13 July 2009

A Sudden Downpour of Endorphins

bumalik na ulit si mariss sa office!! wooh! at dahil sa matagal siyang nawala binigyan niya ako ng snickers. :) pasalubong? :P hahaha! nanibago din ako sa office kanina kasi kumpleto kami. nandun din si ms. evelyn. nung una natakot kami sakanya kasi authoritative ang dating pero cool pala siya. siguro dahil law student siya kaya ganun ung first impression namin sa kanya. :)

buong araw, nagupdate ako ng media directory for the pub. bumalik din kami sa 1 manning agency para alukin sila sa offer ng mag kaso negative e.. next time na lang daw. oh well. di ko alam kung na-blog ko na ba dito na nakakalerkey ung elevator ng building nila (manning agency). parang mano-mano kasi. :P pag naipit ka ng pintuan, sorry na lang sayo. :P di siya katulad ng ibang elevator na bumubukas ulit pag may naipit. dun, pag naipit ka, goodluck. :P haha. tapos may nadiscover kami kanina, kung sa ibang elevator ay up and down lang, dun may side! o ha! haha! alam naming nagkamali lang sila ng lagay dun pero nakakatawa pa din. :P wala lang.

bago kami umuwi ni mariss, may simpleng handa pala si ms. evelyn! haha! Dominos! :) magkasunod sila ng birthday ni mariss, pero si mariss di nanlibre. :P daya! haha.


first time na kumpleto kami sa office. aliw!


eat and run kami ni mariss kasi maguukay pa kami. :P haha.

badtrip ung cashier sa ukay-ukay! ubod ng sungiiiiit! siguro nung nagbuhos Siya ng kasungitan, sinalo niyang lahat! hanep! tae tae magsalita e. tama bang sabihan kami ng, "kung wala kayong pera, wag niyo nang kunin." sheeeeeeet! pina-reserve kasi namin ung items kasi wala akong dalang pera pang-shopping. medyo napatagal lang kami kasi bumalik pa kami saglit sa office. aba, nung kukunin na namin ung pinareserve namin nag-attitude si ate!!!! kairita! grabe. kundi lang talaga win ang mga items nila di na kami babalik dun e. tsk tsk. wala sigurong nagmamahal kay ate kaya nagmamaasim siya dun. grabe. mula UN hanggang Edsa, gigil na gigil kami ni mariss sa babaeng un. ibang klase. wooooh!

nagkita kami ni pol sa mcdo taft tapos nag-MOA kami. lahat ng init ng ulo ko nawala dahil nagkasama kami. (yown! haha.)

9pm umuwi na kami. :)

**
Spanish class tomorrow. Goodluck! haha!


2 comments:

Meryl said...

Ang taray naman ung cashier. Bumibili na nga sa kanya, ganun pa sya. o.O

Wanderful said...

korek! lunes na lunes nagaatitude si ate! baka malasin siya buong linggo dahil dun. :P