Napanood ko sa bus kaninang umaga yung balita tungkol sa apela ng Makati Business Club na magkaroon ng parallel manual count. First reaction ko, "fuck. waste of time lang yan." Automated na nga bakit kailangan pa bumalik sa mano-manong pagbibilang ng boto? Tsaka "parallel" ang gusto nila, meaning simultaneous ang pagbibilang ng Picos at pagtatara ng boto. Oh c'mon. Waste of time tsaka financial-wise, mas magastos yung manual counting. Kaya nga nag-automated para makabawas sa gastos (less honorarium, materials) tapos ngayon gusto pa nilang dumoble. Kung automated, automated na! Kung manual, manual! Hindi pwedeng parehas gagawin. Tsaka pano kung magkaiba ung resulta ng Picos at manual counting? Which technique is more reliable? How can we be sure? Diba? Magkakaroon pa ng discrepancies. They are suggesting a solution that is bigger than the problem!
Sa tingin ko kulang lang talaga tayo sa tiwala. Ayoko mang isipin pero parang sa isang bansang corrupt, imposible nang mabalik ulit yung tiwala na yun. Pinagdududahan natin ang isang bagay kahit hindi pa naman natin nasusubukan. Puro tayo satsat kaya tuloy hindi tayo nakakausad.
Sana kahit para lang sa election na ito, maging open-minded at honest naman tayo. Please lang. Gawin nating malinis ang first automated elections para umusad na ang Pilipinas! Gusto ko na ng pagbabago sa bansa natin!
2 comments:
agree tsaka kawawa din ng mga teachers no kung gusto pa nila magpamanula, stressed na nga sila sa paghandle ng new system papahirapan pa lalo
korek kuya. pero naging maayos naman ang first automated elections (in general) di ko lang gusto ko ung resulta. haha!
Post a Comment