20 December 2009

Partyyyyyyyyy!



kagaya nga ng sinulat ko sa previous post ko, madami pang nakaabang na party this December. 2nd installment this week. :)

The Flamenco of Arcangel


pre-Christmas party ng Instituto Cervantes para sa lahat ng mga artsy fartsy. :) guitar concert nina Jose Arcangel at Juan Luis Rodriguez -- mga sikat na flamenco singer and guitarist sa Spain. cool.

first time kong maka-attend sa ganitong concert. :) feeling ko tuloy nadagdagan na naman ang pagkatao ko dahil na-expose ako sa ibang genre ng music. hahaha! refreshing makinig sa flamenco songs. try it. :)


CT Link Christmas Party



at Gilligan's Greenbelt. dahil isa ako sa mga dakilang daldalera sa office isa ako sa mga pinag-host ng party. :P hahaha! ATTTT, kumusta naman talaga ang hosting ko habang naka-anime costume! wahahahaha! buti na lang kwela din ung co-host ko. naging maayos naman ung spot namin. btw, ang ginaya kong character ay si Suzuka ng Angelic Layer. (will post a picture soon).



nag-enjoy ako sa party namin. naka-bonding ko halos lahat ng employees -- from utility to VP. :P sa wakas nawala na din ung impression nila sa akin na masungit. :P 'cool' din daw pala ako. hahaha.

Mini reunion with Kare, Mariss and Mel



biglaang reunion kasama sina mel, kare at mariss. nag-dinner kami sa Ineng's Greenbelt tapos tambay sa Glorietta hanggang 1030pm! masaya makita ulit sila lalo na si kare! nung graduation ata ang huling kita namin e! hahaha!

before pa ng dinner namin, nakita din namin ni pol si Ivan sa Lepanto. waiting for Cheska. hahaha! pagala-gala e. :P hahaha! tapos last week, nakita ko naman si Drew kasama ang kanyang girlfriend na si Inna sa Perea. :P hahaha! bale, sa lahat ng mga college friends ko na nagtatrabaho sa makati, si ate pat na lang ang di ko pa nakaksalubong. :P tambay kaya ako sa RCBC? :P

**
sa wakas okay na din tayo. may pagkakamali din siguro ako. masyado akong nainip. masyado akong nagmamadali. buti na lang tumambay tayo sa Triangle at na-save tayo ng mga ilaw. :) <3


No comments: