12 July 2009

Happy weekend

una kong nalaman ung tungkol sa Manikako kay kuya Jake Ofrasio. mukang okay kasi ung org kaya pumunta ako sa event nila nung Saturday sa Greenbelt. akala ko nga tapos na kasi di ko mahanap ung booth nila e. :P buti na lang umakyat pa ako sa G5, nandun sila.

free doll kit. :) register ka lang tapos pwede ka na makagawa ng sariling manika. haha. nakakaaliw! parang bumalik ako sa EPP days namin na nagtatahi kami ng rug dolls, doormat, pot holder at doily. hahaha. eto na ang manika ko:


chaka doll. hahaha! UAAP inspired yan! di kasi ako nakapanood ng opening ceremonies ng Season 72 kaya sa manika ko na lang dinaan ang frustration. hahaha.

pagkatapos sa greenbelt, diretso ako ng tanza para bisitahin si pol. matagal kasi kami di nagkita dahil may shoot sila. ayun. tsaka kaya din ako pumunta dun para makita si karyl. :P

me and karyl (from Karyl's multiply site)

stig. dati sa blog at pictures ko lang siya nakikita kanina in person na! hahaha! nandun din ung ibang obzite.

obzite plus me. :P (from Tina's multiply site)

kinabukasan, nagbonding lang kami ni pol.

2. (from Pol)

tapos hinatid na niya ako sa bahay.

ang saya ng weekend ko. :) hahaha. sana okay din weekend niyo!



No comments: