25 August 2009

Nagdedeliryo

"...nung nagsabog ang Diyos ng talento wala kang nakuha kahit isa. kahit katiting alaws talaga. zero. itlog. siguro natutulog ka o kaya nagkataong nasa dulo ka ng pila kaya di ka nabigyan. tapos ngayon sasabihin mo sakin sa gusto mong magsulat? sinong niloko mo? kahit ilang workshop pa ang puntahan mo, kahit ilang libro pa ang basahin mo, kung wala ka talagang talento sa pagsuslat, wala kang patutunguhan..."

ito ang laging sinasabi ng nanay ni Nena sa tuwing nababanggit ng anak ang kanyang pangarap sa buhay. sa sobrang dalas ng pangyayari, halos kabisado na ni Nena ang bawat linya, ang bawat salita. pero nang gabing iyon, taliwas sa inaasahan ng ina ang nangyari. kinuha ni Nena ang kanilang lumang typewriter. inalis ang alikabok na bumabalot sa mga tiklada nito. matapos malinis, pinindot niya ang kauna-unahanag letrang bubuo sa kanyang istorya.

ito na ang simula.

No comments: