rumaket ako bilang production assistant sa 6th Anniversary ng Kids Only. naghahanap kasi sina reg ng mga tao para tumulong dun sa event. buti naman at napili ako. :) kasama ko din dun si aya tsaka mga kapatid ni reg. :)
bibo kid ako dun sa event. 9am ang calltime, 8am palang nasa glorietta nako. :P haha. sobrang bilis ba naman kasi ng biyahe! kala ko mata-traffic ako sa imus kasi first day ng wagayway. akala ko may parade pa un pala wala kaya tuloy-tuloy lang biyahe. :P ayun. tambay hanggang sa dumating na din sina aya at reg..
ang saya ulit mag-prod. :) nagrereminisce nga ako ng TJF moments ko dati habang nagaassist sa host, crew at sa mga bata. kung ano ung tension na naramdaman ko dati nung college pag may prod, dumoble kanina kasi totoo na talaga. :P "mainstream" event na to. :P haha. wee! kaya nagpapasalamat ako sa mga MPR boys at CPC dahil nabigyan talaga ako ng sapat na training sa prod. :)
guests namin sina tintin bersola (idol!!) at kuya kim. bumisita din si lito atienza, julius babao ayt ung anak nila ni tintin. :) nag-PA din ako kay ms. tintin! binigyan ko siya ng upuan. :P haha. (o diba achievement. :P) kaso di ako nakapagpapicture sakanya kasi nahihiya ako. :( sayang. haha.
nakakapagod maghabol sa mga bata at makipagusap sa mga nakakalokang mga nanay pero sulit naman kasi madami akong natutunan sa experience na to. at madami din akong nakuhang mga freebies. :P hahahahahahaha!
thanks to regine juan, montage advertising and philippine star (the only paper you read from cover to cover) for giving me the opportunity to be a part of this event. next time po ulit. :) and happy 6th birthday KoKo (Kids Only mascot)! :)

2 comments:
wow saya naman niyan racket na yan. Naku gusto ko rin naman rumaket ng mga ganyan kaso walang I'm a prisoner sa work haha
masaya po rumaket kaso "seasonal" lang e. :p haha. okay lang po yan. stable naman po ata kayo sa work niyo e.. :)
Post a Comment