di ako pumasok sa Spanish class ko kahapon. mas pinili kong pumunta sa huling public viewing para kay dating President Cory Aquino. kaya lang pagdating namin ni pol sa Intramuros umaapaw ang mga taong nakapila! sobra. di na nga namin mahanap yung dulo. siguro kung may aerial shot ng Intramauros noong mga oras na yun makikita na paikot na sa buong lugar yung pila. matindi talaga. kaya nga hanga ako sa mga taong nagtiyaga talaga para makapasok sa Manila Cathedral. ayon sa mga nadinig ko sa tsismisan dun, ung iba sa mga nakapaila e 6am pa nandun! wooh! dahil nga sa ganun yung sitwasyon, pinagdasal na lang namin si Cory tsaka nakinig sa misa.

mga bandang 9pm, pauwi na sana kami ni pol kaya lang may nadiskubre kaming isa pang ruta para makalapit sa Church. dun kami pumasok sa entrance ng press.:P hahaha. mula sa bago naming pwesto, nakita namin ung harapan ng simbahan. mga ilang metro na lang ang layo namin kay Cory kaso di talaga kami pinapasok nung bantay. sayang..
kanina naman, napanood ko yung ibang bahagi ng requiem mass at ung funeral procession. sabi ng mommy ko habang pinapanood namin yun, feeling daw niya People Power daw ulit. ganung ganun din daw ung eksena nung nilibng si Ninoy. :( tapos nagtext si daddy, nagreminisce din siya nung panahong pinapabagsak nila ang rehimeng Marcos (rallyista tatay ko e. :P haha) ayun. nakakatuwa kasi parang dati nandun talaga yung spirit ng People Power, ngayon kasi parang fad na lang? hmm.
okay, balik kay Cory. siguro isa sa mga greatest contributions niya sa bansa natin ay ang pagbabalik sa press freedom. tama si Korina Sanchez sa sinabi niya na "kung hindi dahil kay Pres. Cory Aquino, walang ABS-CBN." at siguro hindi din mageexist ang blog na ito kundi dahil sa kanya.
i'll end this entry with a text message forwarded by my good friend,Elyse:
May you rest in peace Tita Cory. You will be remembered well.
Photo credits: pinoytumblr.com and Paul Putong

The only person in world history who became a president by fate and not by ambition. The only speaker who has thelongest standing ovation in US Congress. The only woman who led her people to win a revolution with nothing but faith in God.
President Corazon C. Aquino. The mother of democracy, the light of our nation, and her legacy lives on forever.
May you rest in peace Tita Cory. You will be remembered well.
Photo credits: pinoytumblr.com and Paul Putong

No comments:
Post a Comment