30 November 2009

stop light

wow. ang tagal ko na ding hindi nakapag-blog! hahaha. feeling ko nabulok na ang site na ito kaya panahon na para buhayin ulit. :P well, bakit ba kasi hindi ako nakakapag-update lagi? simple lang -- work. nagaadjust pa talaga ung katawan ko sa oras ng trabaho at sa travel time. second home ko na nga ang MRT at bus dahil sa sobrang haba ng byahe. tae. eto ha, aalis ako sa bahay ng five in the morning tapos makakarating ako ng 1030-11pm na! grabe. pagdating sa bahay deads na ako. bagsak sa kama. kung gagawa nga ako ng pie chart kung paano ko ginagamit ang oras ko sa 1 araw, malamang 60 percent dun ay travel time. hay. feeling ko tuloy wala na akong nagagawang makabuluhan sa buhay ko. i like my job but i want to do more. i want to write, go to places, learn new things, explore, enjoy life. ayokong maging corporate slave. minsan lang ako maging bata, gusto ko sulitin yun. hay.

andami ko sanang plano for this year pero naisip ko na kailangan ko muna maging stable sa buhay. kumbaga sa paggawa ng bahay, dapat solid muna yung pundasyon bago maglagay ng 2nd floor. hay. at dahil diyan unti-unti ko ng natatanggap na hindi para sa akin ang 2009. madami akong mga 'wrong moves' this year atbp shit na dumating. pero di bale, ngayong medyo solid na ang foundation, ready to fight nako sa 2010. pupwersa ako. babawiin ko lahat ng mga oras na nasayang! bwahahahahahahahahahahaha!!!

anyway, konting updates pa bukod sa unang dahilan kung bakit nabulok ang blog na ito.

1. level 4 na ako ngayon sa Spanish class ko. kamuka ni Pau Gasol ung prof namin. hahaha. seryoso. Polish din siya katulad nung prof namin sa nivel 3. cool guy. kahit nosebleed na kami sa kanya pinipilit pa din niyang maging masaya ang mga discussions. kaya lang nahihirapan pa din akong mag-catch up. sobrang hirap kasi ng mga lessons! potek. naghahalo halo na ung mga verbs at tenses sa utak ko. dagdag pasakit pa ang mga bagong salita at idioms! grrrrr. bukas nga may exam kami e. di ko alam kung paano ako makaksurvive dun. :( hay.

2. nagkakaroon pa din kami ng quality time ni pol kahit hectic ang sked ko. masaya ako sa mga nangyayari sa relasyon namin. he's my best friend -- best friend with benefits. :P haha. iloveyou!

3. raket - may pinaplano kami ni Jessa na bumuo ng isang malaking project. looking forward ako dun. i think malaki ang potential nung idea na un sa market. we'll see. im excited na!

and that's it. sana talaga hindi ako tamarin at makapag-update na lagi dito. hahahaha!



PS: Stop media killings!

No comments: