22 April 2009

Job Hunting: Phase 3

interviews.

April 21, 2009

first real job interview. di ako nakatulog sa sobrang kakaisip ng mga isasagot sa interview. :P kaya 4am palang gising nako kahit 2am ako natulog. :P haha. umalis ako sa bahay ng 530am kasi baka matraffic ulit ako papuntang taft pero badtrip talaga kasi 7am palang nandun nako sa taft station e 10am pa ung interview! anong gagawin ko ng 3hours diba? :P badtrip talaga. :P sobrang binagalan ko na lahat ng ginagawa ko pero mas mabagal pa din ung oras pag naghihintay. 815am nasa gudalupe nako, dun kasi ung company e tapos hindi ko na kinaya ung matinding pagtambay ko sa 711 kaya 9am palang e pumunta nako dun sa office para magreport.

buti na lang un ang ginawa ko kasi andami ng nakapila for interview.:P haha. bago ung mismong interview, exam muna. naaliw ako kasi abstract reasoning at math ung laman ng exam. e parang 4 years akong hindi nag-Math ng bonggang bongga. :P more algebra more fun ako sa exam.:P haha. 1 hour ko din ung sinagutan so saktong 10am tapos nako. :P habang naghihintay nakilala ko si kuya bryan na graduate ng DLSU. events associate ung inaaplyan niya. nameet ko din ung 1 girl dun (hindi kami nagsabihan ng pangalan.:P) na ang inaaplyan ay receptionist. so nagtaka ako kasi bakit iba-iba. naisip ko na baka BPO un at tama nga ako. :P bago matapos ung interview sakin pinaliwanag nung HR na hindi daw ung mismong company nila ung naghahanap ng admin associate kundi ung client nila-- call center. :P haha. yun naman. :P medyo nafrustrate ako kasi umiiwas talaga ako sa mga ganun kaso nagkakataon naman na un ang dumadating. hay. pero di pa naman ako tanggap. tatawag pa daw sila for confirmation. pag natanggap daw ako may training pa akong kailangang pagdaanan (basic typing and transcribing). hay.

pagkatapos ng interview dumiretso ako sa tanza para bisitahin si pol. :)

April 22, 2009

may interview din ako dapat ngayong araw na ito kaso pinaresched ko kasi nahaggard nako sa pagluwas. :P

nagpahinga lang ako ngayong araw at nagpicture-picture dahil kinukulit ako ng mga pinsan ko. :P lalo na si ericka! super vain! :O









chill lang ako DAPAT ngayong araw na to kaso bandang 830pm tumawag sakin ung HR ng isa pang company na inaaplyan ko. akala ko sasabihin lang niya sakin ung sched ng interview kaya lang naging JOB INTERVIEW na siya. grabe. on-the-spot. alam mo ung nakahiga ako dun at nagmumuni-muni tapos biglang may dumating na malaking stress?? hay. mukang tanga tuloy ung mga sagot ko dun kasi nabigla talaga ako e! as in. puro 'hmm.', 'ahhh.' ung mga sagot ko tapos ambilis-bilis ko magsalita! (ganito talaga ako pag tensyonado). tsaka kaya di din ako makasagot nang maayos kasi nakalimutan ko na kung ano ung position na inaaplyan ko sakanila. :P parang nabadtrip nga ung HR sakin kasi ganun ako sumagot.:( feeling ko tuloy nung mga oras na un ako ung pinakabobong tao sa buong mundo! :( grabe.

pero hindi! think positive!!

may interview ulit ako bukas at sa friday. wooh! gow!

2 comments:

Anonymous said...

good luck sa job hunting.. dadating din yung tamang job opportunity sa iyo.. ^_^

Wanderful said...

thanks! haha. sana nga. :)