Showing posts with label death. Show all posts
Showing posts with label death. Show all posts

05 August 2009

Tie a yellow ribbon 'round the old oak tree


di ako pumasok sa Spanish class ko kahapon. mas pinili kong pumunta sa huling public viewing para kay dating President Cory Aquino. kaya lang pagdating namin ni pol sa Intramuros umaapaw ang mga taong nakapila! sobra. di na nga namin mahanap yung dulo. siguro kung may aerial shot ng Intramauros noong mga oras na yun makikita na paikot na sa buong lugar yung pila. matindi talaga. kaya nga hanga ako sa mga taong nagtiyaga talaga para makapasok sa Manila Cathedral. ayon sa mga nadinig ko sa tsismisan dun, ung iba sa mga nakapaila e 6am pa nandun! wooh! dahil nga sa ganun yung sitwasyon, pinagdasal na lang namin si Cory tsaka nakinig sa misa.



mga bandang 9pm, pauwi na sana kami ni pol kaya lang may nadiskubre kaming isa pang ruta para makalapit sa Church. dun kami pumasok sa entrance ng press.:P hahaha. mula sa bago naming pwesto, nakita namin ung harapan ng simbahan. mga ilang metro na lang ang layo namin kay Cory kaso di talaga kami pinapasok nung bantay. sayang..

kanina naman, napanood ko yung ibang bahagi ng requiem mass at ung funeral procession. sabi ng mommy ko habang pinapanood namin yun, feeling daw niya People Power daw ulit. ganung ganun din daw ung eksena nung nilibng si Ninoy. :( tapos nagtext si daddy, nagreminisce din siya nung panahong pinapabagsak nila ang rehimeng Marcos (rallyista tatay ko e. :P haha) ayun. nakakatuwa kasi parang dati nandun talaga yung spirit ng People Power, ngayon kasi parang fad na lang? hmm.

okay, balik kay Cory. siguro isa sa mga greatest contributions niya sa bansa natin ay ang pagbabalik sa press freedom. tama si Korina Sanchez sa sinabi niya na "kung hindi dahil kay Pres. Cory Aquino, walang ABS-CBN." at siguro hindi din mageexist ang blog na ito kundi dahil sa kanya.

i'll end this entry with a text message forwarded by my good friend,Elyse:

The only person in world history who became a president by fate and not by ambition. The only speaker who has thelongest standing ovation in US Congress. The only woman who led her people to win a revolution with nothing but faith in God.

President Corazon C. Aquino. The mother of democracy, the light of our nation, and her legacy lives on forever.

May you rest in peace Tita Cory. You will be remembered well.


Photo credits: pinoytumblr.com and Paul Putong



08 July 2009

Man in the mirror



nakakaiyak. sobra. di ko akalain na sa likod ng pagindak at pagbirit niya ay nagtatago ang isang malungkot na michael. sayang. naappreciate ko lahat ng ginawa niya kung kelan sumakabilang buhay na siya.. :( sayang.

RIP Michael Jackson.

06 March 2009

kids

natupad na din ang matagal na naming pinaplano ni pol na manila zoo date. :) haha. nung nag-OJT kasi siya sa Roam nagpunta sila dun kaya gusto niya ulit makapunta dun kasama ako. :) higschool ang huling punta ko dun kaya pagdating ko kanina mejo nanibago ako sa lugar. gumanda siya, nadagdagan ng mga hayop kaya lang parang kawawa ung mga hayop dun. lalo na yung elepante.:( ang tanda na niya e. tapos parang di sila inaalagaan. madumi yung tubig, kung anu-ano lang kinakain nila. basta. muka silang malungkot. yung mga ahas nga dun, parang tulog na lagi e.. hay. napuno na ng mga nagtitinda ang manila zoo. sayang. maganda sana yun kung na-develop lang maigi..




pero naaliw ako sa unggoy family na nag-LQ kasi may 3rd party ung lalaking unggoy.:P o ha! amazing talaga! tsaka natuwa ako sa slide! takot pa ako nun subukan kasi baka bumigay ung mga kahoy (ambigat ko kaya.:P) pero buti na lang kinaya ako ng mga kahoy at nakapag-slide pa ako. :P haha. :P

pagkatapos sa manila zoo, nagpunta kami sa quiapo para mag-canvass ng mga dslr.:) bibilhan na kasi ako nila mommy. :) yeh! kasi ba naman, ipapagawa ko sana ung ixus ko e nung dinala ko sa canon sabi nila 12k daw lahat ang babayaran, wag na no. bibili na lang ako. gagastos lang din naman edi yung maganda na yung bilhin. kaya ayun. nag-quiapo kami para mas mura. ang nirerecommend nila jill at drew ay nikon d60. mukang okay naman pero nagbabasa pa din ako ng mga reviews para masulit ko naman ung ibabayad ko. :P gusto ko pa din talaga ng canon pero sabi ni drew, kung entry-level lang din naman, nikon muna. saka na lang daw ako mag-upgrade kapag may pera na at kapag pro na pro na ako sa photography.:P o ha! malapit na ulit akong bumalik sa pagkuha ng pictures. :)

SM bacoor para kumain tapos tumawag si mommy sakin. nagkakaproblema daw sa pag-book ng flight namin. edi haggard haggard na no, naisipan naming dumiretso na talaga sa NAIA para kausapin yung cebu pacific kaso ang taxi from bacoor to NAIA ay 600! wag na no! tinawagan na lang muna tapos ayun. okay na din. tuloy na tuloy na kami sa 29-31. woooh!

nakapunta na din kanina si pol sa dati naming bahay na ngayon ay canteen at patahian na. :)

un lang naman. :)

9 months of energy and happiness. :)


**

RIP Francis Magalona. :( surprise guest ka pa naman sana sa final set bukas. :(

**

picture courtesy of paul.




19 December 2008

Japa-NICE



last day of classes para sa taong ito. di ko pa maramdaman na tapos na talaga dahil sobrang puyat ako. haha. ung tipong gusto ko ng humiga kung saan-saan.:P hay. tsaka di ko din sure kung makakapagbakasyon ba talaga ako nang walang iniisip na acads.:P yeh! para kaya yan. tamang chill, acads at pahinga ako ngayong break. =)

after magpasa ng devcom project diretso na kami ni pol sa SM para mag-lunch. dapat kasama namin si maris kaso busy ulit siya. haha. kumain kami sa karate kid.


natikman ko ulit sa wakas ang paborito kong kani sushi. =) kahit eto lang kainin ko everyday, keri lang. =) after kumain, stroll lang. bili ng magazine. tambay. nung dumating na parents niya umuwi na din ako kasi antok na antok na talaga ako.:P pagdating sa bahay, bagsak.:P

**

with ielee the jelly

Hindi kita makakalimutan dahil ikaw ang kauna-unahan kong aso. Ikaw ang pinakamalambing at mabait na aso, lagi akong pinapangiti, at laging akong sinasalubong sa aking pag-uwi. Naalala mo kapag binubuhat kita? Kung gaano ka kakulit pag nasa baba ka ay siyang bait mo pag binuhat na - parang batang pinaghehele ng ina. Sana maalala mo yung mga pag-aalala ko sa iyo lalo na noong bata ka pa, at kung paanong lagi kitang hinahabol sa banyo dahil gustong-gustong mong magpakabasa. Naalala mo noong napilay ka? Lagi kitang pinagdadasal sa Diyos na sana makalakad ka na. Naalala mo noong nilagnat ka? Kumuha pa kami ng damo sa labas kasi akala namin gusto mo lang ilabas yung hairball sa tiyan mo, kaso laking gulat namin noong pag-uwi namin maayos ka na. Naalala mo kahapon? Niloloko pa kita...kumakain ka ng tasty bread habang kumakain din ako noong sa akin. Naalala mo kapag kinukutuhan ka namin? Ang dami mo kasing pulgas...pero pagtiyatiyagaan namin kasi mahal ka namin. Naalala mo noong binuhat ka ni Mama at tinitigan ka niya sa mata? Niloloko ko si Mama noon...sinasabi ko na siguro iniisip mo na mukhang ewan si Mama. Joke ko lang naman yun.

Di ko akalain na ang masiglang pamamaalam mo noong umagang umalis ako para mag-exam ay siyang huli nating pagkikita...

Kasi nang umuwi ako...wala na yung mga tahol, wala nang maligalig, wala na yung excited mong mukha.

Wala nang laman yung dating maingay na harapan ng aming bahay.

Noong sinabi sa akin na patay ka na...ayaw kong maniwala.

...

Salamat sa lahat ng alaala.

Mamimiss ko lahat ng tungkol sa iyo.

Iiyak ako ngayon, pangako bukas masaya na ulit ako.

Kita-kits na lang sa patutunguhan mo...ikamusta mo na lang ako kay Lord.

Mahal na mahal na mahal kita. Paalam Krimo.


bago ako pumasok nabasa ko tong entry ni ielee sa multiply niya at naiyak ako. :( naalala ko ung aso namin na si Max. naging aso namin siya nug 6 years old ako. para ko siyang bodyguard.:P lagi niya akong sinusundan pag umaalis ako. kahit nung lumipat na kami ng bahay at nagcocomuute nako hinahatid niya pa din ako sa tric terminal. nawala siya samin nung 2nd year HS ako. katulad ni ielee, in-denial din ako nung umpisa. di ko matanggap na nawala na siya samin. di nga ako sumama nung nilibing siya kasi sobrang malulungkot talaga ako. buti na lang wala pa akong sakit nun sa puso kundi di ko na talaga kakayanin. hay. simula nun, di na ako nagkaroon ng favorite dog. :( para kasing wala ng hihigit pa sa ginawa samin ni Max. loyal talaga siya sa pamilya. :(

kaya ielee, i feel your pain. =) nung nagkita tayo kanina, kahit muka kang masaya alam kong nagluluksa ka. :( hay. masaya na sina Krimo at Max ngayon. =)

RIP Krimo.

07 December 2008

merry me

dahil sa madami ng gumagawa ng kani-kanilang wishlist e gagaya na rin ako.:P haha.

nalalapit na ang Pasko at ako po ay kumakatok sa inyong mga puso na sana po ay mabigyan niyo po ako ng kahit 1 (or lahat) item sa wishlist ko.:P haha. http://emo.huhiho.com


pero kung hindi kaya e love, peace at good life na lang. =)


My Christmas Wishlist


1. DSLR. bago sana ako gumraduate e gusto kong gumawa ng matinong portfolio ng pictures para naman pag nag-apply ako e may mga sample works ako. :P haha. kahit may digicam ako, parang di na din enough. :P dati talaga sabi ko luho lang to pero after taking 2 photography subjects na-realize ko na mas maganda pala pag ganito ung gamit kesa sa point and shoot lang. =) at tama nga si pol sa sinabi niya sa blog niya na minsan sa camera talaga nakasalalay ung quality ng pictures. =)

2. Books/Magazines. i want a complete set of Harry Potter (including the latest book of JK. Harry Potter: The tales of the beedle bard), Twilight and/or Lord of the Rings. haha. paperback lang.:P pwede ding hindi series like The Historian (nakalimutan ko kung sino author pero 2nd year college palang gusto ko ng bilhin.:P) at kung anu-ano pa. sa magazines naman, back issues ng kahit anong travel or fashion mag. =)

3. Graphic/Statement Tees,Footwear. nagkakaroon na ako ng scarcity sa damit at sapatos.:P haha. huli kong bili e nung july pa! cmon! bet ko ung gladiator sandals, pumps, sneakers (okay ung sa skechers) at boots (flat, high cut). =) sayang nga ung binebenta ni lizette na boots sa ebay. ang ganda kaso di ko siya ka-size. tsk tsk. :(

4. Make-up. haha. hindi para sakin kasi hindi naman ako pala-makeup na tao.:P para to sa balak kong pag-aaral sa School of Fashion and the Arts. (may detailed post ako tungkol dito. abangan.:P)

5. Accessories for my mac. keyboard pad, crystal case (red, yellow or green. parang stoplight.:P), mouse, software! (final cut please.:P) at external harddrive.:P haha.



http://emo.huhiho.com

**

sa ibang balita naman, nanalo ang ating pambansang kamao na si Manny Pacquiao sa laban nila ni Oscar de la Hoya. yeh! bago pa lang magsimula ung telecast ng GMA 7 e ang dami ko ng narereceive na spoilers! haha. badtrip pag ganun.:P kaya di muna ako nag-internet.:P pero sa text naman bumawi kaya wala din. bago pa magsimula ung telecast e alam ko na.:P hay. congrats manny! =) talagang bugbog si golden boy sayo. at binalita din sa showbiz central na pumanaw na si marky cielo. tsk tsk. nakakabigla. talagang napaka-unpredictable ng buhay. pero sabi nga ni ate mhye,kahit gawin mo na lahat ng gusto mo, magmadali ka man o hindi pag oras mo na, oras mo na talga.. hay. RIP.

**

meeting nga pala ng JJC kanina pero hindi ako umattend. bisperas kasi ng pyesta samin e sinara na ung ibang kalsada dito kaya baka mahirapan lang ako umuwi pag pumunta pa ako. hay. kelan kaya kami magkakaroon ng activity? ung tipong outreach? hmm. gusto ko kasi talaga maging active! =)

**

pyesta dito bukas. maghahanda ata kami pero konti lang. :P

gnyt! =)

29 November 2008

comeback post (part 1)

*Warning: Long post ahead. kahit hinati ko na sa 2 parts ang blog ko para sa buong week ay mahaba pa din siya. sobrang dami talaga kasing nangyari sa buhay ko nung nakaraang linggo. ayoko namang brief summary lang ang ibigay ko kasi meaningful at worth reminiscing silang lahat. ye! so please bear with me, readers (kung meron man.:P)

Monday

first time kong aattend ng klase sa ICT. =) haha. nung first meeting kasi e may sakit ako tapos nung second meeting naman ay absent si maam mitch. so technically, first time ko to. =) exciting! gaya ng inaasahan, konti ang ang pumasok samin pero gow pa din si maam sa pagdidiscuss hanggang sa biglang pinutol ung klase namin dahil kelangan daw ng audience para sa nagaganap na film viewing sa TJF. so aun, nawalan kami ng klase. :P tapos next week (Dec.1) wala kasi long holiday and the week after next week (Dec.8) wala ding pasok dahil piyesta ng Immaculate Conception. kawawa ung klase ni mam..

ung film viewing pala sa TJF ay ung israeli film fest. pinanood namin ung bubble at noodle. maganda naman sila. (un lang nasabi ko e no?:P) haha. basta, panuorin niyo na lang para mas feel na feel.:P haha.

after nun, mahabang tambay.:P haha. dapat gagawa na ako ng paper para sa devcom kaso nakakatamad kaya hinintay na lang namin ung game nila pol laban sa psy. =)

around 630pm,nasa Sta. Fe court na kami. naabutan namin ung championship game ng basketball girls. JOU vs. PSY. ganda ng laban! natambakan ang JOU nung mga last 2mins tapos nakahabol! basta! astig! heart pounding.:P haha. congrats sa JOU basketball girls! champion! =) haha.


pep squad.:P haha. (pic courtesy of Sam Gadiane)

next game, basketball boys naman. una lamang ang COM tapos bigla ding nakahabol ang PSY. grabe. crucial pa naman ung larong un kasi championship na. twice to beat ang PSY. pag natalo ang com, wala ng laban. buti na lang nanalo ang COM! yeh! sa wednesday na ulit laban nila. =)


isa na lang. isa pa. (pic courtesy of Sam Gadiane)


nakakatawa din pala si julie during the game! nahanap na niya ang lablayp niya.:P haha. Az***.

grabe. gabi na ako nakauwi! wala pa akong nasisimulan sa devcom kaya talagang puyatan eto. :P haha. mga 1am (Tuesday) naisipan kong magluto para naman magising ang diwa ko at makapagisip ako nang maayos. edi luto no? e ang tagal maluto kaya gumawa muna ako ng sa devcom, tapos na-realize ko na lang na parang amoy sunog! haha. badtrip, may niluluto pala ako! kaya ang ending:



sunog.:P

at ang moral lesson: hindi masama mag multi-tasking as long as natatandaan mo na may isa ka pang ginagawa. AT iwasan magluto pag bangag. :P haha.

TUESDAY

730am na pero ginagawa ko pa din ung devcom paper ko. toxic talaga. :P mega paspas talaga. tapos first time kong makasakay sa ikot lasalle.:P haha. cool!

sa devcom, discussion lang tungkol sa millenium development goals. tapos tambay. sa brodjou, okay lang. nagkakaroon na ng development ung klase namin.:P haha.

pumunta ulit kami sa sta. fe para manood ng volleyball championship game. nanalo ang PSY sa women's divison. di na namin tinapos ung sa male dahil gusto ko makabawi ng tulog.

pag-uwi ng bahay, pahinga. tapos maya-maya nakareceive ako ng text message kay ayhen. tinatanong niya kung alam ko na daw ba ung tungkol sa accident na nangyari. edi simyepre na-shock ako kasi wala akong kaalam-alam sa mga nangyari. tinext ko si arvin. tapos un nga, he confirmed to me na ba (COM42) got into an accident. nawalan ng control ung kotse niya tapos bumangga sila sa center island malapit sa nicasia. she was with anne. muntikan na makasama dito si philip pero nakakababa na pala siya nun sa manuela. total wreck daw ung kotse ni ba pero they're okay naman. injured lang silang dalawa. tapos sinabi din ni arvin ung tungkol sa taga-COS na namatay during their basketball game. bigla nalang daw nag-collapse tapos ayun na. dead on arrival sa hospital. saklap grabe. nakakabigla. bestfriend pa naman ung nila anna at marianne. sobrang bilis ng pangyayari. :( kapag talaga 4th year student, lapitin sa disgrasya. :( hay.

WEDNESDAY


umattend ako ng seminar ni Khavn dela Cruz. host dun sina pol at alex. =) sobrang saglit lang ung seminar. madami pa sana akong gustong itanong kaso kulang sa time.

after ng seminar, nag-bazaar kami ni pol tapos hinatid na niya ako sa bahay para kunin ung mga bagahe ko. may pupuntahan na naman kasi akong seminar e. Lasallian Formation Camp. haha. :P (active!) sa la salle greenhills lang naman. dapat talaga hindi na ako kasama dito kasi hindi ako nakaattend ng orientation nung last saturday pero buti na lang at binigyan pa ako ng chance nila at ate vanes at kuya keane. =) di ako nahatid ni pol sa greenhills kasi championship game nila. ayun. ako na lang magisa bumyahe. =)

madali lang naman pumunta sa LSGH. 73opm nandun na ako.

madami na ding mga student facilitators ang nandun. =) ang una kong nakilalang faci ay si paul (o ha!:p) tapos nag-reunion kami ni web (delegate din ng ILYG). at marami pang iba.



nag-dinner kami sa Grilla, Promenade. first time kong makapunta don. haha. bigtime! sarap ng food dun! libre pa nila! haha. tapos nagdessert kami ng donut (Krispy Kreme). libre din nila! haha. yeh! sarap talaga pag libre! =)

pagbalik sa LSGH, nagprepare kami para sa mga activities ng camp. =)