pangalawang beses ko palang ata kanina nagsimba sa buong 1st quarter ng 2009. gumanda na ung simbahan sa bayan pero routine pa din ung misa. upo, tayo, luhod. madami pa ding mga batang pagalagala sa simbahan habang nagmimisa tska madami pa ding simbang tabi (ung nandun nga physically sa misa pero lumilipad naman ung utak). siguro masasabi kong kasama ako sa mga nagsisimbang tabi.:P hindi ko masyadong naabsorb ung Gospel, hindi ako sumasabay sa mga kanta at tulala lang ako nung Homily. alam mo un, parang robot lang ako dun na pagsinabing tumayo, tatayo naman ako. wala lang. *i really really hate to say this. patawarin nawa ako* boring kasi.. parang hindi ko nararamdaman ung presensya Niya sa ganung setup...
bigla ko tuloy namiss ung ILYG. :( nung ILYG kasi wala kaming ibang ginawa kundi magworship. :) dalawang beses sa isang araw kami kung magsimba pero sobrang ganado ako makinig at magparticipate! tapos nakaka-LSS ung mga kanta nila! parang kada misa namin, may bago silang kakantahin. choir sila pero astig! mala-sister act! haha. may banda din! emo nga ung vocalist pero worship song ung kinakanta niya. hay. tapos paglabas ng Church magpapalitan kami ng mga naiisip tungkol dun sa Gospel hanggang pagbalik sa tinutuluyan namin un ung paguusapan. minsan din pag nakatengga lang kami bigla bigla may kakanta ng "King of Majesty" tapos un na, masaya na ulit. hay. nakakamiss. :( un ung mga pinakabanal na araw ko.. ung 1 week na stay ko sa Australia.. parang tinubuan ako ng halo sa sobrang pagwoworship namin sa ILYG kaya lang paguwi ko ng pinas, ayun. boring na ulit ung mga misa.. hay.
gusto kong ibalik ung ILYG feeling kaso halos lahat ng simbahan na mapuntahan ko conservative.. hay. kung isa-suggest ko kaya sa simbahan samin na dapat maging lively ung mass, makikinig kaya sila? :P feeling ko kasi mas madaming kabataan ung maeengganyao magsimba kapag "cool" ung mass. haha. kung 4 na beses nagmimisa sa isang araw, kahit man lang ung 1 misa dun e tatawaging "mass for the youth" ay okay na sakin. hay. sana magkaroon. sana din marealize ng mga tao sa simbahan na dapat mejo sumasabay sila sa takbo ng panahon. tipong reinvent the church. :P (pwede ba un?:P) wala lang. share lang.
iniinvite kami ni drew na magworship sa church nila. baka umattend ako dun minsan. try ko lang kung mababalik ulit ung "feeling". haha.
eto nga pala ung mga favorite worship songs ko. :)
happy easter! :)
Note: free writing at around 251am kaya mejo ganyan ung pagkakasulat. :P

2 comments:
paano marerekindle ang faith mo? bili ka ng our daily bread at saka sarili mong bible.. new international version, or new king james version ang magagandang versions ng bible.. or kung gusto mo parang colloquial english eh new century bible version.. tsaka mag invest ka sa mga christian cds.. suggestion ko ay, (but of course) hillsong at hillsong united, delirious?, israel and the new breed at saka kung meron dyan, mga cds ng christian city church.. maa-uplift ang spirit mo pag ginawa mong everyday habit ang pagbabasa ng bible.. maganda din na gawin mong goal every year na mabasa lahat ng 66 books ng bible.. ginagawa ko yun ever since nakabili ako ng sarili kong bible, and trust me, magandang investment ang magbigay ng panahon sa salita ng Diyos..
ise-share ko lang yung isa sa mga favorite verses ko sa Psalms.
Psalms 37:4 (NIV)
Delight yourself in the LORD, and He will give you the desires of your heart.
keep the faith alive.. kung may mga tanong ka about spiritual stuff, feel free to share them with me.. i've always wanted to talk to someone about the Gospel.. (haha napaenglish! sensya na..)
wow, andami ko na palang natype.. kung gusto mo, email mo ako minsan.. azure_grl31@yahoo.com
God bless you.. ^_^
wow. thanks! :) pag may extra money ako bibili ako ng hillsong. ang ganda pala kasi ng mga kanta nila.
sige email kita pag nakapagbasa na ako ng mga tungkol dun.
salamat ulit! :)
Post a Comment