11 April 2009

Holy days

Maundy Thursday




matapos ang isa't kalahating buwang bakasyon, umalis na ulit si daddy papuntang korea. dun naghihintay ung sasakyan niyang barko tapos pupunta ata sila sa dubai at canada sa mga susunod na buwan. hinatid namin siya sa airport. sobrang nalungkot ako nung hinatid namin siya. first time ko kasi sumama maghatid sa kanya. dati kasi busy ako o kaya may pasok kaya hindi ako nakakasama. wala lang. eto lang ung naiisip ko nung mga oras na un, either tumigil ung oras para hindi na siya makaalis o kaya bumilis ung oras para hindi ko mamalayan na nakapasok na siya sa airport. basta. ayoko ng unti-unti ko siyang nakikitang pumapasok dun tapos naiiwan kami. hay. pero kailangan niyang umalis.

pero nakakatuwa kasi konti lang ung mga namiss niyang events sa buhay ko. wala siya nung araw na pinanganak ako at nung binyag ko pero nandun siya nung 1st birthday, 7th birthday, debut, at mga graduations. gumagawa talaga siya ng paraan para makasama kami sa mga milestones namin. :) sana sa araw na ikakasal ako nandun din siya..

hay. ingat daddy! we love you! :)


Good Friday

nakikinig ako sa Siyete Palabras (nakikinig lang kasi nageedit ako nun e) nung hapon at naiyak ako dun sa reflection dun sa ika-apat na wika. nagkwento kasi ung pari (di ko nalaman kung sino siya! grrr.) tungkol sa dati niyang kasintahan. nung magpapapari na daw si Father nagpaalam siya sa girlfriend niya na kailangan na nilang maghiwalay dahil nga gusto niyang maging pari. ang sagot nung girlfriend niya sakanya, "sige. kung yan ba talaga ung gusto mo. ano ba namang laban ko sa Kanya." 10 years after, nagkita ulit sina Father at ung gf. kaya sila nagkita kasi magpapabless ng bahay ung babae. bago ung araw ng house blessing sobrang kabado daw si Father kasi natatakot siya na makikita niya ung dati niyang girlfriend na may pamilya na pero nung araw nung blessing naging okay naman na lahat. tinanggap na ni Father na magkaibang landas na talaga ung tinahak nila at madami ng nagbago. sabi pa ni father (at dito ako naiyak!), "masakit man sa akin pero kailangan kong tanggapin na yung pinakamahalagang parte ng buhay ko ay pinakamahalagang parte na ngayon ng buhay ng iba."

hay. nakakalungkot. :(


Black Saturday

natapos ko ng basahin ung The Watsons Go to Birmingham--1963. tungkol sa racial discrimination sa mga african americans. ang ganda. :) kung nabasa ko lang to bago ung inaugural speech ni obama malamang nagpunta talaga ako sa washington para maramdaman personally ung victory niya. :P haha. seriously.

gusto ko ung part na to. Ung nagaaway sina Kenny at Byron.

Kenny, things aint going to be fair. How's it fair that two grown men could hate Negros so much that they'd kill some kids just to stop them from going to schoo? How's it fair that even though the cops down there might know who did it nothing will probably ever happen to those men? It aint. But you just gotta understand that that's the way it is and keep on steppin'.


**

ang sad neto:

If you’re reading this and you’re working in the same small circle that is the publishing industry, you might have heard the recent move of Summit to close T3, Marie Claire and Seventeen. Three really good foreign franchise titles closing down.

Read more




waaah! why oh why!!! pangarap ko pa naman makapagtrabaho sa marie claire! :( favorite magazine ko un e. kasama nga siya sa grad photo ko kasi dun ko talaga gusto magtrabaho. kaso wala na. :( sayang naman..

i will surely miss marie claire..


**

ineedit ko pa din tong blog na to kaso nasira ung photoshop kaya baka matagalan ulit bago ko maedit ung miscellaneous part. tinanggal ko na ung tagboard at pinalitan ng comments. sana magcomment kayo sa mga posts ko. :)

un lang naman. :)







5 comments:

jaymee said...

ui. nagcomment ako ha? hahahah! kalungkot nmn. d bale bilis lng panahon, magkikita uli kau ng daddy m. iba tlga ang feeling pag may aalis, pero mas nakakalungkot kung ikaw ang aalis. kc makikita m ung mga maiiwan m. hayyy. atlis ngkasama kau ng daddy mo.

--sana imbayted ako sa kasal nyo ha! hahaha!

joy orio said...

ganda nung pic mo ate rea nung may magazine. :) saka nakakaiyak nga yung kwento nung pari :(

forg/jecoup said...

@ Marie Claire: Nabalitaan ko nga yang nangyari sa mga magazines na yan, sayang naman. Medyo nagulat ako sa 17 akala ko malakas yun sa market

@ Syete Palabras: may kunting bahid ng bitterness si father :D

Wanderful said...

@jaymee - onga e.. hay. sana safe siya dun. sa norway ung base nila e. :P baka magkita kayo ng tatay ko dun. hahaha.

oo naman invited ka! invited din ako dapat sa kasal niyo ni derick! haha. kahit saan pa kayo magpapakasal pupunta ako. :P yiheeeeeeee!

@joy - thanks! :) mega iyak na naman ako nung nadinig ko ung story niya. napaisip tuloy ako kung lahat ng pari may ganung story.. :)

@forg - onga po e.. nakakabigla po talaga ung sa 17. :( sayang talaga. mahal na daw po kasi ung franchise license. hay.

haha. nung nadinig ko nga ung story ni father bigla kong naalala ung commercial ng mcdo. ung huling el bimbo. :P hahaha.

jaymee said...

o tlga? sna nmn magkita kmi ng daddy m. ingat lng cya lagi.

bwahahahaha! oo cge imbayted kaukau pa! hahahaha!