Showing posts with label bonding. Show all posts
Showing posts with label bonding. Show all posts

08 February 2010

Treats

so far, so good. :) nag-eenjoy ako sa work at may social life pa din ako. yey!

last Tuesday, nag-celebrate kami ni Paul ng 20th monthsary namin. :) kumain kami sa Burgoo! haha! level up na from Shakey's! :P

4 na lang! 2 na! :)


and the week before that, nag-mini reunion kami nila Mel, Marianne at Paul sa Tagaytay! sa wakas natupad na din ang promise ni Marianne na manlilibre siya sa "katapusan." haha. naka-ilang "katapusan" muna ang nagdaan! :P

 scary shot. :P

korean

at ngayon, nanlibre naman ako kay mommy at roselle ng movie date. pinanood namin ung Princess and The Frog. :) na-carried away kami ni sel kay Ray. :(

and, that's it. :) 



Photos courtesy of Paul

24 October 2009

Tagaytay



naki-fiesta kami sa tagaytay. first time ulit (in 7 months) namin nakita si mel! parang first year ulit ung itsura niya. haha. ang kulit. nabuhay ulit ang piolo-juday loveteam. hahaha.

kaming 2 lang ni pol ang college friends na nagpunta dun (dumaan din pala saglit si karen kasama ang ibang chorale). wala naman kaming masayadong ginawa. bonding at kain lang.

bale sa foureal, si marianne na lang ang hindi ko nakikita. haha. :P career woman to the highest level. :P

mga 830pm umalis na kami ni pol. tumambay at kumain ulit kami sa yellowcab tapos uwi na. :)



**
noong papunta kami sa tagaytay, doon ko napatunayan yung nabasa ko sa Cosmopolitan na hindi madalas humingi ng tulong ang mga kalalakihan. :P pano ba naman kasi, nagoverheat ung sasakyan ni pol tapos wala siyang tools at tubig na dala. pinagsasabihan ko na siya na bumili ng tubig sa 711 tutal malapit lang naman sa pinaghintuan ng sasakyan. ayaw talaga niya makinig. sinasabi niya na okay lang daw, mgiging okay din ung sasakyan, maghintay lang daw saglit etc. e naiirita na ako kasi tumatagal lang kami. pero cool lang ako nun kasi ayoko ng away. basta. ganun ng ganun. sa tuwing magsasuggest ako ayaw niya makinig. :P hahahaha! tapos nung okay na talaga ung sasakyan, sinabi ko sakanya ung nabasa ko tungkol sa Cosmo at nag-agree siya na karamihan daw sa mga lalake e ayaw ayaw humingi ng tulong lalo na't kapag meron pa silang nakikitang paraan. hahaha. okay. :P

**



World Pyro Olympics 2009 happening on November 21-December 19 at the Bonifacio Global City, Taguig. weeeee! exciting!!! taralets! :)

16 August 2009

Diversionary Tactics

Eto ang mga dahilan kung bakit wala akong updates dito. :P hahahaha. busy-busyhan.


Level 1 Graduation



last day of class. sobrang kabado kami kasi akala namin one-on-one yung oral exam, yun pala group activity lang! haha! 3min skit tungkol sa mga pinagaralan namin. :P parang comedy lang yung nangyari pero at least nakakapag-express na kami in Spanish. :P haha. poco a poco, se va lejos! woooh!

after exam, nagyaya sina Nolan at Reynold na mag-kape. celebration daw kasi tapos na kami sa level 1. ayun. nilibre nila kami sa CBTL Rob. nagshare ulit si Reden ng mga adventures niya sa Spain.:P haha. ang saya. :P

nalampasan ko din ang A1.1! haha! buti na lang talaga hindi ako nagpadala sa pananakot (acting lang pala niya un para ma-intimidate kami) ni Reden nung first day of class kundi di ako magkakaroon ng ganitong klaseng experience. sobrang saya. :) extension to ng buhay estudyante ko. seatworks, recitation, aral, final exam.. student life after DLSU-D. :)

mamimiss ko talaga lahat ng naging classmates ko. kahit one month lang kaming nagkasama at kahit magkakaiba kami ng pinanggalinga, madami kaming mga masasayang moments. di ko makakalimutan yung first day of class! sabay-sabay kaming naboblats at na-nosebleed sa mga tanong ni Reden! hahaha! hay. di ko alam kung kelan ko ulit sila makikita o kung makikita ko pa ba sila. (drama) haha. basta, kung may classmate man ako na makaka-stumble sa blog entry na ito, salamat sa mga alaala! yeh!

Tagaytay Trip with COF


post-birthday celebration ni Au. bente na siya pero siya ung mukang pinakamatanda. :P hahaha. peace ipis! ^__^

memorable ang trip na to dahil first time (since college graduation) ulit namin nakasama si Milcah sa mga gala! haha! akala kasi namin nilamon na siya ng buhay ng trabaho niya. di pa naman pala. still alive and kicking pa siya sa IBM. hahaha! gow!

sa Dencio's kami nag-dinner. medyo bitin samin ni Jhe ung pagkain, nagpaparinig na nga kami kay Au pero wala e. :P manhid ang lola mo. haha! tapos tambay sa Starbucks. dramahan portion na naman courtesy of Jhezra and Milcah. bakit kaya laging may ganitong portion kami no? :P emo na ba ang tropa? :P

nung pauwi na, naghanap kami ng pampasalubong (parang ang layo ng nilakbay namin no). habang naghahanap, nakaisip ako ng activity na pwedeng gawin ng tropa. :P haha. saka ko na ishshare pag okay na. :P haha. basta, sana matuloy ung naisip namin. :)

Elem BFFs


bago pa nabuo ang COF, sina Dustin at Julianne muna ang mga BFFs ko. haha. magkakaservice kami sa jeep ni Mang Fer mula grade 5 hanggang grade 6. after elementary graduation, lumipat si Julianne ng school tapos ako naman, lumipat na sa ibang service. bale, grade 6 kami huling nagkasama. matapos ang 5 years, nagkaroon ulit kami ng connection thru Facebook! (hanep! iba ka FB! we lab you!!) at ayun, nagkayayaan na mag-reunion! ayossss! hahaha!

habang papunta ako sa meeting place namin, naeexcite at kinakabahan ako at the same time. naeexcite kasi siyempre, makikita ko ulit sila pero kinakabahan din kasi baka magkaroon lang ng mga awkward moments dahil matagal na kaming di nagkikita. pano kung iba na pala yung taste nila? pano kung nag-iba na sila? ganun. pero nawala lahat ng kaba ko nung nadinig ko ung boses ni Julianne! grabe, ang ingay pa din! walang pinagbago! pati si Dustin, ang lakas pa din mag-asar! haha! bakit kaya ganun no? may mga tao talaga na kahit matagal mo na di nakita, parang close pa din kayo? yung tipong, parang di naman talaga kayo nagkahiwalay? basta, ganun ung feeling. yung mga pinaguusapan namin e circa 2004 pa. :P ang saya. old friends. :)

pagkatapos tumambay sa CBTL, nag-Malate kami. uminom sila tapos ako kung-fu lang. :P hahaha! maaga din kami umuwi kasi natatakot si Dustin sa mga batang beki (kay Dustin ko lang to nalaman. new word. ) dun. :P haha.

**
okay din pala itong situation ko ngayon. i got to meet new friends and i also had the chance to bond with my old buddies. nadagdagan din ang kaalaman ko, thanks to Reden and IC. masaya ako kahit..basta. yun na lang. masaya ako. :) iisipin ko na lang na eto yung positive side. yes, positive. whew! hahaha! *mentally chanting* GO TEAM! AJA! :)

PS: I would also like to thank my loving boyfriend for keeping me sane and alive, for staying with me through thick and thin. Big thanks! You know how much i love you! hahahahahaha! yeh! :)

03 August 2009

Ce-le-brate good times, cmon!


July 31: COF Reunion


matapos ang pagkahaba-habang pagdadrama at pagyayakag thru facebook, natuloy din ang mini reunion naming magbebestfriends! :) di lang to simpleng reunion, celebration din to dahil RN na si Jhe! yey!

jhe, au, ielee at ang ibidinsya. :P hahaha.

overnight sa bahay namin. nagmala-iron chef na naman kami sa pagluluto ng kakainin namin. di ko alam kung bakit ang hilig namin magluto? pwede namang bumili na lang ng pagkain. :P hahaha. 8pm kami nagsimula magluto, 930 na kami nakakain. kaya pagka-setup ng table, galit galit muna. hahaha. nung busog na, nag The Bar na (sila.:P). hahaha. sakto kasi malamig sa veranda tapos vodka tinira nila, ayos. ako naman, kain lang ng kain ng tuna sisig na ginawa ko! hahaha. katakawan.

the hagrid hair. hahaha.

nagkwentuhan ng kung anu-ano, nagkaroon pa ng philosophical debate dahil sa "God doesn't play dice." buti na lang binabasa ko ulit ung Sophie's World. kahit papano may depensa ako. haha. muntikan nang mawasak ang friendship namin ni ielee dahil sa 'dice' issue. :P walag gustong magpatalo e. hahaha. tapos siyempre, may mga umiyak habang nagshshare ng mga sentimyento sa buhay. love it! hahahaha!

2am pumasok na ulit kami sa bahay. nag-pusoy dos hanggang 4am. nung sawa na sa pusoy dos, nanood naman ng Science of Sleep. nagdebate ulit kami tungkol sa movie. grabe. durugan ng utak!

squatter mode.

ang saya saya talaga ng reunion namin kahit puyatan at wasakan lang ang ginawa namin.

bestfriends forever ko talaga sina au, jhe and ielee! (pati si milcah kaso dami ng atraso niyan e. hahaha.) :)

August 1: Dinner date with JKLM, JR and Pol

picture courtesy of Pol

second to the last day ni karyl sa pilipinas.

Dinner sa Max's SM Bacoor kasama ang ibang obzite. first time kong makabonding sina JR at Jenny! hahaha. adik silang dalawa. nakakatuwa. :) lakas mangasar ni jenny sa JR-Karyl loveteam. hahaha. pulang-pula si karyl e. :P hahaha. pero dine-deny niya. natural skin color daw niya talaga un. woooh. :P

pagkatapos mag-dinner, nag-Quantum. di na nakaabot sa videoke kasi pasara na din ung mall. nakinood na lang ako sa nilalaro nila Leslie, Karyl at Manoy. di ko alam kung anong tawag sa larong un, basta ang goal nun e mahubaran mo ung character? matagal na daw un e pero noong araw ko lang na un nakita. :P

see you soon karyl! :)

August. 2: 14 months

picture courtesy of Pol

nag-celebrate kami ng monthsary sa Cabalen. eat-all-you can! eat 'til you explode. :P hahaha! ang sarap talaga magluto ng mga Kapampangan (ehem ehem). :) kaso parang di trip ni pol. ako lang kasi ung balik nang balik sa buffet table. :P ang takaw ko tuloy tingnan.

Pol: (about to hug me) nasan na ung curves mo sa bewang? parang nawala?

haha. :P

pagkatapos namin kumain, nagikot-ikot lang sa MOA tapos tambay na sa parking lot. pinalaro niya sakin ung bago niyang game sa psp! nakaka-frustrate talaga ung mga adventure games! mas trip ko pa din talaga ung mga time management games like Burger Shop, Sally Salon. :P hahaha.

**
ang ganda pala ng anime na ito:


binigyan ako ni ielee (the anime master!) ng torrent ng The Melancholy of Haruhi Suzumiya. okay din pala. kakaiba ung story. tapos na ako sa season 1 e. gusto ko sanang i-download na ung season 2 kaso gusot ko munang malaman kung ilang episodes ba ung 2 neto tsaka kung ano-ano un pagkakasunod! may mga nakita kasi ako sa mininova kaso di ko alam kung nasa yun ba ung tamang chronological order.


**
solve na solve ang weekend ko! sana laging ganito. :)

20 July 2009

Tour and Movies

July 19

Old Manila Walks

isa ako sa mga pinalad na makasama sa joint project ng Youth Trip Philippines at One Tama-- free walking tour sa Intramuros. akala ko talaga wala na akong chance na makasali kasi late ko na nakita sa facebook, ayun. buti naman nakahabol pa ako. :P hahaha.

One Tama rep and Ivan ManDy

230pm ang assembly time sa Plaza Roma. wala akong kakilala kahit isa sa mga makakasama ko sa tour, even the organizers di ko pa talaga kilala. kaya stalker mode ako. :P sinusundan ko ung mga mukang turista sabay tanong kung kasama sila sa tour. hahaha. buti ung mga natanong ko, kasama talaga. yeh! nung nakumpleto na kami (40+ tourists), gow na agad sa tour. nga pala, ang tour guide namin ay si Ivan ManDy.

San Agustin Church

na-refresh ang Phil. History ko habang bumibisita kami sa ibat-ibang lugar sa Intramuros. parang bumalik ako sa 1521 nung pinuntahan namin ang San Agustin church museum, Manila Cathedral, WW2 crypt, Casa Manila. pag nakapasok kayo sa San Agustin museum, pansinin niyo ung mga ibang santo nila. Hispanic in nature pero mga singkit ang mata nila. :P (imagine Mama Mary na singkit). kaya pala ganun ung pagkakagawa sakanila kasi mga Chinese sa Binondo pala ang umukit ng mga un. :P haha. dati daw kasi sa mga Chinese nagpapagawa ung mga prayle ng mga santo. e dahil sa Buddhist ang mga Intsik wala silang idea kung ano ba talaga ang itsura nila Mama Mary, Jesus Christ kaya pinattern na lang nila sa mga Buddhist Gods ung itsura. haha. share lang. :P

claire, regina, me and Jochem

nakakaaliw kasi mas maapreciate talaga natin ung isang bagay pag madami na tayong nalaman tungkol sa bagay na yun. bukod sa madami na akong natutunan, madami din akong naging friends. :)

okay na first to para saking mahilig mag-travel. magsimula sa malapit bago lumayo. woooh! sana eto na din ang sign na matutuloy lahat ng travel plans ko this year. ;)

anytime this month, sa Binondo naman ang trip ko. :P

**
pagkatapos sa Intramuros, dumiretso na ako sa CCP for Cinemalaya Cinco.




nakasama ko naman dun sina Ivan, Valerie, Jill, Pol, Mariss, Ghene, Rai at Elyse. napatagal ang kain namin sa Dencio's kaya Shorts na lang ung naabutan namin.

personal favorites ko ang Tatang (social issue) , ung thesis ng UPFI students na nanalo din sa Indie Un-Film (nakalimutan ko na title. shocking ang plot twist! kinilabutan ako! hahaha. ) at Wat Floor Mam (satire). eto ung first time ko na makapanood ng mga shorts.:P haha.

nastarstruck ako kay Nikki Bagaporo. pero mas malupet si Elyse! talagang chinika pa niya. "may kasama ka ba?" FTW! hahaha! aliw lang. gusto ko din sanang chikahin si Robert Sena (isa sa mga direktor ng Wat Floor Mam) kaya lang nahiya ako. :P tsaka sayang kasi di namin naabutan ung gala ng Astig. oh well.

if you have lotsa free time this week please head on over to CCP. Support Filipino Indie films. Watch Cinemalaya. :)

**
medyo late na nakauwi kaya dito na natulog si pol sa bahay. bago siya umuwi kanina, nag-date pa kami sa SM Dasama. <3






15 May 2009

Bonding

after so long umuwi na din si au sa cavite! haha. graduate na kami lahat lahat ngayon lang ulit namin siya nakasama sa summer! timing naman dahil problemado ako kaya kinaladkad ko siya na makipagkita sakin. kahit wala kami parehas na pera gow lang. :) nakipagkita na din kami kay jhe para masaya. :P


problemado look


rea and au


chain s.

walang nagbago. :) ganun pa din siya! loka-loka at lost pa din lagi. tapos pag magkakasama kaming 3 sobrang ingay namin! napapatingin ung mga tao sa SM foodcourt dahil ang lakas ng mga boses namin. haha. saming 3, si jhe pa din ang pinakamalakas bumanat.:P

au: (hiniram ung salamin ni jhe) bagay ba sakin?
jhe: bagay au! muka kang executive jan! executive na nanay na.
au: ano ba yan!
jhe: at least executive. pero muka ka na talagang nanay. :P

umaksyon din kami sa SM dahil may nakita kaming kahinahinala. tsk tsk. very wrong talaga!

ayun. masaya ako na nakasama ko ulit sila. nakakawala ng stress. :P sana talaga matuloy yung plano ni au na magdate sa puerto galera next week. :P

ngayon naman, nagkita kami ni pol na fresh na fresh galing galera! haha. okay na kami. :)


nagbonding kami sa veranda. naglatag ng kumot, humiga at pinanood ang sky. haha. mas naiintindihan na naming dalawa ang mga personal needs namin kaya cool na kami. mabuti na din siguro yung nangyari kasi naagapan namin kung ano talaga yung problema. ayun. happy na! :) haha.

at dahil nakabalik na siya bumalik na ako sa pagiging matakaw! haha. napansin kasi niya na naninilaw na ang aking mga mata at namutla nako nang bongga. (PS: hindi ito isang pagrerebelde dala ng depresyon. wala lang talagang pagkain sa bahay dahil napakarami namin dito.:P food shortage kumbaga. )

back to normal na ulit. :)

01 May 2009

Job Hunting

in Brit accent dapat yan. :P

spent the last day of april and first day of may looking for a job. :P



April 30. nagpunta kami nila mariss, ban at pol sa Unitel Makati para magpasa ng resume. ang cool ng office nila. mukha siyang warehouse sa labas pero sa loob sobrang bigtime. ang sarap mag-opisina dun kung saka-sakali. haha. sana naman may chance kami dun tutal per project naman ang trabaho dun e.. kahit isang project lang na makasama ako sakanila masaya na ako. :)

sobrang saglit lang kami sa unitel. pagkapasa ng resume, sibat na. :P haha. kaya niyaya namin gumala ang mga Makati bound friends (sunday,ven and drew). naghintay kaming apat sa glorietta. sakto namang may career fair din dun kaya sumubok sina mariss at ban. di kami sumubok ni pol kasi di namin trip ung mga trabaho na nandun kaya sinamahan na lang niya ako sa Mac. makeup heaven! haha. sa una kong sweldo bibili talaga akon ng makeup pot nila. grrr.

di nakarating sina ven and sunday sa glorietta kasi maaga pa daw ung pasok nila kinabukasan kaya pinressure nalang namin si drew na mag-undertime sa trabaho niya at manuod ng sine. :P haha. pinanuod namin ung X Men Origins. first time kong manuod ng sine sa glorietta. :P haha. pagkaupong pagkaupo namin sa loob ng sinehan kumakana na si drew ng, "wooh! ayan na!" tapos habang pinapalabas ung movie may mga side comments siya. :P nakakaaliw. :P panalo talaga ung mga comments ni drew na:

"mahirap talagang pagkatiwalaan ang mga bulag. " (referring to Cyclops)
"okay na din na nakalimutan niya si Kayla para di na siya masaktan." (Wolverine forgetting Kayla)

based on experience ba to boi? :P

ang ingay namin dun. :P buti di kami binato ng popcorn. :P haha. tungkol naman sa movie, sobrang bangis ni wolverine! haha. di talaga ako fan ng xmen pero dahil dun naging instant fan ako. :P haha. gusto ko na nga din mag-collect ng marvel comics dahil dun kasi sabi nila ban at pol sobrang ganda daw talaga. :) yeh!

dinner sa world chicken.




tapos uwi na. :)

Labor Day kaming apat pa din ang magkakasama. pumunta naman kami sa Jobapalooza 09 sa SMX.


sobrang haba ng pila! pucha. parang pila sa reality show auditions e! grabe! nakakapanghina na nga pumila pero gow gow gow pa din kami kasi sayang naman ung pagpunta namin dun diba? :P pero pagpasok din naman namin dun parang wala din kaming masyadong naapplyan. puro call centers, BPO, overseas.. hay.

muntik pa kaming makauwi nun kasi nadiskarga ung baterya ng sasakyan ko. :P haha. habang hinahanap pa naman ung sasakyan ko sa parking sabi ni pol, "baka sayo ung nakahazzard a?" sabi ko naman, "hindi a!" tapos pagtingin namin, un nga. :P deds ang baterya. :P buti na lang tinulungan kami ni kuya guard at kuya driver na i-jumpstart ung kotse. :P yeh! ambangis din magtulak ni pol! haha. isang kamay lang o! :P haha.



paguwi, nagshare si mariss ng malupit na kwento. haha. yihee! :P

kahit meron na akong trabaho gusto ko pa din humanap ng raket.:P kung di man ako nagtagumpay sa mga job fair na pinuntahan ko at least naexperience ko ung mga ganun tsaka nakagala ulit ako. :P haha.


PS: Pictures courtesy of Paul-Kristoffer Putong.

22 April 2009

Job Hunting: Phase 3

interviews.

April 21, 2009

first real job interview. di ako nakatulog sa sobrang kakaisip ng mga isasagot sa interview. :P kaya 4am palang gising nako kahit 2am ako natulog. :P haha. umalis ako sa bahay ng 530am kasi baka matraffic ulit ako papuntang taft pero badtrip talaga kasi 7am palang nandun nako sa taft station e 10am pa ung interview! anong gagawin ko ng 3hours diba? :P badtrip talaga. :P sobrang binagalan ko na lahat ng ginagawa ko pero mas mabagal pa din ung oras pag naghihintay. 815am nasa gudalupe nako, dun kasi ung company e tapos hindi ko na kinaya ung matinding pagtambay ko sa 711 kaya 9am palang e pumunta nako dun sa office para magreport.

buti na lang un ang ginawa ko kasi andami ng nakapila for interview.:P haha. bago ung mismong interview, exam muna. naaliw ako kasi abstract reasoning at math ung laman ng exam. e parang 4 years akong hindi nag-Math ng bonggang bongga. :P more algebra more fun ako sa exam.:P haha. 1 hour ko din ung sinagutan so saktong 10am tapos nako. :P habang naghihintay nakilala ko si kuya bryan na graduate ng DLSU. events associate ung inaaplyan niya. nameet ko din ung 1 girl dun (hindi kami nagsabihan ng pangalan.:P) na ang inaaplyan ay receptionist. so nagtaka ako kasi bakit iba-iba. naisip ko na baka BPO un at tama nga ako. :P bago matapos ung interview sakin pinaliwanag nung HR na hindi daw ung mismong company nila ung naghahanap ng admin associate kundi ung client nila-- call center. :P haha. yun naman. :P medyo nafrustrate ako kasi umiiwas talaga ako sa mga ganun kaso nagkakataon naman na un ang dumadating. hay. pero di pa naman ako tanggap. tatawag pa daw sila for confirmation. pag natanggap daw ako may training pa akong kailangang pagdaanan (basic typing and transcribing). hay.

pagkatapos ng interview dumiretso ako sa tanza para bisitahin si pol. :)

April 22, 2009

may interview din ako dapat ngayong araw na ito kaso pinaresched ko kasi nahaggard nako sa pagluwas. :P

nagpahinga lang ako ngayong araw at nagpicture-picture dahil kinukulit ako ng mga pinsan ko. :P lalo na si ericka! super vain! :O









chill lang ako DAPAT ngayong araw na to kaso bandang 830pm tumawag sakin ung HR ng isa pang company na inaaplyan ko. akala ko sasabihin lang niya sakin ung sched ng interview kaya lang naging JOB INTERVIEW na siya. grabe. on-the-spot. alam mo ung nakahiga ako dun at nagmumuni-muni tapos biglang may dumating na malaking stress?? hay. mukang tanga tuloy ung mga sagot ko dun kasi nabigla talaga ako e! as in. puro 'hmm.', 'ahhh.' ung mga sagot ko tapos ambilis-bilis ko magsalita! (ganito talaga ako pag tensyonado). tsaka kaya di din ako makasagot nang maayos kasi nakalimutan ko na kung ano ung position na inaaplyan ko sakanila. :P parang nabadtrip nga ung HR sakin kasi ganun ako sumagot.:( feeling ko tuloy nung mga oras na un ako ung pinakabobong tao sa buong mundo! :( grabe.

pero hindi! think positive!!

may interview ulit ako bukas at sa friday. wooh! gow!

18 April 2009


nagkitakita ulit kami after college grad. shocks. tagal na pala naming magkakaibigan! haha. matatag pa din kaming 4 (pero wala si au kanina). same old friends pa din sila kahit hindi kami masyadong nagsama nung college. ang saya kasi parang walang nagbago.:P ang lakas pa din naming manlait at sobrang ingay pa din namin. haha.

nagbonding muna kami sa SM over dinner tapos nung nagsara na ung mall tumambay kami sa parking lot. nung nawalan ng kotse sa parking lot kina jhe na kami dumiretso para magbonding pa. haha. nonstop chikahan talaga. :) wala. sobrang nakakamiss! sa 1 taon kasi, parang 5 beses ang kami nakakapagbonding talaga. ewan ko lang ngayong year kasi graduate na talaga kami. hay.

12 nako nakauwi. dapat kina jhe na kami matutulog e kaso hindi naman kami nakapagpaalam ni mic sa mga pamilya namin. sayang. biglaan kasi tong bonding na to e! haha.

sabi ni jhe, ang next big event daw na pupuntahan ng tropa ay kasal.:P sino kaya unang magaasawa samin? si milcah? :P hahahahahahahaha. :P

**
bago pala ako makipagbonding kina jhe at mic, ay nakipagbonding muna ako kay pol. :) pumunta ako sakanila. haha.

buti na lang talaga at nakuha ko na ung license ko. :) sinisipag ako magdrive kung saan-saan. :P

28 March 2009

Ghene's Grad celebration

(kadugtong lang to ng Jaycee entry pero gusto ko lang ihiwalay.:P)


another grad celebration. :) kay ghene naman! haha.

mga 3pm na ata kami nakarating sakanila. nung pagpark sa basketball court ng lugar nila mejo lost pa kami pero sabi ni pol, "follow the videoke". :P at nakarating nga kami! haha. daming tao! dami ding pagkain! pag nauubos ung pagkain sa plato namin, pinipilit kami ni ghene na kumuha pa ulit. haha. nakakaloka talaga. :P sobrang kabusugan. :P

pagkatapos kumain nagPSP na lang kami ni pol kasi nagaaway sina ghene at rai. :P nagulat nga kami kasi biglang may mga ganung usapan sila sa harap namin.:P haha. buti na lang dumating si elyse para mabalanse ung tensyon. :P sayang din kasi di namin naabutan si andrew..





ayun. lamon mode ulit. maaga kami umalis kasi kelangan kong umuwi ng maaga.. may lakad pa kasi kami e..

nag-SM pa kami ni pol kasi may mga binili pa ako tapos uwi na. :)

sa overnight na wala ako sa bahay, pakiramdam ko tumaba ako. :P pano ba naman kasi ang daming pagkain sa induction, kina niqui, tapos kina ghene pa! waaaah! :O

27 March 2009

Jaycees Induction

March 26


18th induction ng JCI at 2nd induction naman ng JJC. :)

630pm nasa Fedora na kami ni Pol kasi sabi sa GM, 7pm sharp daw magsisimula. pagdating namin dun, 4 palang kami.:P haha. bandang 8pm, marami-rami na kami dun pero di pa din nagsstart kaya nagkainan na lahat. :P pagkatapos ng kainan, dun palang nagstart. bale mga 9 na un. :P haha.

induction.








pinasa na ni Marvin ang JJC presidency kay Tina, tapos pinasa naman ni kuya Raymond ung JCI presidency kay kuya Weewee. astig nung speech ni kuya weewee! kada aakyat siya sa stage may mga firecrackers.:P lakas e. haha. tapos dun sa speech nung NP ng JCI, sinabi niya na nilalakad niya si Marvin bilang next National President ng Jaycees! astig! haha. ayun. nagpicture picture lang ako dun. nagppractice ako ng night photography. hanggat maari kasi ayoko gumamit ng flash. :)



so ayun. official member na ako ng Kalero. :P talagang dumadayo pa ako sa bayan ng noveleta para magcommunity service diba? haha. pano ba naman kasi, parang hindi naman active ang jaycees dito sa dasma. pero kung sisipagin ako, bubuhayin ko un next year para di na ako dadayo. :P haha.


after ng induction, dumiretso kami sa graduation celebration nila niqui. :)



kahit madaling araw na kumain pa din ako kasi nakakahiya naman kay niqui. :P (matakaw lang talaga ako. :P) tapos natatawa ako sa kwento ni chip! haha. naging saviour daw siya nung 1 magulang na nahimatay nung graduation namin. talagang enthusiastic siya magkwento e! with all the facial expressions,gestures and intonation! haha. nakakaaliw. :P

mga 2am umuwi na kami ni pol. kasabay namin si coco. :) ang hinhin talaga ni coco! nagdadrama siya na kelan kaya mauulit ung magkakasabay sila ni pol pauwi, kung kelan mauulit ung mga bonding.. awww. nalungkot lang ako dun kasi kahit di pa kami bonded ni coco nararamdaman kong mabait siya. :) first time ko ding makarating sakanila. ganda pala ng lugar nila! sobrang lapit lang ng bahay nila sa munisipyo, police station at simbahan. safe na safe tumira dun.:P

mga 230am nakauwi na kami. (kina pol ako natulog.)





24 March 2009

Mel's Grad Celebration



di pa lumilipas ang 24 hours ko bilang graduate, may lakad na ulit ako. :P haha. nagtext kasi bigla si mel na may handaan daw sila, so gow ako kasi wala namang gagawin.



sabay-sabay kami nila maris, pol at martin an nagpunta sa tagaytay. pagdating namin dun, may ganito sa entrance ng bahay nila:




un o! haha. tapos ang daming tao! sabi nga ni mel, kahit sino pwedeng pumunta. kahit hindi kamaganak, kaibigan, basta napadaan sakanila welcome na welcome. haha. parang ang saya na tuloy tumira malapit kina mel. kada may handaan, pupunta na lang basta basta. :P stig.

daming pagkain! kada 2 hours ata pinapakain kami ni mel. :P haha. pampered talaga kami pag nasa kanila. :P bukod sa malamig sa lugar nila at madaming pagkain ay mababait pa ung mga tao dun.

sumunod din si benya babes. pagdating niya, kumain ulit kami. :P haha.

nag-tour kami sa bakuran nila mel. :) ang daming mga tanim! parang one-stop-shop na! may kape, gulay, prutas. tapos may mga native manok pa na pagala-gala dun. so pag nagutom ka, labas ka lang sa bakuran nila at tiyak may maluluto ka. haha. amazing!

nagpusoy dos. kain ulit. bonding. amazing ung pamilya ni mel! lahat sila magagaling kumanta. ang galing nung duet nila ate emylou at ni kuya. haha. winner! powerful din ang boses ni mother dear, Alone ang binabanatan! haha. ang saya!

mga 930pm na kami umalis dun. hindi namin namalayan ang oras. :P

thanks mel! congrats satin! :)



20 March 2009

peace y'all!


baccalaureate mass.



very inspiring yung homily kanina. tungkol sa love. love the people who loves you. love the people who stood by your side through thick and thin and love those who have wronged you. at siyempre, hindi ko naman mararating ang kinalalagyan ko ngayon kung hindi dahil sa sobrang pagmamahal ng magulang, mga kaibigan at ka-ibigan ko sakin. at gaya nga ng laging sinasabi ni arlon, thank YOUUUUUUUUUUUUUUUUUUU sOOOO much! :) haha. (high pitch dapat.:P)

nag-class picture taking din kanina kaso medyo malungkot kasi hindi kami kumpleto. :( wala sina chax at weizel. hay.

nag-reunite kami ng ilang members ng friends forever.:P dapat sa grad kumpleto tayo! woooh!

at ng foureal!





from Pol

kasabay ko din sa baccalureate si Princess, pinsan ko.



nakita ko din yung iba kong HS friends -- Milcah, Meynard, Hazel at Joy. kaya lang wala kaming picture kasi haggard na haggard na sa loob. :P haha.


naglunch kami sa David's tea house kasama sina tito at tita. nandun din sina Julianne at Airick. :) dami naming inorder! parang wala ng bukas e. :P haha. ang saya-saya ng bonding namin. :)

hay. we're just few days away from our graduation. wooooooh! Gow!


share ko lang yung kanta ni katy perry. thinking of you. :(