10 March 2009

pag-asa

emo ako kaninang umaga. tulala ako habang nakasakay sa bus. di ko alam kung bakit ako ganun pero dahil sa sobrang ka-emohan ko, naka-isip ako ng pang-shorts. nakabuo ako ng istorya pero draft pa lang. gusto ko siyang gawan ng experimental film ang kailangan ko lang ay magaling na artista. haha. di ko sure kung kelan ko pwedeng i-shoot to pero dapat within this year para naman hindi nasasayang ung mga ideya ko. :P haha. yeh! totoo nga ung sinabi ni sir Gochi samin na, "the worst situation will bring out the best in you." kaya sana talaga ma-develop ko pa yung idea ko kanina para okay na. yeh!

pero bakit nga ba ako nasa bus kanina? ehem. pinayagan na kasi ako nila mader na bumili ulit ng camera! haha. yeh! wala na talaga kasing pag-asa yung ixus ko kaya nakumbinsi ko sila na kung gagastos lang din naman ng mahal sa pagpaprepair nung ixus e bumili na lang ng bago. ganun din naman. 12k ung repair sa ixus, wag na diba. at siyempre kung gagastos lang din naman edi ung maganda at investment na talaga, kaya dslr.:P haha.

dapat sa mall kami bibili e kaso sinabihan ako nila jill, drew at pol na subukan ko sa hidalgo (camera heaven) para mas mura, at mas mura nga! pinili ko ung nikon d60. 26k ang bili ko dun kasama na ung 4G memory card at bag. o ha! sa lahat ng pinagtanungan ko dun, sa Henry's ung good deal kaya kung nagbabalak kayo bumili ng camera, dun na. :) gow!

habang nasa bus ako pabalik sa dasma, binabasa ko ung manual at nanosebleed ako.:P kahit mga 2 photography subjects nako dati e parang back to basics ulit pero kaya yan! eto ung mga practice shots ko:



michelle. macro, portrait.


majarl and bryan. with flash.

obligatory shot.


nga pala, nagpapasalamat ako sa lahat ng mga hiniraman ko ng cam nung mga panahong kailangang kailangan ko: mel, enrico, dianne, eloisa at joanne. at sa lahat ng mga kinukuhanan ko ng pics para sa blog: cath, melai at pol. yeh! babawi ako sa inyo! :)

bigyan niyo ako ng 1 week (kapal e.:P), mamamaster ko din ung cam ko. :P yeh!

ang pangalan nga pala ng camera ko ay pag-asa. kasi dumating siya sakin nung hopeless ako. :P (whaaaaat?!)

**

naiirita na ako kay apr. parang wala na sa ayos ung mga pinapagawa niya sa thesis. akalain mo ba namang ipabago samin ung recommendation. mali daw ung ginawa namin. e pano magiging mali ang recommendation? recommendation nga e. kung di mo trip, wag mong sundin pero di dapat na sabihing mali. parang suggestion lang yan. may mali bang suggestion? hay. di lang ba niya matanggap na ganun ung resulta ng study namin kaya siya nagkakaganun. tapos pag di daw namin binago di niya tatanggapin. ngek. labo.

**

nanood din ako ng basketball game nila pol. umattend ng meeting ni X. (nominated ung thesis namin sa Gawad Liberal. :P ).


un lang naman. :)


No comments: