06 July 2009

ETV

bago ako tumuloy sa field work ko sa GMA 7, dumaan muna kami saglit ni pol sa DLSU-D para kunin yung alumni card namin. kelangan ko kasi yun para makakuha ako ng discount sa tuition fee (estudyante ulit ako.:P). tapos tumambay muna kami sa CLASC office para makita ang bagong rebond na si libay. :P hahahaha! pupunta din sana kami sa guidance office (parang SOP kasi sa mga alumni na magreport dun. :P) only to find out na hindi na pala si Ma'am Arlene Bernardo ang guidance counselor ng mga COM. actually wala na din dun sina Sir Ilas at si Ma'am.. (forgot the name. basta ung counselor ng mga Psych) kasi ang ginawa pala, per college na ung mga counselors instead of per course. so aun. sabi ni libay, nasa CBA na daw si Ma'am Bernardo tapos CLE naman si Sir Ilas. :( parang andami nang nagbago after namin gumraduate. 3.5 months palang ang nakakalipas!!! :O

at dahil nasa school naman na ako nakipagkita ako kay Au. :)


loner siya dun. :P haha. napagiwanan na siya ng tropa. :P

pagkatapos sa school, umuwi kami saglit para iwan yung kotse tapos gow na sa GMA 7. nakarating kami dun 3am. tamang-tama lang kasi 4pm pa ung interview kaya lang past 5 na nakapagsimula kasi may meeting ang mga taga-Entertainment TV.

nung pinapasok na kami sa conference room nagulat (at na-stress) ako bigla kasi lahat ng mga bossing ng ETV ay nandun!

Ms. Wilma Galvante (WG) : introduce yourself. umupo ka iha.
Ako: (nakatayo pa din. naghahanap ng upuan) I'm..
WG: make it quick!
Ako: I'm Reamel Abella from LINK magazine (nakatayo pa din)
WG: upo ka iha. hindi ito classroom recitation. (smiles)


hahahahaha. sheeeeeeeeeeeeeeeeeeet! laughtrip e. :P sobrang na-stress kasi ako bigla pero naging okay naman. nabawi ko kaagad yung self-confidence ko kasi okay si Ma'am Wilma kausap tapos accomodating din ung mga AVPs niya. :) parang chikahan nga ung nangyari instead of formal interview. ang saya. :P


after the interview, met up with Kuya Tony. nilibre niya kami ng late lunch! hahaha! bigtime! :P madami din akong nakuhang mga insights sakanya. may analogy pa nga siya sa chili chicken wings at life. :P parang, "...these chili chicken wings may not be too spicy for others but for you, there are the best chili chicken wings. It's a matter of perspective..." o ha! :P salamat talaga kuya tony! :)

930pm nasa dasma na ulit kami ni pol. :)

**
busy week ahead. deadline of articles is on Friday!!! :O woooh!



3 comments:

forg/jecoup said...

aww wala na si Mam Arlene sa CLA? Simula freshman pa naman ako sa CLA na sya

Greta said...

hi. wala lang. ililink kita, ha. :D

Wanderful said...

@forg - yup. :( nalungkot nga din po ako e.. tapos wala na din yung daily advice na nakapost sa pintuan! :P

@greta - sure. :)