24 July 2009

Cinco Dos



nag-Cinemalaya ulit kami ni pol nung wednesday. movie marathon. :P watched Dinig Sana Kita (315) , Walking the Waking Journey (615) and Astig ( 9).


Dinig Sana Kita (Mike Sandejas)


A love story between a deaf boy (Romalito Mallari) who loves to dance and a troubled rocker (Zoe Sandejas) who abuses her hearing.
first impression ko dito, boring. :P ang gusto ko talagang panoorin sana ay Engkwentro kaya lang sabi ni Elmer kay pol okay daw edi gow na. at totoo nga ung 'review' ni Elmer. maganda ung movie. simple lang pero makabuluhan. kung di ako nagkakamali, eto ang first pinoy indie film na nagpaiyak sakin. :) tagos sa buto e! lalo na ung bandang patapos na! solid na solid ang tama.:P hahaha. natalakay din dito ung estado ng SPED sa bansa. madaming mga teachers ang napipilitan umalis ng bansa kasi walang suporta galing sa gobyerno. ayun.

habang pinapanood ko ung movie, naisip ko na sobrang galing umarte ni Kiko (Romalito Mallari) bilang bingi. parang sanay siya mag-sign language. naisip ko na baka matinding workshop/immersion ang pinagdaanan niya para magampanan ung role yun pala totoong deaf siya at totoong abandoned child pala siya. :( at ang Dinig Sana Kita ay ang message in a bottle niya para sa tatay niya na di pa niya nakikita. awww.

with Kiko. :)

bukod sa maganda ang pelikula, maganda din ang OST. :)

Walking the Waking Journey (Documentary)

tungkol sa pagpupursigi ng mga Himalayan kids na makapagaral. isipin mo, mula sa village nila 6-10 hours (for 16 days!) silang naglalakad sa bundok (18,000 ft above sea level!) para lang makarating sa school nila! ang they're only 5, 10 years old. grabe. may isa pa nga dun, baby palang sinasama na sa journey. lahat to tiniis nila kasi may pangarap sila sa buhay. :) good documentary. di lang win ang narration dahil nakakaantok. :P

Astig (GB Sampedro)


The film tells the stories of the tough guys of Manila and their resolve to survive the dirt and film of the "Distinguished and Ever Loyal City"

hmm. quite disappointing. mas okay sana kung nagfocus na lang sila sa 1 social issue. mas magiging malalim kasi ung message pag ganun or siguro hindi lang talaga nila na-execute nang tama kaya parang wala masyadong dating.. ayun. sana tinanggal na lang nila ung istorya nung 2 pang character at nagfocus na lang kina Sid Lucero, Glaiza de Castro at Dennis Trillo (Dennis in a different light. :P barumbado siya dito. :P) oh well. pero maganda ang OST at cinematography. :)

**
sana mapanood ko pa ung mga ibang pelikula sa Cinemalaya kaso hanggang Sunday na lang e.:P

**
nag-clearance kami ni pol kanina. pahirap talaga tong CAD clearance. kung walang ganun, tapos na kami. grrr.



No comments: