Showing posts with label DELE. Show all posts
Showing posts with label DELE. Show all posts

17 January 2010

Let's make things right

hello! :)

I've been on work mode since January 4 and I'm looking forward to Christmas vacation already (or to the nearest long holiday)! :P Haha!

There are big changes in the office organization starting next month. And as early as now, I can sense the tension and pressure building up in the office. Pero kiber lang! Bring it on! I hope this new company strategy will benefit everyone - from utility up to the president. Fingers crossed. :)

**

The past week has been a rough road between me and Paul. We've dealt with (and still dealing, I guess) a new kind of nemesis. Stronger and bigger. Something we never  expected nor thought of. But we're okay now. We're happy. :) I know you don't like/understand me but I hope someday you would.

**
I'm out of Nivel Cinco class. :( Reason? Excessive absences. :( Alam ko naman  simula pa noong magsimula ako magtrabaho na darating ako sa ganitong sitwasyon. In denial lang ako kaya tumuloy pa din ako pero wala din pala. Grabe. Nakakalungkot. Ito ang nagpapasaya sakin pagkatapos ng trabaho tapos ngayon wala na. I still can't believe that I made that decision. Hay. But  I can still enroll for Saturday classes right? So I should be happy na din. PERO HINDI TALAGA! I'm going to miss my classmates. :( Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanila nang maayos.  Hay. My TTH will never be the same again. ¡Hasta luego chicos! :(

Later. 


20 December 2009

Partyyyyyyyyy!



kagaya nga ng sinulat ko sa previous post ko, madami pang nakaabang na party this December. 2nd installment this week. :)

The Flamenco of Arcangel


pre-Christmas party ng Instituto Cervantes para sa lahat ng mga artsy fartsy. :) guitar concert nina Jose Arcangel at Juan Luis Rodriguez -- mga sikat na flamenco singer and guitarist sa Spain. cool.

first time kong maka-attend sa ganitong concert. :) feeling ko tuloy nadagdagan na naman ang pagkatao ko dahil na-expose ako sa ibang genre ng music. hahaha! refreshing makinig sa flamenco songs. try it. :)


CT Link Christmas Party



at Gilligan's Greenbelt. dahil isa ako sa mga dakilang daldalera sa office isa ako sa mga pinag-host ng party. :P hahaha! ATTTT, kumusta naman talaga ang hosting ko habang naka-anime costume! wahahahaha! buti na lang kwela din ung co-host ko. naging maayos naman ung spot namin. btw, ang ginaya kong character ay si Suzuka ng Angelic Layer. (will post a picture soon).



nag-enjoy ako sa party namin. naka-bonding ko halos lahat ng employees -- from utility to VP. :P sa wakas nawala na din ung impression nila sa akin na masungit. :P 'cool' din daw pala ako. hahaha.

Mini reunion with Kare, Mariss and Mel



biglaang reunion kasama sina mel, kare at mariss. nag-dinner kami sa Ineng's Greenbelt tapos tambay sa Glorietta hanggang 1030pm! masaya makita ulit sila lalo na si kare! nung graduation ata ang huling kita namin e! hahaha!

before pa ng dinner namin, nakita din namin ni pol si Ivan sa Lepanto. waiting for Cheska. hahaha! pagala-gala e. :P hahaha! tapos last week, nakita ko naman si Drew kasama ang kanyang girlfriend na si Inna sa Perea. :P hahaha! bale, sa lahat ng mga college friends ko na nagtatrabaho sa makati, si ate pat na lang ang di ko pa nakaksalubong. :P tambay kaya ako sa RCBC? :P

**
sa wakas okay na din tayo. may pagkakamali din siguro ako. masyado akong nainip. masyado akong nagmamadali. buti na lang tumambay tayo sa Triangle at na-save tayo ng mga ilaw. :) <3


13 December 2009

Celebrations


all work and no play makes Jack a dull boy.

**

first week pa lang ng December sunod-sunod na ang mga reunions/celebrations na pinuntahan ko. jampacked ang weekends ko at magiging hectic pa yan sa mga susunod sa linggo! weee! exciting!


2/12 18th Monthsary


1.five (di gumagana ung figure five ng keyboard) years na kami ni pol. :) weeee! nag-dinner kami sa Sis. sinubukan namin ung mga paluto sa Seaside for a change. :P sa wakas napilit ko din si pol na kumain ng hipon! hahaha! inumpisahan ko yan sa fish fillet at calamares, next time tahong, talaba at pugita na ang ipapakain ko sakanya. hahaha!

tagal na natin. parang kailan lang. :) mahal kita. <3>
3/12 Por pasaaaaaaaaaaaar

nivel 4 por pasar. jeje.

tapos na kami sa Level 4! hahaha. naka-survive kami kay Jorge aka Pau Gasol! :P grabe. di ko inasahan na malalampasan ko ang sandamakmak na verb conjugations at idioms. handa na nga akong mag-repeat pero buti no need na kasi pumasa ako! wahahaha! sa sobrang saya naming lahat, nag-dinner kami sa Mesa, Greenbelt. :)

nivel cinco na! que horror.

comer, charlar, beber

Five/12 Sinag @10!


Gene, Jacq, Mahal, Lulay, Janina, me

10th anniversary ng SINAG! :) kahit nagkaroon ako ng love-hate relationship sakanila nung college ay proud member pa din ako ng party. madami ng nagtangkang bumuwag sa samahan namin pero walang nagtagumpay. hahaha. iba talaga kapag pamilya ang turingan. solid kahit anong mangyari.

LCDSI. more years to come! :)

chocolate fountain babies

6/12 Enchanted Kingdom



dapat reunion ito ng COM41 kaso kami lang ang nakapunta. :P actually parang di din ito reunion kasi madalas naman kaming nagkikita-kita. :P hahaha! kaya sa mga COM41 friends namin, galaw-galaw. wag maging rare pokemon. hahahahaha!



**

wag tayong tumulad kay Jack na dull boy. let's gow social life! :P

26 October 2009

Winter Blues

kahit walang winter sa Pilipinas.

**
Most Unproductive Day of the Year is Monday October 26

Researchers said that depressed workers will struggle to come to terms with the winter setting in and that productivity will drop by 50 per cent this week.

more.

i totally agree with this. swak na swak e! sobrang unproductive ko talaga kahapon sa office. may ginagawa ako pero gumagala ang diwa ko sa kung saanman. madami akong dapat paghandaan (certification exam next week, sales leads etc) kaso wala. di ko mapilit yung sarili ko na i-absorb lahat ng mg yun. at lalo pang lumala ang pagiging unproductive ko nung hapon. may natanggap lang kasi akong balita na sobrang nakakawala ng motivation sa trabaho. :( haaay. sana di ako dumating sa point na mararamdaman ko ang 'corporate slavery shit'. haha. basta, iisipin ko na lang na dumadaan ako ngayon sa 'winter blues.' whew.


akala ko magiging okay ako pag nagpunta ako ng Instituto para sa group study namin nila Adrian at Honey Leigh, hindi pa din pala. nalaman ko kasi na hihinto muna sila sa course tapos sa January na lang sila magreresume. :( hay. grabe. kung kelan naman kami naging bonded talaga saka nila ako iiwan. nag-drama talaga ako sakanila tungkol dito kagabi. nakakalungkot talaga kasi. sila lang ung super close ko from Nivel 1 tapos bigla silang mawawala sa Nivel 4. babalik sila 6 nako. :(


anu ba yan, Monday na Monday puro kadramahan ang nanyari sakin. Happiness, where are you? :)

20 October 2009

News

nagbigay ng memo kanina sa office na tuwing lunch time lang pwedeng i-access ang mga social networking sites (except for Plurk. hahaha). madami na daw kasing mga nagiging chef at farmer sa office. hahaha. kaya sa buong oras na nakatutok ako sa pc e paikot-ikot lang ako sa Yahoo, Google at mga blogs. eto ang 2 sa mga interesting stories na nakita ko:

Marge on Playboy


La matriarca de la familia Simpson, Marge, ha decidido aceptar la oferta de la revista Playboy y aparecer desnuda para sus lectores.


si Marge Simpson ang covergirl ng Playboy November issue (Playboy ES lang ata) o ha! hindi ko alam kung eto na ba talaga yung gagamiting cover picture kasi may nakita pa akong mas magandang version e. hahaha. happy 20 years Simpson! :)

French Vogue Blackface Issue





Less than a week after Hey Hey It's Saturday's now infamous "blackface" skit, fashion bible French Vogue has sparked controversy by painting a white model black for a photo shoot.


kulang lang talaga siguro sa cultural sensitivity ang mga French kaya nila nagawa to. sana kinuha na lang nila sina Tyra Banks, Chanel Iman, Iman etc. weird. pinagpilitan nilang gawing black ang white.

**
gusto ko hanggang level 10 ako sa instituto. tatapusin ko talaga un dun kahit nahihirapan ako sa sked. ayoko sa ibang school. dun lang.

21 September 2009

twist and shout

woah. ilang linggo ko na din palang hindi ina-update ang blog ko! masyado lang kasi siguro akong naging busy(?) sa kakaisip ng kung anu-ano, pagod sa biyahe, magulo utak. haha. pero eto na ako ngayon! nagbabalik para magshare sa mga nagbabasa ng blog ko. (kung wala namang nagbabasa edi for nostalgic purposes ko na lang. :P haha.)

Level 2 Graduation and Reden's Despedida



one word to describe level 2: nakakabitin. sobra. alam mo yung andami mong dapat i-absorb, i-cherish pero hanggang dun na lang? tapos sumabay pa na babalik na pala ulit ung prof namin, si Reden, sa Spain para ipagpatuloy ung PhD niya. wala. bigla lang akong nalungkot kasi sobrang ikli lang nung time na binigay samin para magkabonding talaga. pero wala na akong magagawa kasi ganun talaga e. hay buhay. we'll surely miss reden. nagiging matatag yung foundation namin sa basic Spanish dahil magaling siya magturo at magmotivate ng students. at siyempre mamimiss din namin sina reynold at romeka. les gusta jugar al tennis pair. hindi na kasi sila tutuloy sa level 3.. magcoconcentrate na sila sa Cannon Law. :P haha.

pero bago naman kami tuluyang magkahiwa-hiwalay, nagcelebrate yung class namin sa Los Ambos Mundos. ayon kay reynold (el administrador) oldest spanish resto daw un dito sa pinas. since 1888. astig! :) effort ito para sa class celebration. nung gabi na papunta na kami dun, effort talaga ang pagpunta! kaloob-looban ba naman ng recto! hahaha! pero cool ung place. parang noli me tangere era ang dating. :)


pagdating dun, ready na ang lahat. may food na. :P and speaking of food, the best ang pagkain nila dun! total win! they serve authentic paella and callos! woooh! parang nakalimutan ko ang pangalan ko nung natikman ko ung mga pagkain nila. haha. hindi to exaggeration o dala ng matinding kagutuman nung oras na un, masrap lang talaga luto nila. :P yeh! extra special din ung celebration dahil may wine na kami! haha. umaasenso! nung level 1 grad kasi Zesto lang. :P

sinama ko din pala si pol sa celebration namin para makilala siya ng mga classmates ko. :)

Reden, Reynold and Sister Romeka, i hope to see you soon. :) mas okay sana kung sa Espana tayong lahat magkikita-kita. :P salamat din sa 20 (10 for sister) meetings na nagkasama-sama tayo. muchisimas gracias. at para naman sa mga nivel 3 amigos y amigas, hasta en jueves. jejejeje. :)


Haruki Murakami





parang Pringles ang epekto ni Murakami sakin. once you pop, you can't stop. very addicting ung mga works niya. pati panaginip ko, HM-inspired na. :P


nakita ko 'to sa youtube. adaptation ng On Seeing the 100% Perfect Girl. part ata to ng The Elephant Vanishes.




Happiness

ika nga ni Kim Chui at Gerald Anderson, habulin mo happiness mo. eto na, hinahabol ko na. sana mahuli ko na talaga. :P




07 September 2009

blessed



21 na ako!! madaming nangyari sa buhay ko pagkatapos ng aug.30. parang roller coaster ride. makapigil hininga ang mga eksena. pero okay na din at least, back to normal na ulit. :) nagpapasalamat ako sa Kanya dahil hindi niya ako tuluyang nakalimutan. :P pinaghintay man niya ako nang sobrang tagal, bawi-bawi naman sa mga biyaya. wooh! isang taon ulit ng pagpupunyagi at paglalagalag. hahaha.

kumpleto na sa rekados ang buhay ko dahil sa mga ito:

Family




ever supportive. :)

Love


15 months na! ambilis! iloveyou!

Career

akala ko wala na pero may biglang dumating. hahahaha! sana mabuhay ulit ung una.

Studies

malapit na ulit ang evals naman for level 2 Spanish. gow gow gow! tapos kaka-start ko lang ng Graphic Design lessons sa Microcadd. :)

**

sana magtuloy-tuloy na talaga to hanggang december para naman maganda ang pasok ng 2010 ko. :) woooh! salamat talaga at okay na ang lahat. :)





18 August 2009

Otra Vez



first day ulit ng klase! this time level 2 na ako! yey! :) hindi na ako katulad nung una, medyo tinubuan na ako ng spine at nagkaroon na din ako ng confidence makihalubilo sa iba. ganun ata pag upperclassman na?:P

pag pasok ko sa student lounge nagulat ako kasi naghihintay dun sina Adrian at Gemma! weee! same class ulit kami! haha! ayos! di ako masyadong mao-OP! dumating din sina Honey Leigh, Deanna, Reynold at Philip! hahaha! woooh! at ang pinaka-malaking sorpresa talaga sa first day ay ang prof: Reden Libo-on ulit! hahahahaha! parang reunion lang! unexpected talaga! di na ako tatamarin pumasok kasi nandun na ung mga friends ko at baka mabatukan ako ni Reden. :P

parang melting pot yung klase namin. may classmates akong American, Indonesian at Taiwanese. iba't-ibang kultura na naman ang makikilala ko sa level 2! exciting!!! :) looking forward ulit ako sa TTH. :)

16 August 2009

Diversionary Tactics

Eto ang mga dahilan kung bakit wala akong updates dito. :P hahahaha. busy-busyhan.


Level 1 Graduation



last day of class. sobrang kabado kami kasi akala namin one-on-one yung oral exam, yun pala group activity lang! haha! 3min skit tungkol sa mga pinagaralan namin. :P parang comedy lang yung nangyari pero at least nakakapag-express na kami in Spanish. :P haha. poco a poco, se va lejos! woooh!

after exam, nagyaya sina Nolan at Reynold na mag-kape. celebration daw kasi tapos na kami sa level 1. ayun. nilibre nila kami sa CBTL Rob. nagshare ulit si Reden ng mga adventures niya sa Spain.:P haha. ang saya. :P

nalampasan ko din ang A1.1! haha! buti na lang talaga hindi ako nagpadala sa pananakot (acting lang pala niya un para ma-intimidate kami) ni Reden nung first day of class kundi di ako magkakaroon ng ganitong klaseng experience. sobrang saya. :) extension to ng buhay estudyante ko. seatworks, recitation, aral, final exam.. student life after DLSU-D. :)

mamimiss ko talaga lahat ng naging classmates ko. kahit one month lang kaming nagkasama at kahit magkakaiba kami ng pinanggalinga, madami kaming mga masasayang moments. di ko makakalimutan yung first day of class! sabay-sabay kaming naboblats at na-nosebleed sa mga tanong ni Reden! hahaha! hay. di ko alam kung kelan ko ulit sila makikita o kung makikita ko pa ba sila. (drama) haha. basta, kung may classmate man ako na makaka-stumble sa blog entry na ito, salamat sa mga alaala! yeh!

Tagaytay Trip with COF


post-birthday celebration ni Au. bente na siya pero siya ung mukang pinakamatanda. :P hahaha. peace ipis! ^__^

memorable ang trip na to dahil first time (since college graduation) ulit namin nakasama si Milcah sa mga gala! haha! akala kasi namin nilamon na siya ng buhay ng trabaho niya. di pa naman pala. still alive and kicking pa siya sa IBM. hahaha! gow!

sa Dencio's kami nag-dinner. medyo bitin samin ni Jhe ung pagkain, nagpaparinig na nga kami kay Au pero wala e. :P manhid ang lola mo. haha! tapos tambay sa Starbucks. dramahan portion na naman courtesy of Jhezra and Milcah. bakit kaya laging may ganitong portion kami no? :P emo na ba ang tropa? :P

nung pauwi na, naghanap kami ng pampasalubong (parang ang layo ng nilakbay namin no). habang naghahanap, nakaisip ako ng activity na pwedeng gawin ng tropa. :P haha. saka ko na ishshare pag okay na. :P haha. basta, sana matuloy ung naisip namin. :)

Elem BFFs


bago pa nabuo ang COF, sina Dustin at Julianne muna ang mga BFFs ko. haha. magkakaservice kami sa jeep ni Mang Fer mula grade 5 hanggang grade 6. after elementary graduation, lumipat si Julianne ng school tapos ako naman, lumipat na sa ibang service. bale, grade 6 kami huling nagkasama. matapos ang 5 years, nagkaroon ulit kami ng connection thru Facebook! (hanep! iba ka FB! we lab you!!) at ayun, nagkayayaan na mag-reunion! ayossss! hahaha!

habang papunta ako sa meeting place namin, naeexcite at kinakabahan ako at the same time. naeexcite kasi siyempre, makikita ko ulit sila pero kinakabahan din kasi baka magkaroon lang ng mga awkward moments dahil matagal na kaming di nagkikita. pano kung iba na pala yung taste nila? pano kung nag-iba na sila? ganun. pero nawala lahat ng kaba ko nung nadinig ko ung boses ni Julianne! grabe, ang ingay pa din! walang pinagbago! pati si Dustin, ang lakas pa din mag-asar! haha! bakit kaya ganun no? may mga tao talaga na kahit matagal mo na di nakita, parang close pa din kayo? yung tipong, parang di naman talaga kayo nagkahiwalay? basta, ganun ung feeling. yung mga pinaguusapan namin e circa 2004 pa. :P ang saya. old friends. :)

pagkatapos tumambay sa CBTL, nag-Malate kami. uminom sila tapos ako kung-fu lang. :P hahaha! maaga din kami umuwi kasi natatakot si Dustin sa mga batang beki (kay Dustin ko lang to nalaman. new word. ) dun. :P haha.

**
okay din pala itong situation ko ngayon. i got to meet new friends and i also had the chance to bond with my old buddies. nadagdagan din ang kaalaman ko, thanks to Reden and IC. masaya ako kahit..basta. yun na lang. masaya ako. :) iisipin ko na lang na eto yung positive side. yes, positive. whew! hahaha! *mentally chanting* GO TEAM! AJA! :)

PS: I would also like to thank my loving boyfriend for keeping me sane and alive, for staying with me through thick and thin. Big thanks! You know how much i love you! hahahahahaha! yeh! :)

06 August 2009

Opportunities



evaluation namin kanina. nakatulong lahat ng ni-review ko pero di ko inasahan na medyo madali ung exam. sa sobrang dali, nakaka-tanga.:P naranasan niyo ba un? yung tipong madali yung mga tanong pero tricky yung mga choices. ganun ang nangyari sa written exam ko kanina! grrrr. dalawang verbs lang pala yung lalabas! SER at ESTAR!! hay. pero sa pre-oral exam namin, sinabihan ako ng prof namin na may chance daw akong maging interpreter kung magiging fluent ako sa spanish. yehey! kaya lang sablay talaga ako sa R e kaya tunog "konyo" daw ako. booooo. :P haha. pero napaisip ako dun ha? mataas ang sweldo sa mga interpreter. gawin ko kaya tong sideline no? haha.

sa listening exam, okay naman kaso di pa sanay ang tenga ko sa mga spanish speakers. sobrang bilis nila magsalita! bago mo magets yung pinagusapan nila, tapos na! haha! litsi.

sana talaga makapasa ako sa evals! gusto ko na sa A1.2!! waaaah!!

**
at eto naman talaga ang oportunista.

Jamby Madrigal Defiles Cory Aquino Memorial Service
My good friend sent me an e-mail with a blog post from a Facebook user named Happy Feraren. While she was waiting for President Cory Aquino’s cortege, she and her Mom decided to buy a yellow umbrella. They were then given a yellow beaded bracelet afterwards for free. However, when they looked closer at the bracelet, it had the picture of Senator Jamby Madrigal, who recently declared her intention to run for the Presidency in 2010.


oportunista to the highest level. mangampanya daw ba sa burol ni Cory. tsk tsk. Senator Jamby Madrigal, tablan naman po sana kayo ng kahit konting kahihiyan. at sa lahat pa ng mga politicians na ginamit ang funeral ni Cory para sa mga pansarili niyong interest, nawa'y makonsensiya naman kayo. di na kayo nakahiya.

**
gnyt! :)


29 July 2009

Contagious


i was supposed to write a critique on PGMA's 9th SONA but after two days of intrapersonal debate i decided not to do it anymore. why? because i don't have the bird's eye view of the real situation. baka ma-misinterpret ko lang yung mga nadinig ko at alam ko kaya wag na lang. wish ko na lang ay sana huwag tayo maging utak talangka. mas malayo ang mararating ng bansa natin kung lahat tayo magkakaisa. kelan kaya mangyayari yun no? :P hahaha.

**
kahapon sinamahan ako ni pol sa school. :) masaya ako kasi sa wakas nakita na din niya kung saan ako nagaaral. dapat nga aabsent na lang ako sa klase para makapag-date kami kaso crucial e. malapit na evals. ayokong umulit ng level 1! hahaha! dapat makahabol ako sa DELE sa October. wooh!

pagkatapos ng klase ko kumain kami sa Cowboy Grill Express. okay din pala dun! parang Hooters style ung suot ng waitress. :P lerkey. pero masarap ung food! winner. :)

**
LSS - Nobody by Wondergirls



sa sobrang kaadikan ko, nakabisado ko na ung steps sa chorus! hahaha!

^___^


21 July 2009

Recitation

Day 4 of Spanish class = uber fun! :)

natutuwa ako kasi dumadami na ung friends ko sa school tsaka di na ako nanonosebleed sa lecture ni Reden! 70% na ung naiintindihan ko sa pagsasalita niya! haha! improving na kaming lahat, actually. pag nagkakasalubong nga kami sa school grounds, espanyol na kami magusap. taray! hahaha!

parang favorite akong tawagin kanina ni Reden kasi pinag-recite niya ako nang bonggang bongga at ako pa ang taya sa activity namin! wa epek na ung pagtatago ko sa tuwing recitation. :P haha. pero okay ung experience na un. kahit baluktot pa ung pagsasalita ko at least natutunan ko kung ano ung tama. yeh!

interesting tong nadiskubre ko kanina:

* siguro may Spanish etymology ang salitang kiber. may statement kasi sa espanyol na No tiene nada que ver con eso (means It has nothing to do with that.) kiber = que ver. Hmm. Whatya think?

*bastos pala ang literal translation ng salitang putoseko (uri ng tinapay). Puto = male prostitute ; seco = dry ; estonces puto seco = dry, male prostitute? hahaha.

* ang Spanish name ni Mickey Mouse ay Raton Miguelito. :P

un lang naman. :) sana pumasa ako sa final exam namin! SOON! hahaha.