nabanggit ko dati dito na gusto kong kumuha ng short course/workshop sa basic makeup techniques kaya lang mabigat sa bulsa ung tuition fee e. 15k sa SOFA Manila, 42 hours lang ata un.. 15K tuition fee, wala pa dun ung makeup. :P hindi naman ako naginvest sa makeup kasi hindi naman ako pala-makeup na tao, gusto ko lang talaga matuto at ayusan yung iba. ayun. dahil sa mahal nga, pass muna. :P magttyaga muna ako sa mga tutorials sa net. :P
sa kabilang banda, mahilig din ako sa photography. :P simula nung nabili ko si pag-asa nabuhayan ulit ako na magshoot. naging mas interesado ako na matuto pa sa digital photography. first move ung pag-attend ko sa Graphic Convention. nagbabalak ako na magenroll sa mga digital photography workshops para masulit ko ung equipment. :P abot-kaya naman ung tuition fee kaya baka go ako sa plano ko.
kaya kanina pinagsama ko ung 2 interests ko at ayan nagkaroon ng photoshoot. :P haha. instant model ung kapatid ko. :P first time ko magshoot na ako talaga ung nagplano, nagayos at nag-picture sa model. ang saya pala. :)
habang nagbabaksyon ako (til march 31 lang kasi sa april magapply nako.:P) mga ganito ung aatupagin ko. hindi lang ako nagenjoy, nakabuo pa ako ng pamportfolio ko. :) yey!

No comments:
Post a Comment