago magsimula ung kanta may mga hosting stints pa siya e. :P basta. laughtrip. :)
umalis kami kina ghene ng 10pm. tapos dito na umuwi si pol para sa thesis. woooh!
Friday
wala ding pasok. thesis mode.
**
hay. sana talaga maging okay ang thesis namin. :( patnubayan nawa kami ni pol sa defense.. sobrang kinakabahan talaga ako..

No comments:
Post a Comment