23 May 2009

Roadtrip

May 21

dahil sa wala akong trabaho sa araw na ito, sumama na lang ako sa Brigada Eskwela ng JCI at JJC sa isang elem school sa Noveleta.



first activity ko to kasama sila kaya medyo di ko pa kilala ung mga ibang nandun pero mukang okay din naman sila. :) na-enjoy ko ung Brigada. nagpintura kami dun ng pader! haha. feeling ko nga sponsored ng LA Lakers yung school kasi violet at yellow ba naman ang kulay! :P

lunch time kina roi tapos tumambay muna ako kina pol dahil sobrang inaantok talaga ako. di talaga kasi ako morning person kaya madaling maubos energy ko pag araw :P bandang 4pm nagtext si monchi kay pol na manlilibre daw siya sa yellow cab dahil bisperas ng birthday niya. buti naman okay lang kay monchi na sumama ako sakanila kaya gow na! :P

naghintayan kina donna at sa orange county. nakilala ko ung ate ni akim! grabe! crush ko na si ate! powerful ng dating. gusto ko din maging katulad niya. yung tipong headturner. :P haha. stig talaga!

9pm na kami nakaalis sa orange. di ko alam kung bakit via amadeo ang route namin papuntang tagaytay kasi sobrang tagal ng byahe e! nakwento na ni bry ung lovestory nila ni noelle wala pa din kami sa tagaytay! ganun kahaba. :P haha. kaya naman pagdating namin sa yellow cab lahat kami nakaabang na sa food kasi gutom na kami. :) nandun din pala sina derick, jaymee, micah, regine, and regine's friend sa tagaytay. :)



umorder si monchi ng 5 boxes ng 18" pizza, pasta (di ko alam kung anong tawag dun pero may peanut sauce siya) at chicken. bigtime! sumuko na ung tiyan ko sa 2 slices ng pizza. bigat sa tiyan.:P


kami na ung last customer sa yellow cab kaya nung nakalabas na kaming lahat pinatay na ung ilaw. :P

tambay saglit sa rotonda. nagiisip kung saan ulit tatambay. walang maisip kaya balik sa orange at hindi nako nakauwi. :P haha.

3am na kami nakauwi ni pol sakanila. :)

thanks monchi! thanks obzite! at home na at home nako sa inyo. :)

May 22

3pm na kami umalis sa tanza. paguwi ng dasma dumiretso kami sa canteen kasi gustong laruin ni pol si JP kasi uuwi na ulit si jp sa pampanga. :( ayun. tinuruan ko si pol magpakain ng baby at ung tamang pagbuhat. haha. ang cute nilang dalawa! :P

May 23

staff meeting sa barrio fiesta bacoor. dami kong assignments at may 2 weeks ako para tapusin lahat un! woooh!!!

**

may raket pako bukas kaya matutulog nako. :)


No comments: