di pa lumilipas ang 24 hours ko bilang graduate, may lakad na ulit ako. :P haha. nagtext kasi bigla si mel na may handaan daw sila, so gow ako kasi wala namang gagawin.
sabay-sabay kami nila maris, pol at martin an nagpunta sa tagaytay. pagdating namin dun, may ganito sa entrance ng bahay nila:
un o! haha. tapos ang daming tao! sabi nga ni mel, kahit sino pwedeng pumunta. kahit hindi kamaganak, kaibigan, basta napadaan sakanila welcome na welcome. haha. parang ang saya na tuloy tumira malapit kina mel. kada may handaan, pupunta na lang basta basta. :P stig.
daming pagkain! kada 2 hours ata pinapakain kami ni mel. :P haha. pampered talaga kami pag nasa kanila. :P bukod sa malamig sa lugar nila at madaming pagkain ay mababait pa ung mga tao dun.
sumunod din si benya babes. pagdating niya, kumain ulit kami. :P haha.
nag-tour kami sa bakuran nila mel. :) ang daming mga tanim! parang one-stop-shop na! may kape, gulay, prutas. tapos may mga native manok pa na pagala-gala dun. so pag nagutom ka, labas ka lang sa bakuran nila at tiyak may maluluto ka. haha. amazing!
nagpusoy dos. kain ulit. bonding. amazing ung pamilya ni mel! lahat sila magagaling kumanta. ang galing nung duet nila ate emylou at ni kuya. haha. winner! powerful din ang boses ni mother dear, Alone ang binabanatan! haha. ang saya!
mga 930pm na kami umalis dun. hindi namin namalayan ang oras. :P
thanks mel! congrats satin! :)

No comments:
Post a Comment