Showing posts with label lesson. Show all posts
Showing posts with label lesson. Show all posts

07 September 2009

blessed



21 na ako!! madaming nangyari sa buhay ko pagkatapos ng aug.30. parang roller coaster ride. makapigil hininga ang mga eksena. pero okay na din at least, back to normal na ulit. :) nagpapasalamat ako sa Kanya dahil hindi niya ako tuluyang nakalimutan. :P pinaghintay man niya ako nang sobrang tagal, bawi-bawi naman sa mga biyaya. wooh! isang taon ulit ng pagpupunyagi at paglalagalag. hahaha.

kumpleto na sa rekados ang buhay ko dahil sa mga ito:

Family




ever supportive. :)

Love


15 months na! ambilis! iloveyou!

Career

akala ko wala na pero may biglang dumating. hahahaha! sana mabuhay ulit ung una.

Studies

malapit na ulit ang evals naman for level 2 Spanish. gow gow gow! tapos kaka-start ko lang ng Graphic Design lessons sa Microcadd. :)

**

sana magtuloy-tuloy na talaga to hanggang december para naman maganda ang pasok ng 2010 ko. :) woooh! salamat talaga at okay na ang lahat. :)





18 July 2009

Carpe Diem

Probably this is what they call the quarter life crishit, but the hell. You people born in the 80's think we'll reach our 100th year with our lifestyle now? NOT! Should have written this when I was 18 or 20! Realistically speaking.

But come on, who would want to reach that age? Don't think so. I'm afraid of growing old. Of being bed ridden. Of having a life stuck in your bedroom. Of not seeing the world out there because you have the brittlest bones. Of not being able to drive because of your poor eyesight. Of having less people on your YM and Fezzbook because they've flown away already. Of being forgetful of so many things. Of not being able to go out on gimmicks, drink and be merry! Of limiting a lot of things you wanna do just because you can't do it anymore. And oh, damn those wrinkles and flabby everything. I must be the best candidate for that! Eh!

Who cares about free movies and discounted meals when you'll be stuck on a rocking chair!

Upper Viceo, EIC Roam Magazine


na-inspire ako sa blog entry niya. bigla ko kasing naisip na tumatanda na pala ako pero madami pa akong hindi nagagawa. kakaunti palang ang mga nakita kong lugar, mga nabasa kong libro, mga nadinig kong kanta, mga taong nakilala ko. gusto kong lubusin ang pagkakataon habang hindi pa ako gulay. :) palasak man pakinggan pero tama talaga ung phrase na Carpe Diem. gagawin ko na lahat ng kaya kong gawin kasi malay natin, eto na pala yung huli. :P haha. yeh!

PS: Ganito ba talaga pag tumatanda na? kung anu-ano na naiisip? :P hahaha.

06 July 2009

ETV

bago ako tumuloy sa field work ko sa GMA 7, dumaan muna kami saglit ni pol sa DLSU-D para kunin yung alumni card namin. kelangan ko kasi yun para makakuha ako ng discount sa tuition fee (estudyante ulit ako.:P). tapos tumambay muna kami sa CLASC office para makita ang bagong rebond na si libay. :P hahahaha! pupunta din sana kami sa guidance office (parang SOP kasi sa mga alumni na magreport dun. :P) only to find out na hindi na pala si Ma'am Arlene Bernardo ang guidance counselor ng mga COM. actually wala na din dun sina Sir Ilas at si Ma'am.. (forgot the name. basta ung counselor ng mga Psych) kasi ang ginawa pala, per college na ung mga counselors instead of per course. so aun. sabi ni libay, nasa CBA na daw si Ma'am Bernardo tapos CLE naman si Sir Ilas. :( parang andami nang nagbago after namin gumraduate. 3.5 months palang ang nakakalipas!!! :O

at dahil nasa school naman na ako nakipagkita ako kay Au. :)


loner siya dun. :P haha. napagiwanan na siya ng tropa. :P

pagkatapos sa school, umuwi kami saglit para iwan yung kotse tapos gow na sa GMA 7. nakarating kami dun 3am. tamang-tama lang kasi 4pm pa ung interview kaya lang past 5 na nakapagsimula kasi may meeting ang mga taga-Entertainment TV.

nung pinapasok na kami sa conference room nagulat (at na-stress) ako bigla kasi lahat ng mga bossing ng ETV ay nandun!

Ms. Wilma Galvante (WG) : introduce yourself. umupo ka iha.
Ako: (nakatayo pa din. naghahanap ng upuan) I'm..
WG: make it quick!
Ako: I'm Reamel Abella from LINK magazine (nakatayo pa din)
WG: upo ka iha. hindi ito classroom recitation. (smiles)


hahahahaha. sheeeeeeeeeeeeeeeeeeet! laughtrip e. :P sobrang na-stress kasi ako bigla pero naging okay naman. nabawi ko kaagad yung self-confidence ko kasi okay si Ma'am Wilma kausap tapos accomodating din ung mga AVPs niya. :) parang chikahan nga ung nangyari instead of formal interview. ang saya. :P


after the interview, met up with Kuya Tony. nilibre niya kami ng late lunch! hahaha! bigtime! :P madami din akong nakuhang mga insights sakanya. may analogy pa nga siya sa chili chicken wings at life. :P parang, "...these chili chicken wings may not be too spicy for others but for you, there are the best chili chicken wings. It's a matter of perspective..." o ha! :P salamat talaga kuya tony! :)

930pm nasa dasma na ulit kami ni pol. :)

**
busy week ahead. deadline of articles is on Friday!!! :O woooh!



30 June 2009

Kasado

ngayong araw na ito napangtanto ko na:

1. may mas igagaling pa ako. (naks!) kulang lang talaga ako sa motivation at self-confidence kaya minsan akala ko hindi ko kayang gawin ang isang bagay.

2. totoo ang kasabihang, "If you do not ask, the answer is always NO." wala namang masamang sumubok. kung ma-reject ka edi try mo ulit sa susunod.

3. ang taong may tiyaga, may nilaga. :P hahaha.

4. great things start from small beginnings. :)

5. masarap umuwi sa taong mahal mo. (yon!) hahahaha. natutuwa lang ako kasi nagkita kami ni pol kanina.


yun lang naman. :)

07 January 2009

crazy

wala akong pasok ngayon. di din ako nagabalang pumunta kung saan man dahil nagpakadalubhasa ako sa pagaaral sa Ethics. :P haha. natatakot ako kay RS e! ayokong matawag! haha. nanuod din ako ng news at madami akong na-realize. :P haha. habang pinapalabas nga ung mga balita e nakikipagdebate ako sa sarili ko. :P wala lang. enrichment test. :P haha. ilan sa mga na-realize ko ay ang mga sumusunod:

a. walang patutunguhang maganda ang giyera. (on Israel bombings)

ika nga ng 1 miyembro ng Rolling Stones, "why are we fighting and what for?" isang malaking kabalintunaan talaga ang nangyayari sa Israel. tinuring na Holy Land pero panay kaguluhan lang nangyayari dun. ang masaklap pa neto puro sibilyan, karamihan ay mga bata, pa ang apektado. di ba pwedeng ung mga pasimunong leaders na lang ung magpatayan? tutal sila naman tong di mapirmi at laging naghahanap ng away! bakit kailangan pang madamay ung mga bata at babies. tsk tsk. grabe. bombahin ba naman ung eskwelahan ng UN. kahit sa mindanao, ganun din. kung galit ung mga rebelde sa gobyerno edi tirahin nila ung gobyerno, hindi ung kung sinu-sino pang mga inosente ang dinadamay nila. hay. sana talaga matigil na ang mga kaguluhan na ito.

b. know the 2 sides of the story (on Valley Golf course family feud)

nung nag-blog si Bambee dela Paz tungkol sa nangyari sa pamilya nila, madaming naki-simpatya (pati ako) pero naisip ko na dapat pala inalam ko din muna ung side ni Mayor Pangandaman. hmm. malay mo nag-gatekeep din pala si Bambee sa blog niya. who knows?

c. mabilis ang hustisya sa taong may pera (on Alabang Boys)

bakit kaya ganun? kapag simpleng mamamayan lang ung nasangkot sa drug cases e parang ambilis ng proseso tsaka parang ang daming privileges nung mga detainee? hay.

madami ng problema ang mundo. paano tayo makakatulong? simple lang. do a good turn daily. :) isa to sa mga mantra ng Girl Scouts. gumawa ka lang ng kabutihan bawat araw at ikaw ay makakatulong na sa problema ng mundo. maliit at simpleng paraan pero isipin mo kung lahat ng tao sa mundo ay gagawin to siguro wala ng bugbugan sa golf course, aamin na lang at tatanggapin ang kaparusahan sa paglabag sa batas at wala na din sigurong giyera.